Peter's POV

Haaaaay! Nakakapagod pala mag-organize ng isang big event. Pero ayos lang, basta kay pretty Caela. We will do anything. Naglalakad kami ngayon papasok ng academy, tinotopak si Leader eh, maglakad na lang daw kami. Pwede naman kasing magteleport na lang. Aish! hindi ko pa rin talaga maintindihan ang lalaking 'to. Si Caela lang yata ang nakakaintindi sa kanya. Pag-ibig nga naman. Hahaha.

"Hurry up! Ang babagal niyong maglakad." Sabi ni Dashiell at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Nakakapagod kaya, Leader. Pahinga naman tayo." Ang forever reklamador na si Ian. Ang laki ng katawan pero ang tamad. Nilingon naman siya ni Leader at binigyan ng nakakamatay na tingin.

"Hehe. Peace tayo Leader. He-he!" Siraulo talaga, magrereklamo takot naman pala. Hahaha.

Medyo binilisan na namin yung lakad, mukhang miss na miss na ni Leader yung 'baby' niya. Hahaha. Kaso habang naglalakad kami may tatlong babaeng tumatakbo papalapit sa amin. What the hell? Anong nangyayari?

"H-hi D-dash." Parang tanga! Mag-hi lang pala kay Dashiell, kinabahan pa ako doon. Akala ko kung ano na naman ang nangyayari.

"He-hello Superiors." Bati pa nung isa na parang natatae? Ang likot eh! Tsk. Kaya ayaw ko sa mga babae. Tapos mas maganda pa ako sa kanila. Haaaay! I'm so gorg. Hahahaha.

"What do you want?" Seryosong tanong ni Dash sa kanila. Pero ang mga bruha nakatulala lang.

"Tsk." Nilampasan lang sila ni Dashiell kaya sumunod na din kami.

"Parang mga baliw yun! Hahaha" tawang-tawa si Harper. Eh mas baliw nga siya sa mga yun!

"Parang may sasabihin sila, kaso nawala nung nakita nila ang kagwapuhan ko." The over-confident Ivan. Tsk!

"Kapal mo. Si leader ang binati, hindi ikaw." Kontra naman ni Beatrice.

"Nasaan ang kagwapuhan na sinasabi mo? Di ko makita!" Asar ko pa. Nagkamot lang siya ng ulo, wala eh! Talo na naman. Pansin ko lang, kawawa lagi siya sa amin tsaka si Ian na kakambal niya. Aww. Hahaha.

"Stop those childishness. We better hurry up. I sense that there was something bad happened." Putol ni leader sa tawanan namin. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya.

"In Mediocris section. NOW!" Muli pang sabi niya, bago biglang nawala. Nagteleport na lang din kami para mas mabilis.

****

"OMG! What happened here?" Gulat na tanong ni Audrey. Wala kaming makitang maayos na kagamitan dito sa loob. Yung mga chairs, nakakalat, wala sa tamang lugar. Basag-basag yung mga bintana. Tapos yung mga kaklase namin, tahimik lang sa isang tabi.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!