Peter.

Nakakapagod palang mag-organize ng isang malaking event, feeling ko nadry ang face ko. Pero ayos lang, basta kay pretty Caela, we will do anything.

Naglalakad kami ngayon papasok ng academy. Tinotopak ang leader namin at sinabing maglakad na lang daw kami. Pwede naman kasing magteleport na lang. Aish! Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang lalaking 'to. Si Caela lang yata ang nakakaintindi sa kaniya. Pag-ibig nga naman!

"Hurry up! Ang babagal ninyong maglakad." Sabi ni Dashiell at nagpatuloy na sa paglalakad.

Uso naman kasi ang teleportation. Tss.

"Nakakapagod kaya, Leader. Pahinga naman tayo." Ang forever reklamador na si Ian. Ang laki ng katawan pero ang tamad. 

Nilingon naman siya ni Leader at binigyan ng nakakamatay na tingin.

"Hehe. Peace tayo leader. He-he!" Siraulo talaga, magrereklamo tapos takot naman pala.

Medyo binilisan na namin ang lakad dahil mukhang miss na miss na ni leader ang baby niya. Napangisi na lang ako. Kapag ako nainlove, ganito din kaya ako kabaliw? Hehe.

Habang naglalakad ay may tatlong babaeng humahangos na tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin. 

What the hell? Anong nangyayari? May marathon? Hinahabol ng zombie?

"H...hi, D-dash." 

Gusto kong bigyan ng isang tumataginting na flying kick sa mukha ang babaeng ito! Puta! Magha-hi lang pala tapos may paganoong scene pa! Akala ko kung ano na naman ang nangyayari!

"H...hello, Superiors!" Bati pa nung isa na parang natatae. Ang likot, hindi naman yata siya pinaglihi sa bulate, no?

Kaya ayaw ko sa mga babae, e. Tapos 'di hamak na mas maganda pa ako sa kanila. Hay! Bakit ang ganda ko?

"What do you want?" Seryosong tanong ni Dash sa kanila, nanatili namang nakatulala ang mga bruha.

"Tsk." Nilampasan lang sila ni Dashiell kaya sumunod na din kami.

"Parang mga baliw 'yun! Hahaha." tawang-tawa si Harper. Eh, mas baliw nga siya sa mga 'yun!

"Parang may sasabihin sila, kaso nawala nang nakita nila ang kagwapuhan ko." The Most Conceited Man of the Year Award goes to... Ivan Wesley.

"Kapal mo. Si leader ang binati, hindi ikaw!" Kontra naman ni Beatrice.

"Nasaan ang kagwapuhan na sinasabi mo? Hindi ko makita!" dagdag ko na ikinakamot niya ng ulo. Pansin ko lang, kawawa lagi siya sa amin tsaka si Ian na kambal niya.

"Stop those childishness. We better hurry up. I sense that there was something bad happened." Putol ni leader sa tawanan namin. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kaniya.

"In Mediocris section. NOW!" Muli pang sabi niya bago biglang nawala. Nagteleport na lang din kami para mas mabilis. Sana kanina pa namin ginawa, no? Ang gulo niya!

*****

"OMG! What happened here?" Gulat na tanong ni Audrey. Napapanganga din ako sa nakikita ko ngayon.

Wala kaming makitang maayos na kagamitan dito sa loob. Nagkalat at wala sa tamang lugar ang mga upuan. Basag ang mga bintana. Tapos tahimik lang sa isang tabi ang mga estudyante dito sa loob. Ang ilan sa kanila ay halata pang galing sa pag-iyak.

Nakita ko rin si Nathalie na nakasalampak ng upo sa sahig. Tahimik lang at nakatulala. Anong bagyo ang dumaan dito?

"Who did this?" Galit na tanong ni Dashiell habang inililibot ang tingin sa buong paligid.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!