Chapter Seventy One- Calm before the Storm

383K 7.6K 924
                                    

SILVER's POV

Stoned. Sa kinatatayuan ko. Did they really kiss o nabubugalagan lang ako? Maybe this is paranoia, ain't it? That the universe is conspiring against me that I thought they were kissing.

And if that's really what I saw, then... then maybe it's not even a kiss. It's just Terrence kissing a log. Zylie didn't even moved or blinked.

But... but why didn't she say anything?

Matagal na ring umalis si Sanchez at yung balak kong sundan siya bago siya makauwi sa ilalim ng saya ng nanay niya, pero hindi ko alam kung bakit parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan.

“Silver!” may tumawag mula sa likod ko makalipas ang ilang minuto. Gaano katagal na ba akong nakatayo dito? I didn’t even notice.

“Ah!” seryoso, nagulat ako. I’m dwelling in so much thoughts habang nakatitig sa pintuan nila Zylie ng bigla na lang may sumigaw sa likod ko.

Medyo hindi ko alam kung anong reaction ang ibibigay ko kay Zeus. Hindi ko ma-tantsa kung ano ang alam niya sa’min. Kung ano ang nasabi na sa kanya ni Zylie.

“Bakit ka nandiyan? Nung nasa malayo akala ko kung sino eh.” Natatawa-tawang sabi ni Zeus habang inaakbayan ako “Ikaw lang pala, tatawag na sana ako ng tanod dahil parang may nagmamanman sa bahay namin eh. Ang tagal mong nakatayo diyan! Akala ko nga tinubuuan ka na ng ugat diyan eh.” he even smiled. He's way too friendly para masabing galit siya sa'kin. That Zylie hasn't said anything. About everything... Why?

“Nandiyan ba si Zy?” Kahit alam ko na nasa loob si Zyla, parang gusto ko pa ring marinig kay Zeus na wala talaga siya doon. Na guni-guni ko lang yung nakita ko. Na hindi nangyari yun. Na hindi siya yung nakita ko na pumasok ng bahay niya.

“Hindi ko rin alam ‘tol. Kadadating ko nga lang hindi ba? Mas nauna ka pa nga sa’kin dito eh?”

“Ahh. Yeah... Right.” There goes my common sense? Naglaho na din ba  ito kasabay ng kaguluhan?

“Bakit hindi mo ba tinext si Zylie na pupunta ka dito?” tanong nito ng nasa tapat na talaga kami ng mismong pinto nila. “Surprise ba?” mukhang excited pa si Zeus. Kung alam lang talaga niya, baka dumapo na sa mukha ko ang mga kamao niya. Pinilit kong ngumiti. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tama at mali. Nawala na ang mga rasyonal kong pagiisip.

“Ah, ano kasi, I lost my phone.” Sinabi ko na lang yung isang totoong bagay na alam ko. Pero naisip kong hindi rin pala ako sigurado kung nawala ko nga ito o naiwan ko na naman kay Zylie. Hindi ko na matandaan sa sobrang labo ng utak ko nung gabing yun. 

“Eeeeiiii. Kunwari ka pa! Turuan mo nga ako ng mga da-moves mo ‘tol! Hindi mo nga daw tine-text si Zylie nitong mga nakaraan. Akala niya di ko napapansin, namumugto kaya yung mata niya. Nagkasakit pa nung nakaraan. Ang sabi ko nga, love-nat lang yun.”

I knew it. Tinatago niya. She's just acting like nothing's happening. Infront of her family. In front of everyone.

“Is she... is she okay?”

"Ba't di ka pumasok?"

Pinihit ni Zeus ang doorknob at binuksan ang pinto. Para naman akong nakaramdam ng tensyon at nagmistulang duwag na tuta at napatayo ako sa likod ni Zeus.

“KUYA!!!!” nariig ko yung boses ni Zylie na excited sa pagdating ng kapatid niya. She seems perfectly happy. I should be relieved, I know. But why do I think something's really wrong that she can be this happy. This ecstatic. This isn't even her normal. “Nabili mo ba yung chocolate na ibinilin ko?” naramdaman kong tumayo si Zy at lumapit sa kuya niya. At ako eto pa rin, nakatayo sa likod ni Zeus.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon