Madaming beses ko na siyang inakit pero walang effect. Uu inakit talaga.

Naghihintay na ako sa sala nung dumating siya. Talagang sinadya kong agahan ang pagbibihis kasi kakausapin ko nga siya. Gusto kong malaman kung bakit ganun siya. I swear he is not normal. At ayaw kong isipin na bading siya. No way! Binaon ko na sa lupa ang hinalang yun! Ayaw ko ng hukayin.

Pinagbukas ko siya ng pinto and as usual, nakapolo at nakajeans siya at nakapomada. Di ba sabi ko papalitan ko ang fashion sense niya? Pati ang language niya? Pero mukhang ako ang binabago niya. And I can’t allow it.

Pagkakita niya sa akin, sinuyod niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

“Hindi ka pa nakabihis?” Sabi niya bago niya ako hinalikan sa pisngi. Napaismid ako sa halik na yun. Gusto ko ng magdabog at magtantrums.

“I’m ready but I want to talk to you first Gab.” Sabi ko sabay tabi sa kanya sa sofa. Umusog niya nung nagdikit kaming dalawa. Sarap itali sa katawan ko ng wala na siyang kawala.

Umusog ako palapit sa kanya at umusog din siya palayo. Hanggang sa macorner ko siya dahil nasa dulo na siya ng sofa.

“Mira… malawak naman ang sofa.” Sabi pa niya.

“Alam ko. Pero bakit ka ba iwas ng iwas sa akin?” Hindi siya nakasagot sa tanong ko. This time magkadikit na ang mga braso namin at parang kinuryente ang braso ko sa pagkakadikit namin. Shucks!

“Hindi naman sa ganun. Pero bakit ka ba dikit ng dikit sa akin.” Ayyy tinatanong ba yun ng isang boyfriend?

“Because I am seducing you.” Walang pakundanagn na sinabi ko. Kakausapin ko nga siya di ba? Kaya walang kwenta kung magpaligoy ligoy pa ako.

“Don’t you find  me attractive, Gab?” lalo akong dumikit sa kanya. Nakita ko siyang namula.  

“Siyempre, nagagandahan ako sa ayo. Nakakaakit ka…” Yun naman pala eh. Humarap na ako sa kanya at linapit ang mukha ko sa kanya.

“Pero bakit isang buwan na tayo ni hindi mo ako hinalikan sa labi.”Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Pang akit yun alam ko. At mukhang gumagana na ang pangseseduce ko nung ngumiti  siya  tapos hinaplos ang pisngi ko. Napapikit naman ko kasi siempre pagkakataon ko na to. Sa wakas. Magkakafirst kiss na din kami. At para makasigurado, ibinukas ko ang isang mata ko nung maramdaman kong malapit na ang mukha niya sa mukha ko. Hindi naman pala umaatras eh.  

“Handa ka na bang magpakasal?” Ako ang napaatras dahil sa sinabi niya. Teka! Bakit napunta sa kasala ang usapan?  Napadilat ako lalo. Anong kinalaman ng kasala sa halik?

“Bakit?”  

“Kapag hinalikan kita sa labi, kailangan kitang pakasalan.” Buong sabi nito. Sobrang lapit pa din ng mukha niya sa mukha ko. Umatras ako lalo, siya naman ang lumapit sa akin. At handa na akong halikan. Te---ka!!!

“What are you saying?” I am only askign for a kiss!

“Mira, hindi gawain ng magkasintahan ang naghahalikan.” Ano daw? Where did he get that idea?

“Says who?” Wag niyang sabihing sabi yun ni Rizal. Hindi ako maniniwala.

“Turan ng Lola ko.”

“What?” Saang era nanggaling ang lola niya? At bakit pati si Gab dinamay? Kawawa naman ako.

“Kapag hinalikan kita ngayon bukas mamamanhikan kami!” Oh My god! Lalong siyang lumapit sa akin. Napahiga ako sa sofa sa pag iwas sa halik niya. Bwisit! Ahhhhhh….

“Shit!” Ayun tinulak ko siya. Gago to ah! Dahil sa halik magpapakasal? Hindi naman sa ayaw kong magpakasal sa kanya pero haller 23 years old pa lang ako. Ni hindi pa ako napropromote.

“Umalis ka na nga!” Badtrip na sabi ko. Nawalan na ako ng gana sa mundo. Nawalan na ako ng ganang mabuhay. Mamamatay ata akogn di natitikman ang labi ni Gab. And I hate it.

“Mira, may lakad pa tayo.” Inirapan ko siya at tumayo na mula sa sofa.

“Ayaw ko ng umalis. Kung gusto mo makipagdate ka sa lola mo!”

At nagdabog ako papasok sa kwarto ko at isinarado ito.

Kiss lang naman eh!

Kahit smack lang!

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!