Caela's POV

"Ma, Pa, pwede bang 'wag na tayong magkaroon ng enggrandeng handaan?" Pakiusap ko sa kanila. Hindi naman kailangang magarbo, basta kasama ko sila sa importanteng araw ko, okay na.

"Hindi pwede anak, ito ang pinaka-importanteng araw sa buhay mo kaya dapat lang na pinaghahandaan ito. And we will finally introduce you to all of them." Sagot naman ng Papa ko. Andito kami sa kwarto, kaming tatlo lang.

"Hindi ko na po ba mapapalitan ang desisyon niyo?" Muli kong tanong sa kanila, bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Sweetie, we want to inform them that we already found you. Hindi naman pwedeng habang buhay nating itatago ang lahat sa kanila. And I want to call you, in the name that I've given to you." My mother said while caressing my hair.

"Ano po bang pangalan ang ibinigay niyo sa akin?"

"Avrice Jazze, sweetie." Nakangiti niyang sabi saakin. "Alam mo bang noong araw na nalaman namin na ikaw ang nawawala naming anak, gustong-gusto ko ng tawagin ka sa pangalan na ibinigay namin sayo? But I respect the couple who adopted you, and I owe them a lot. Kaya hindi naman pwedeng basta ko na lang palitan ang pangalan na ginagamit mo ngayon." Mahabang paliwanag pa niya.

"I understand you, Mama. Sige na po, aalis na ako. May klase pa kami." Paalam ko sa kanila. I kissed them before I left.

*****

The King and Queen of Mystique want to invite all of you for an important event. The venue is at Mystique garden at exactly 12mn. Thank you!

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!