44

86.8K 3.3K 93


Caela.

"Ma... Pa... pwede po bang 'wag na tayong magkaroon ng enggrandeng handaan?" Pakiusap ko sa kanila. Hindi naman kailangang magarbo basta kasama ko sila sa importanteng araw ko, okay na ako.

"Hindi pwede anak, ito ang pinaka-importanteng araw sa buhay mo kaya dapat lang na pinaghahandaan ito. And we will finally introduce you to all of them." Sagot naman ng Papa ko. Nandito kami sa kwarto, kaming tatlo lang.

"Do we really need to do that? Hindi ko na po ba mapapalitan ang desisyon ninyo?" Muli kong tanong sa kanila bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Sweetie, we want to inform them that we already found you. Hindi naman pwedeng habambuhay nating itatago ang lahat sa kanila. And I want to call you in the name that I've given to you." My mother said while caressing my hair.

"Ano po bang pangalan ang ibinigay ninyo sa akin?"

"Avrice Jazze, sweetie." Nakangiti niyang sagot sa akin.

Napahawak ako sa kwintas na may naka-engrave na Princess Jazze. Napatingin dito si Mama at nginitian ako.

"Alam mo bang noong araw na nalaman namin na ikaw ang nawawala naming anak, gustong-gusto na kitang tawagin sa pangalan na ibinigay namin sa'yo? But I respect the couple who adopted you and I owe them a lot. Kaya hindi naman pwedeng basta ko na lang palitan ang pangalan na ginagamit mo ngayon." Mahabang paliwanag pa niya.

"I understand you, Mama. Sige na po... aalis na ako. May klase pa kami." Paalam ko sa kanila bago sila binigyan ng tig-isang halik.

*****

The King and Queen of Mystique want to invite all of you for an important event. The venue is at Mystique garden at exactly 12:00mn. Thank you!

The King and Queen of Mystique want to invite all of you for an important event. The venue is at Mystique garden at exactly 12:00mn. Thank you!

The King and Queen of Mystique want to invite all of you for an important event. The venue is at Mystique garden at exactly 12:00mn. Thank you!

Paulit-ulit na nagpa-play ito sa speaker sa buong academy. Napabuntong-hininga na lang ako. Talagang ipina-broadcast pa nila Papa.

Nandito nga pala kami sa loob ng classroom. Katatapos lang ng training ng mga estudyante kaya walang klase.

"Ano kaya ang meron mamaya, no? I'm so excited." I overheard from one of my classmate.

"Yes. Sobrang importante siguro talaga noon, para ipatawag tayong lahat ng mahal na hari at reyna." My other classmate said.

Unti-unti na silang nag-iingay pero iisa lang naman ang topic ng pinag-uusapan nila. 'Yung event na mangyayri mamayang alas-dose. Nagkani-kaniya silang plano kung ano ang susuotin nila mamaya.

I just sighed again. Kaming dalawa lang ni Michie ang magkasama ngayon, wala na naman ang Superiors. Nagpaalam naman si Dash na may importante daw silang gagawin. Hindi na ako nag-usisa pa kung ano 'yon. And wala na si Sophia kaya obviously, kami ni Michie ang natira.

Nakakapanibago, hindi ako sanay na wala si Sophia. Walang nag-iingay, walang nangungulit.

"I missed Sophia... so much." Narinig kong bulong ni Michie. Napatingin naman ako sa kaniya kaya nakita kong malapit na siyang umiyak. 

We can't do anything, iyon ang pinili niya. 

"I missed her too, but there's no way we can do to make her change her mind." Sagot ko pagkatapos ay ginagap ko ang kamay niya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!