"They are not in a relationship? But how come, that they are so sweet when we saw them together." Bakit ba ipinagpipilitan nilang may relasyon 'yung dalawa? Eh, ako ang girlfriend. Pinapainit nila ang ulo ko. Aish!

"Ewan ko. Basta hindi sila. Okay?" Ano ba kasi ang hindi nila maintindihan doon? Hindi naman salitang alien ang ginamit ko.

"Gaano ka kasigurado sa sinasabi mo?" Tanong pa nila.

"Boyfriend ko si Dashiell kaya malabong maging sila. Okay? Pwede na ba akong umalis?" Sagot ko na lamang para matapos na. "Marami pa akong gagawin."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay-sabay na tawa nila. Ang lakas pa, mabuti na lang at nandito na kami sa labas.

"W...what did you just say?" mamamatay sa kakatawa 'yung isa. Nakaka-insulto ah? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Y...you and Prince Dashiell are... HAHAHAHA! Wait! HAHAHAHA!" Halos hindi na sila makahinga sa kakatawa. Kulang na lang ay ang maglupasay sila dito sa sahig.

I don't have time for them. Tatalikod na sana ako but for the nth time, pinigilan na naman nila ako. Anong meron sa mga tao ngayon?

"Wait, girl!" Pigil nila sa akin.

"Pakiulit nung sinabi mo. Baka sakaling maintindihan namin! Hahahaha!" I just look at them. Nawawalan na ako ng pasensiya. Pinaglalaruan nila ako!

"Boyfriend ko si Dashiell, kaya malabong maging sila. Okay?" Panggagaya pa nila sa akin na sinabayan pa ng tawa.

"Iyan ang ilusyon! Kayo ang hindi bagay! Hahahaha." Tugon ng isa bago ako tinalikuran at hinila ang mga kasamahan.

Aba't! Ipakain ko sila kay Shippo e!

***

Until now, I can't get over on what happened few hours ago. Hinihintay ko si Dashiell ngayon dahil pupunta daw kami sa kaharian nila. 

"Baby, sorry for making you wait! Nainip ka ba?" Sabi ni Dashiell nang makalapit sa akin. Sinalubong niya ako ng halik sa noo at yakap sa bewang.

"Nope." Nakangiting sagot ko. Seeing him makes me forget the things that made me pissed.

"I'm really sorry, love. May inayos pa ako sa office kanina. Siraulo sina Harper, hindi agad ako pinaalis." Ani pa niya, bago ako inalalayan sa paglalakad. His hands are on my waist. Not minding the stares from the students around us.

"Dash, they are looking at us." Nahihiyang bulong ko sa kaniya.

"Don't mind them, baby. It's also the best way to show them that you are mine. Mine alone." Napakatamis talaga ng dila ng lalaking 'to!

"Wag ka nga! Kinikilig ako." Pinisil niya ang bewang ko bago ako hinalikan sa gilid ng ulo. He even laughed at my ears. Ang landi niya, inilapit pa talaga sa tenga ko.

"Gusto kong ikaw lang ang makarinig ng tawa ko. Cause you're the only reason, why I'm this happy, baby." Bulong niya sa akin.

Nangingiti na lang ako sa mga sinasabi niya. Alam na alam niya kung paano ako papakiligin!

"Baby." Masuyong tawag ko sa kaniya. Hinarap naman niya ako ng may nagtatanong na tingin.

"See those three ladies there?" Turo ko sa tatlong babaeng kausap ko kanina. Madadaanan nila ang pwesto namin pero hindi pa nila kami napapansin.

"Yes, baby. Did they hurt you, huh? Tell me, so I can kill them now." Dashiell said with a serious face. Nawala na ang mapaglarong ngisi niya kani-kanina lang.

"Sira! Hindi nila ako sinaktan." Nahampas ko tuloy siya sa braso.

"I thought..."

"No, love. That's not like that. Nakakainis kasi, ipinagpipilitan nila na 'kayo' daw ni Nathalie. So I got pissed, I told them that were on a relationship. But they did not believe in me. Sinabi pa nila na hindi tayo bagay." Parang batang sumbong ko sa kaniya. Ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit dahil sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid namin.

"Don't worry, baby. I'll show them something." Nakangising sagot niya.

"What are you planning to do?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Trust me on this, love." Sagot niya at nakuha pang kindatan ako.

Nilingon ko ang kinaroroonan ng tatlong babaeng nakausap ko kanina at ngayon ay naglalakad na sila papalapit sa amin. Nakuha na din namin ang atensyon nila.

Saktong lilingunin ko na si Dashiell nang maramdaman ko ang mainit na bagay na nakadampi sa labi ko. Oh god! Nanlalaki ang mga mata kong pinapakiramdaman ang labi niya sa labi ko.

Dashiell's kissing me in front of everyone. I felt millions of butterflies in my tummy. He's kissing me passionately and I don't know how to respond on it. Nanginginig ang mga tuhod ko at konting kalabit na lang ay matutumba na ako. Good thing, Dashiell's hands are supporting me.

Yanig na yanig ang mundo ko sa ginawa niya!

"I love you, baby." Masuyong bulong niya pagkatapos akong halikan. Nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya.

"I love you too... Lockridge." Sabi ko bago muli siyang hinalikan sa tungki ng kaniyang ilong. Napapangiti ako.

"Siguro naman, alam na nilang sa AKIN ka?" Nakangising tanong niya. Napakamakasalanan ng pagiging gwapo niya.

Oh gosh! Doon lang muling pumasok sa utak ko na nandito kami sa academy at marami nga palang estudyante ang nakatingin sa amin. Pasimple kong nilinga ang aking paningin. Nakita ko ang laglag na panga ng tatlong babae kanina, tulala din ang mga estudyanteng nakatingin sa amin.

Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa nangyari. We kissed! OMG! We kissed in front of all of them. Wala na yata akong mukhang maihaharap. Baka bukas paggising ko, habulin ako ng gunting ng mga babaeng estudyante dito.

"I love you baby, but I think we need to get out of here. " bulong ko sa kaniya bago isinubsob ang aking mukha sa matipuno niyang dibdib. Nakakahiya talaga! Narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya bago ko naramdaman ang unti-unting pag-iiba ng paligid. Sa wakas!

I don't know that Dashiell loves PDA, hindi ako na-inform.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!