Caela.

I'm here at the library, currently searching for this certain type of book which I need to read, to know more information about our enemies. Hindi pwedeng nakatanga lang ako at wala na namang gagawin.

History of El Mystique

Darko Kingdom Book

The Seven Kingdoms

Ilan lang 'yan sa mga librong nakikita ko dito. Hindi ko naman sinasadyang mapatingala kung kaya't nakita ko din ang isang libro na siyang kumuha din ng aking pansin.

El Mystique Prophecy

Hmm. You got me! Kumuha ako ng ladder para maabot 'yung libro, masyadong mataas ito at kinawawa ang height ko.

"I saw Prince Dashiell and Nathalie a while ago. Ang sweet nila. Kinikilig ako!" Did I hear it right?

"Yeah! I also saw them in the garden. Bagay na bagay talaga sila." Wari pang kinikilig na saad ng isang babae. Hindi ko makita ang mukha nila.

Huminto ako sa ginagawa ko at pinakinggan silang mabuti. Hindi ako ipinanganak na tsismosa pero ibang usapan na kapag si Dashiell. 

Pero alam ko naman na hindi ako lolokohin ni Lockridge. May tiwala ako sa kaniya.

"Sila na ba?" Tanong naman ng isa pa.

Paanong magiging sila? Eh, ako ang mahal ni Lockridge.

Nafu-frustrate na talaga ako dahil hindi ko sila makita. Natatakpan kasi sila ng bookshelf. Ang dadaldal pa, alam naman nilang nasa library sila. Bunutan ko sila ng buhok sa ilong eh! Kainis.

Bumaba na ako doon sa ladder tutal nakuha ko na naman ang kailangan ko. I was about to leave the library when Nathalie approach me.

"Hello, Caela. It's nice to see you here." Nakangiting bati niya sa akin. Mga plastic talaga, pakalat-kalat! Sarap sunugin.

"Oh, hi." Tipid na saad ko. I don't have time for this shit. Aalis na sana ako nang muli siyang humarang sa daraanan ko.

"I am with Dashiell a while ago. He's so handsome as ever." She said with a wide grin.

Pakihanap ng pake ko.

"Oh, tapos?"

"Nothing. I'm just informing you, my dear." Maarteng sabi niya.

"So, thank you then?" Bored na sagot ko at tinalikuran siya. Anong gusto niya? Pasalamatan ko siya sa pag-iinform sa akin. Tss.

"He will be mine." Pahabol na sabi niya.

"Nah! Dream on. He's mine and he won't be yours, dear." nginitian ko siya ng matamis bago tumalikod sa kinaroroonan niya.

Nasayang ang ilang minuto ng buhay ko dahil sa pakikipag-usap lang sa kaniya.

"Ms. Caela!" Narinig kong may tumawag sa akin. Lumingon naman ako para tingnan sila. I saw three ladies walking towards my direction.

"Bakit?"

"We saw you talking to Ms. Nathalie. Okay na kayo?" Usisa niya. 

Hindi ba nila narinig ang naging pag-uusap namin para sabihing in good terms na kami ni Nathalie?

"Close na ba kayo? Sila ba talaga ni Dashiell. Nakita kasi namin sila kanina na magkasama." Sunod-sunod na tanong naman noong isa.

"We're not close and no. They are not in a relationship!" Tugon ko sa kanila. Tatalikod na sana ako sa kanila dahil kailangan ko pang basahin itong libro na kinuha ko pero pinigilan nila ako.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!