PROLOGUE

237K 4.2K 541
                                    

Hazel's Pov~


"Alzea Hazel Jimenez!" tawag sakin ni Auntie. Glob, WHOLE NAME YUN! AT ISA LANG ANG IBIG SABIHIN NUN!

May inutos pa kasi siya e. Sunod-sunod kasi yung utos niya. Pagkatapos ng isa, utos nanaman... then, utos, utos... walang katapusang utos!

Mas malala pa nga siya sa step mother ni Cinderella.

Haaaayyy!! (>-<)7

Siya yung guardian ko. Ang sabi niya, patay na daw ung parents ko. Kaso nga lang, ang masaklap, konti lang alam ko tungkol doon kase... ayaw na topic ni Auntie yun.

Hays nalang talaga... ewan ko nga kung bakit e. :(

"Coming!" sigaw ko, at mas binilisan pa yung pagpupunas. Malapit na naman akong matapos.

Nandito kasi ako sa room ni Auntie. At rinig na rinig ko ung boses ni Auntie kasi... isa yun sa mga ability niya.

Music kase ang power niya. And all creatures here in our country have magical powers. Walang nakakapasok na normal na tao dito sa bansang 'to. Secret Country ang tawag ng ilan dito.

Nagsuklay na ako ng mahaba kong buhok at dinala ko na yung bag ko. Since music teacher naman si Auntie sa eskwelahan na pinapasukan ko, sabay kami laging pumasok. Ayoko na nga sanang sumabay, kaso, pagalitan naman niya ako kapag hindi ako sumabay. ( ' ー `)

Nakababa na ako nang hagdan at bumungad sakin ang Auntie nang nakataas ang kilay. Take note, with matching cross arms pa un. ●︿●

"Auntie..." yun lang ang nasabi ko, napakamot ng ulo at napakagat labi. Lagot nanaman ako nito!

(>_<)7

"Anong oras na ohh! Malelate nanaman tayo nito sa ginagawa mo!" Waaaaahhh!Ung bunganga kase ng super strict kong auntie kakabingi! Aba't dinaig pa ang taong lumunok ng sampung mikropono!

"Ehh... kase po--" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ko.

"Ano nanaman?!" binuksan na nung yaya yung pinto at nauna na siyang lumabas.

"Sabi niyo po kase bago ako lumabas nang kwarto ayusin ko muna lahat nang nakakalat..yan po ung una..

Pangalawa, ayusin yung kama ko...

Pangatlo, ayusin ung mga gamit sa kwarto niyo.

At ang pinakahuli, ayusin yung kama niyo at punasan yung maalikabok na bintana sa room niyo.. Eh, syempre po nag-ayos pa po ako sa sarili ko kaya ayun po.. natagalan tuloy ako." I said as I got in the car. Hinintay ko pa siyang makaupo sa shotgun seat bago ko masara yung pinto ng sasakyan.

"A-ahh... G-ganun ba?" oh yeah! Boom panes! Panes si Auntie! HAHA!

1 point for me! (〜^∇^)〜

Nagdrive na si Kuya Prico. Ako lang ang nasa passengers seat.

Kinuha ko ung headphone ko na kulay purple at nagpatugtog. Lagi kong dala itong headphone na 'to. Tingin ko kasi, sobrang mahalaga itong bagay na 'to. Nakakalungkot lang, dahil, hindi niya binigay sa akin ito, nang harap-harapan.

And I started humming...

Actually, hindi naman kami late na. Gusto lang talaga ni Auntie na thirty minutes bago magpasukan kami pupunta sa Magical School.

Ang Magical School ay isang private school. Pero hindi naman ganun kataas ung bayarin. Marami-rami rin naman ang pumapasok doon. Simula nung bata pa ako, doon na ako nag-aaral.

Ang Royal Academy naman, ang pinakasikat at pinakamahal na private school, maraming naghahangad na makapasok doon. Na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan nila't gustong-gusto nila.

Merong scholarship kaso hindi ako nagtest, ung best friend ko lang.

Intresadong-intresado kasi yun eh... at gustong-gusto niyang pumasok doon dahil lahat daw ng estudyante doon ay puros may magagandang itsura. Hay nako. (˘-ღ)

Mabuti nalang at pasok daw sya. Ang galing talaga ng best friend ko! Okay lang naman kasi sakin na doon siya. Basta, ang sa akin lang kasi, kung saan siya masaya, doon siya. Her happiness is important to me, bilang bestfriend niya, dapat full support di ba?

Siya pa nga ang nag-inform sakin na may scholarship these past few days.

Pinilit niya rin ako na magtest kaso....

HINDI NIYA AKO MAPILIT!

Ayoko eh, gusto ko magstay dito sa school na 'to. Marami na akong memories dito sa school na 'to eh. Tsaka, baka hindi rin papayag si Auntie.

Anyway, nasa tenga ko parin yung headphone ko at sumasabay na sa tugtog yung paa ko nang magpalit ito ng tugtog.

Ayokong tanggalin...

Maya maya....

Nakarating na rin kami....


****
A/N :

Maiksi lang po talaga ang Prologue.

Please prevent yourself from comparing stuff in this book to other popular stories. Thank you. ȏ.̮ȏ

credits to: Coverymyst for the beautiful cover <3     

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon