Chapter 14

1.1M 25.6K 5.2K
                                    

Chapter 14

Ang Laro

Araw-araw kong nililinis ang kwarto ni Jayden sa pagbabakasakaling mahalikan niya ulit ako sa pagpapakabait ko. Dalawang linggo na ako dito, oo, wala pa akong planong umuwi kasi wala rin siyang plano. Para kasi akong insektong nahuhumaling sana liwanag. Hindi ko kayang lumayo sa kanya.

Busy siya at sa twing nakikita kong propesyunal siyang nakikitungo sa tatlong propesyunal ding supervisors. Pero hindi ko maiwasang manlait tuwing napapansin ko ang biruan nila sa isa't-isa.

Bumungisngis si Tina pagkatapos biniro si Jayden na dapat magpaparty minsan para ganahan ang mga nagtatrabaho.

"Marami ka namang pera, ikaw na ang sumagot!" Bumungisngis pa siya lalo.

"Anong mangyayari sa araw na yan, closed ba muna ang resort para sa party?" Tumawa din si Jayden.

Umubo ako, peke para maistorbo ko silang dalawa.

"Eto na nga pala yung files na hinihingi mo sa finance, Jayden." Sabay lapag sa harap ng dalawa yung files.

"Hindi naman kailangang lahat yung nagtatrabaho. Yung mga waiter, waitress, security guards muna. Yung mga malalaki yung rank, tsaka na." Sabi ni Tina. "Sila muna ang substitute sa mga nagpaparty."

"So you mean, tayo, hindi kasali?" Sabi ni Shiela kay Tina.

"Oo. Mahalaga talaga sakin yung pakikitungo sa workers, lalo na sa kanila, eh."

Ngumisi si Jayden at tumitig kay Tina. Ngumisi siya at dahan-dahang tumango.

"That's really adorable and professional." Sabi ni Jayden. "I like you."

Napalunok ako. He likes her. What about me?

Wala akong narinig kay Jayden kundi, 'I hate you... not just your clothes, I hate you...'

Napatingin ako sa damit kong akma sa mga gusto niyang sootin ko. Kahit nasa isla ako, hindi pa ako nakakapagswimming kasi alam naman nating lahat na ayaw nitong lalaking ito sa mga babaeng nagpapakita ng balat.

Madalas pa akong naka sneakers.

"Nice shoes." Iyon lang ang kanyang linya.

Dun! Tapos! He's cold. Insensitive. Hindi ko alam kung sakin lang ba o maging sa ibang babae. Pero ngayon, napagtanto kong mukhang sakin lang talaga yata. Like I'm some stupid ugly duckling trooping with swans.

Hindi naman sa nag daramdam ako, nagulat lang ako kasi madali niyang nasabi iyon sa isang babae. 'I like you'. Ganun ba kahirap akong magustuhan at bakit hanggang ngayon wala pa akong narinig na ganun galing sa kanya?

Ako yung kasama niya nung nasa Cebu pa lang kami, ah? Wala ba siyang adorable trait na nakita sakin para masabihan niya man lang ako ng kahit 'adorable'.

"Aww, Jayden, I like you, too. Pero ganun naman talaga dapat, diba?" Kumislap ang mga mata ni Tina kay Jayden.

Nanlisik ang mga mata ko. Tinitigan ko si Tina, baka sakaling makita niya yung galit ko sa sinabi niya pero walang nakatingin sakin.

"Wow! You two like each other." Panira kong sinabi nang nakangisi.

Ang bitter ko. I'm not usually like this.

"Oo nga!" Sabi ni Shiela at tinukso silang dalawa.

Nagtawanan si Jayden at Tina.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon