Mamumulubi ata si Drake sa akin. Haha.

"Hmm. Anong gusto mo?" tanong niya.

"Chocolate Fudge Brownie, Milk and Cookies, Strawberry Cheesecake, Chowcolate Chip at Triple Caramel Chunk." Ako na adik sa ice cream >3<

"Woah, grabe, babae ka ba?" tanong niya tas tumawa.

Nagpout naman ako, "Pssh, bilhin mo na lang!" Binili niya na rin, isang flavor lang ang kinuha niya para sa kanya. Vanilla lang. Ang plain naman nun -_____-

Naka-upo na kami, naghihintay sa order namin. Mga 10 minutes lang, dumating na yung order namin, yeeeeey.

"Ayan na! Yeeeey! Kainan na!" sabi ko at kumain na. Tinikman ko muna lahat. Yuuum. Ang sarap talaga ng ice cream ng Ben and Jerry's!

Tinititigan lang niya ako habang kumakain. Tapos minsan tumatawa siya. Lokong 'to -___-

"Wag ka ngang tumitig. May pagkain ka naman dyan eh! Tsaka baka matunaw ako. Hahaha."

"Tss, hangin. Mwahahaha." binatukan ko nga.

Kain lang ulit, "Dugyot!"

"What the hell is a dugyot? Mga words mo ah hahaha."

"Hahaha, dungis mo kumain." pinunasan niya yung mouth ko, gamit ang tissue. Napatigil ako dun, tapos tumawa nanaman siya.

"Ubusin mo na yan, may pupuntahan pa tayo."

"Ha? Saan naman? Ang sarap pa ng kinakain ko eh! Ninanamnam ko pa!" sabi ko at sumubo ulit.

"Bibilhan na lang kita ng isang malaki. Haha, tara na." Nag last scoop ako sa bawat ice cream. Unti na lang naman yung laman, so sulit na din.

Then bumili siya ng tig-iisang malaki nung mga pinili kong flavor kanina. Weeeee.

Lumabas na kami ng Ben and Jerry's tapos pumasok na sa kotse niya. Saan naman kaya sunod?

Drive lang ng drive. 

Naiinip na ako.

Ngek, sa school lang pala ako dadalhin. -_____-

Anong gagawin namin dito?

"What are we going to do here?"

"Magpapaalam sa classmates natin. Hehe, aalis na tayo sa Wednesday diba?" sabi niya.

"Oh right. Sige, tara." sabi ko at pumasok na kami. Summer ngayon dito, nga pala, purong Amerikano ang mga kaklase namin. Kaya nga nasanay ako sa pag-eenglish dito eh -_____-

"Oh look, it's Drake and Elaine!" sigaw ni Nadine, classmate ko. And siya ang closest friend ko dito. Mehehe.

"Hi guys, how are you?" tanong ni Drake.

Kinilig naman yung mga babae, may gusto sila kay Drake eh -_____-

"Oh, we're fine. Teehee. So, what are you up to? Why are you here in school? Let me guess, enrollment?" sunod sunod na sinabi ni Kara.

"Oh, no. We're actually here to say goodbye." Sabi ko at ngumiti.

"What? Why? Where are you going? You're not going to study here anymore?" sabi naman ni Megan.

"Yea, I'm going to miss you girls. Drake and I needs to go back to the Philippines. Uh.. He's my fiance, right?"

Kinilig ulit sila, bagay daw kasi kami ni Drake. Eh big brother lang ang turing ko dyan -____-

"Oh! Are we invited? Can we go too?" tanong ni Nadine.

"Well, if you can go to our country before Tuesday next week. I'll send out invitations for you." sabi naman ni Drake. Nagtilian yung tatlo at nagyakapan kami.

"Okay guys, we have to leave now. Our flight is scheduled on Wednesday, so yea. Good bye. I'll miss the three of you! Stay connected on FB and Twitter, okay?" sabi ko. They nodded in approval at umalis na kami ni Drake.

"Ang cute ng friends mo."

"Edi ligawan mo, cute pala eh. Wag mo na akong pakasalan. Magiging masaya pa ako." sabi ko.

Tumawa naman siya, "Wushu, selos ka naman. Wag kang mag-alala, naka-set naman na kasal natin, di na mauudlot yun."

"Kapal ng mukha mo, pssh."

----

Flight na namin, Philippines, here I come! Weeeee. Na-eexcite na akong makita si Mich, kasama ko si Jess at Drake. Susunod na lang daw sila Mama. 

Pagkababa ng airplane, tinawagan ko agad si Mich, siya daw kasi magsusundo sa amin. Kasi nga naeexcite na ang lola niyo. Haha. Ang dami niya daw kasing ikwekwento sa akin. Haha.

"ELAINEEE! DITOOOO!" sigaw ni Mich at pinuntahan namin siya.

"Hi girl! I missed you! How are you na?"

"Woaaaah, wagas maka-english. Galing lang ng States, ganyan na magsalita. Nice onee!" pangagantyaw niya.

"Tss, nasanay na dila kong mag-english eh!"

Natawa siya tas pinagmasdan niya ako, "Woah, pati look nag-iba. Blonde ka na, sexy pa! At maputi ka na! Mukha ka ng amerikana, girl!" sabi niya.

"Hehe, mas maganda na ako noh? Mehehe."

"ANG HANGIN KUYA DRAKE NOH?!" singit ni Jess. Dumila lang ako, inggit lang siya, di kasi siya pinayagan ni Mama na magpa-dye ng hair. Haha.

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant dito. Nagutom kami eh. Haha. Si Mich ang sasagot ng gastos namin, bagong dating daw kasi kami. Haha. Anlayo ng rason eh X))

"May manliligaw ka ba dun?" tanong niya naman.

"Wala nga eh, takot kay Drake. Possesive much."

"Tss, ganun. Sayang ganda mo 'te!"

And then kwento lang ng kwento. Di naubusan ng kwento si Mich, ganun din naman ako. Sila Jess at Drake naman, tahimik lang. Di sila makarelate sa pinag-uusapan namin eh.

"Nga pala, don't mention to Dylan na nakauwi na ako, baka sugurin ako nun." sabi ko.

"Haha. Sure, basta pupunta ka sa Sabado ah?"

"Ah, o sige. Nasa to-do list ko na yun."

Kinakabahan ako para sa Sabado, dahil ba makikita ko na siya at last? Miss na miss ko na yung bipolar na lalaking yun ^________^

----

TENEN! NASA PINAS NA PO SI ELAINE!

WEEEEEEEEEEE.

NAPRESSURE AKO KAKATYPE NITO, SI NIKKA KASI!

SI NIKKA AY ANG WRITER NG YOU'RE THE ONE. *SHARE*

DI NAMAN AKO ADIK SA CAPS LOCK EH NOH?

HAHA. Yun lang, comment naman po ^________^

Jodie (dreamcatcher26)

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!