Chapter 8.2 "Cute ka pa rin." (Revised)

Start from the beginning
                                    

Samantalang, sa loob ay nagising si Gail sa katok, inaantok man ay bumangon siya para tingnan kung sino ang kumakatok.

"Sino yan?" Tanong ni Gail sa loob habang tinatanggal ang lock ng kwarto niya.

Nang mabuksan na niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Yohan na ngayon ay nakangiti. Ganun na lang ang pagkagulat ni Gail at biglang nawala ang antok niya.

"Si-Sir Yohan?"

"Gising na po, tanghali na." Bati sa kanya ni Yohan na merong halong tono ng pang-aasar. Biglang pumasok sa isipan ni Gail na nakita siya ni Yohan sa itsura niya ngayon na bagong gising. Sa sobrang hiya ng nararamdaman ay bigla niyang naisara ang pinto at napasandal siya sa likod ng pintuan. Halos gusto na niyang tumili sa sobrang kahihiyan na nararamdaman niya ngayon. 

"Nakahanda na yung breakfast. Punta ka na lang ah." Narinig niya na sinabi sa kanya ni Yohan. Walang naisagot si Gail dahil di pa din siya makapaniwala sa nangyayari. Naglakad na lang siya papasok sa banyo at naligo. Samantala, natatawang napapailing na lang si Yohan dahil sa nakitang expression ng mukha ni Gail. Naglakad na lang siya pabalik sa mansyon niya.

After an hour ay hindi umiimik si Gail habang naghahanda ng makakain nila si Yohan. si Yohan na ang nag-asikaso dahil gusto niya talaga ang palaging nagtatrabaho sa kusina kaya naman hinayaan na lang siya ni Gail.

"Gail? Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong bigla ni Yohan dahil napansin niya ang pananahimik ni Gail.

Narinig naman yun ni Gail, pero ang totoo ay naubusan kasi siya ng sasabihin at hindi niya alam kung paano magsasalita dahil nahihiya pa din siya kapag naaalala yung nangyari.

Mukha namang na-gets na ni Yohan ang dahilan kaya napangiti siya.

"Kung iniisip mo pa din yung nangyari kanina, wag kang mag-alala. Cute ka pa din naman kahit bagong gising ka." Sagot ni Yohan saka na ito naghawak ng kutsara at kumain.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now