Caela.

I still remembered the time when the Gods and Goddesses talked to me. It was also the day when I met my parents.

"Malapit na ang iyong kaarawan, Caela." Aika said, the Goddess of air.

Nandito ako sa teritoryo nila. Hindi ko alam kung bakit muli silang nagpakita sa akin ngayon.

"My birthday? Next month pa naman po 'yon. Medyo matagal pa po." Sagot ko sa kaniya.

"Iyong totoo mong kaarawan." Ani naman ni Goddess Hercka na siyang nagpagulo sa utak ko. She's the Earth Goddess.

"P-po?"

"Huwag kang mag-alala Caela, ngayong araw mo matutuklasan ang mga bagay na matagal mo ng gustong malaman." Makahulugang sagot naman ni Fyro na diyos ng apoy.

"Sandali lang po, ibig sabihin 'yung mga kulang na impormasyon tungkol sa pagkatao ko ay ngayon ko na malalaman? Tulad po ng tungkol sa mga magulang ko?" Tanong ko sa kanilang lahat. Nakita ko naman ang pagtango nila. I'm excited to meet them. Finally!

"And the time when you discovered anything about yourself, will also be the time when your true enemies will reveal theirselves." Dugtong naman ni Walter, god of water. Biglang napalitan ng matinding kaba ang excitement na naramdaman ko kani-kanina lang.

"True enemies?" Pag-uulit ko, nagbabaka sakaling mali ang narinig ko.

"Yes, my dear. Be careful of the people around you." Alam ko na ang babalang iyon pero siguro naman hindi ako tatraydurin ng mga kaibigan kong itinuri ko nang pamilya, di ba?.

"Don't let your guard down. Hindi dahil maganda ang pakikitungo nila sa'yo ay may mabuti na silang intensyon at pagkatao. Maaaring ginagamit lang nila iyon para pagkatiwalaan mo sila." Sabi ni Hercka. Alam kong isa iyon sa kahinaan ko, madali akong magtiwala sa mga tao sa paligid ko.

"Siguro naman po hindi ako magagawang lokohin ng mga kaibigan ko." Sagot ko sa kanila. I don't want the feeling of being betrayed. I don't think I can I handle this.

"You don't know the story behind their beautiful faces." Sagot ni Walter. Nagparetoke ba sila? Joke.

"What do you mean po?" Gulong-gulo na 'ko sa isiping maaring may kaibigan akong traydor.

"Magmasid ka sa paligid, Caela. Be aware of them, especially the green-eyed girl." Sagot ni Aika. Green-eyes? Wala naman akong kaibigan na berde ang mata maliban kay Sophia. But... NO! It can't be! She won't betray me... right?

"She will be your greatest enemy." Babala pa ni Hercka. Napahinga ako ng malalim. Biglang sumakit ang dibdib ko.

"H...how?" Kinakabahang tanong ko, unti-unti na ring nagtutubig ang mga mata ko.

"We need to go, Caela. Just always remember what we've said to you." hindi na nila sinagot ang huling tanong ko. Tumango na lang ako, hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang tungkol kay Sophia.

"And don't let your emotions eat you." Masuyong sabi ni Aika habang yakap ako. Hindi ko mahagilap ang mga salita sa bibig ko. Masyadong malalim ang mga iniisip ko kaya't hindi ko na namalayang nagpaalam na pala sila.

Hinihiling ko noon na sana hindi ko maranasan na magkaroon ng taong magtatraydor sa akin, miyembro man ng pamilya o isang kaibigan. Pero sa nangyayari ngayon? Sobrang malabong matupad ang hiling na iyon.

I love Sophia. As what I've told, she's like a sister to me. The first time I saw her, I felt that we will become a very good friends. Knowing that we will become an enemy, really breaks my heart.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!