Chapter 1

16.2K 437 22
                                    


******

"Brenna ano kaba naman ang aga-aga nakamasid kana agad
diyan sa bintana, aba'y wala ka pang tulog ah! Hindi kaba nag sasawa dyan sa ginagawa mo?" Pangaral sa akin ng kaibigan
kong si Lexie.

Nandito na naman kasi ako sa
terrace naka masid at hinihintay
ang babaeng hinahangan ko.

Apat kaming magkakaibigan na nag she-share sa isang maliit na kwarto, double deck ang kama at sa baba ang pwesto ko.

May maliit din kaming balkonahe,
at doon ako araw-araw na umuupo, para makita ko lang sya.

Nakita kong nag bukas na ang
bintana nya, kitang-kita sa pwesto
ko ang mga kilos nya, kasalukuyan
na nga nyang inaayos ang kama nya.

Tapos sinuklay nya ang mahaba
nyang buhok, binuksan ang mini speaker at humarap sa salamin.

Itinaas ang dalawang kamay,
pumikit at dahan-dahang
ginigiling ang balakang.

Pag ginagawa na nya 'yon
kusa ng ngumingiti ang labi ko,
at lahat yata ng problema ko ay parang bulang nag lalaho kapag napapanood ko na sya.

Sya ang nag sisilbing enerhiya ko.

Sya ang inspirasyon ko.

Kapag hindi ko nakikita ang maganda nyang mukha at hindi
ko napanood ang seductive dance nya, pakiramdam ko'y kulang ang buong araw ko.

15 mins ang tinatagal nya sa pag sasayaw, papatayin ang mini speaker, isasara ang bintana at dederetcho sa banyo para maligo.

Katulad ko rin syang studyante,
ang kaibahan lang namin ay pang umaga sya, ako naman ay patanghali.

Pag natapos ko na syang mapanood
ay babalik na ulit ako sa higaan para doon mag muni-muni.

Swerte na kapag nakaidlip
ako ay makakasama ko sya sa panaginip ko.

Sa panaginip ko kasi ay malaya ko
sya mahahawakan at mayayakap, magagawa ko at masasabi ko sa
kanya ang mga bagay na gusto kong gawin o sabihin ng hindi ko masabi sa personal.

Oo isa akong mahiyaing babae pagdating sa kanya.

Pero sa likod ng maskarang ito ay nagtatago ang pangalawa kong pagkatao.

Sa umaga ay isa akong dakilang studyante, pero pagdating ng gabi
ay isa akong bayarang babae.

Nag papaligaya ng ibat-ibang
klase ng lalaki, pero sa babae
parin nagkakagusto.

Hindi lingid yon sa tatlong kaibigan ko, Sila ang nag turo sa akin ng ganitong klase ng trabaho.

Nung una ay hindi ko masikmura,
kaya nagpaka crew na lang ako,
pero dahil sa liit ng sweldo ay hindi ko na din kinaya.

Sa club din ang bagsak ko...

Dito daw sa maynila ay kailangan mong sikmurain ang ganitong klase ng trabaho, kaya nag titiis ako.

Kumapit ako sa patalim,
para ma buhay, pero once na
makatapos na 'ko ay ititigil
ko narin ang trabaho kong ito.

Isang taon na lang naman ay graduating na 'ko.

Sure naman ako na makakakita
ng matinong trabaho at kapag nangyari 'yon ay kaya ko ng humarap sa kanya.

Kaya ko ng ipakilala ang sarili ko.

At sana ay mapansin nya rin ako.

At sana ay mapansin nya rin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


--------------------------------------------

Dont forget to vote, comment or kindly pm me :)

Thanks ;)

"its4UtofindOut"

My Dream Girl From The Window (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon