CHAPTER 9 : Warren's side

2.3K 90 12

HELlo :) dahil sa mga comment na natanggap ko axbout sa previews chapters. Eto sinipag akong mag-UD. Pero pasensya na kung time out muna tayo sa nargel ah. Sa mga naka-miss kay warren kung meron man. Eto na ang pinagmulan ng #WarElla. I hope magustuhan nyo kahit na hindi about sa Nargel ang chapter na to :)

Third person

Abala si nathan sa pag-aasikaso sa mga costumer nya. Hands-on kasi siya sa kanyang negosyo dahil ito ang propesyon na gusto nya mula pa noon- Ang maging Modista.

Isinabit nya sa leeg ang medidang ginamit panukat " so ? Kailan mo kailangan ang gown ? " tanung nya sa dalagang kaharap na nag-aayos ng gamit nito

" ummm.. Next, next week sana. Sorry kung ipapa-rush ko ah but don't worry i'll give an extra payment for it " sabi nito.

Ngumiti si nathan dito " Don't worry, we don't need to rush it b'cause we still have time on making this gown " nakangiting sabi nya rito

Kita ni nathan na nagliwanag ang mukha ng dalagang kaharap nya, hinawakan nito ang dalawa nyang kamay at paulit-ulit na nagpasalamat

" naku Miss Nath, thank you talaga ah " muling pagpapasalamat nito. Makailang beses pa ulit ito nagpasalamat bago tuluyang nilisan ang boutique

" Maam, dumating na po yung mga in-order nating fabrics and tools " napatingin si nathan sa empleyadong si lucy.

" really ? Ok just pay for it " sabi nya rito at pinagpatuloy na ang paggawa ng mga 'pattern' na kakailanganin nya sa paggawa ng mga gown

Less than two hours nung matapos nya ang mga ' pattern '. She checked the time at nagpasyang bigyan muna ng break ang mga empleyado dahil lunch time na

Dahil mag-isa na lang sya sa shop ay inabala nya ang sarili sa pag-aayos ng mga gown at dress na naka-diplay sa full glass na pader ng boutique

Nakarinig sya ng katok sa istante at nung nilingon nya ito ay bahagya pa syang nagulat pero agad ding napangiti nung kumaway ito at sumenyas na papasok ito sa boutique

Rinig ni nathan ang pagtunog ng palawit sa pinto nung bumukas ito at niluwa ang gwapong lalaki na dalawang taon nya ring hindi nakita. Nakangiting naglakad ito palapit sakanya habang naglilibot ang tingin sa kabuuan ng boutique

" so ? Ito pala ang bagay na pinagkakaabalahan ng empress ng mafia " patango-tangong sabi ng binata habang nililibot pa rin ng tingin ang shop na animo'y iniimbestigahan ito.

" yeah.." nakangiting tugon ni nathan sa sinabi ng binata " at ikaw ? Ano naman ang bagay na pinagkakaabalahan ni Mr. Warren Seo ?" ganting tanung nya rito

Tumikhim naman ang binata at nakangising tiningnan si nathan " well honestly wala akong pinagkakaabalahan pero ngayon.. Mukhang ikaw ang gusto kong pagkaabalahan.. Ms. Empress "

Natawa si nathan sa sinabi ng binata " hayyy.. Warren, siraulo ka pa rin talaga tsk tsk " pailing-iling na sabi nya rito.

" pero na-miss mo ko ?" panunudyo nito. Ngumiti naman si nathan at agad na niyakap ang binata nung makalapit ito sakanya

" oo naman no ! Dalawang taon kaya kitang hindi nakita " sagot ni nathan sa tanung nito habang nananatili pa rin sa mga bisig ng binata. Naramdaman nyang mas humigpit ang pagyakap nito pero hindi sya nagprotesta

She missed him that much. Matagal silang nakayakap sa isat-isa at nung pareho na silang nakuntento ay humiwalay na rin sila sa pagkakaakap at parehong ngumiti sa isat-isa

" you really missed me that much huh ? " pangangasar ng binata kay nathan.

" same goes to you mr. Seo " ganting panga-aasar ni nathan rito. Natawa naman ito pero tumigil din at matiim na pinagmasdan ang dalagang nasa harapan na dalawang taong hindi nakita

Take The Empress's Heart BackBasahin ang storyang ito ng LIBRE!