"Kambal tayo kaya alam ko na ring papayag ka," ngumisi ako sa kaniya at nagbuntong hininga na naman siya sabay hampas sa'kin.

"Sige Rious tutulungan kita sa plano mo pero may gusto lang ako patunayan kay Kaelynn." seryoso ang mukha niya, gusto niya bang tignan kung hindi siya katulad ni lyra? Kung hindi mauulit ang na karaan niya?

"Sige alam ko na Niel, bukas na bukas gagawin na'tin ang laro," niyakap niya ko at dinikit ang noo niya sa noo ko, mukhang kinakabahan siya sa gagawin namin bukas.

"Kung totoo man ang sinasabi mong iba siya edi magtiwala ka, wala naman masama sa kaunting tiwala pero kung mali ang sagot niya bukas mabuti pang itigil mo na iyan nararamdaman mo sa kaniya," pumukit siya at tumango.

"Alam ko." humiwalay siya sa'kin at tinitigan ako sa mata saka niya ako nginitian, 'yung ngiting parang na sasaktan siya sa kinaloob looban niya.

"Kung katulad siya ng iba bibitawan ko na siya pero kung hindi patuloy ko lang siyang mamahalin katulad ngayon," ngumiti ako at hinila na siya pahiga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kung katulad siya ng iba bibitawan ko na siya pero kung hindi patuloy ko lang siyang mamahalin katulad ngayon," ngumiti ako at hinila na siya pahiga.

"Matulog na tayo bukas maglalaro tayong dalawa ng paborito na'ting laro," at pumikit na kaming dalawa, pero sa totoo lang parang na sasaktan din ako.

❦❦❦

Maaga kaming gumising dalawa at sabay na ligo, nagbihis na kami at lumabas sa kwarto.

*tok tok*

Binuksan niya agad ang pinto at bumungad ang ngiti niya saming dalawa, pareho kaming na tameme pero binaling ko na agad ang atensyon ko sa plano.

"Pumasok ka Runo." at hinila ko siya papasok ulit ng kwarto niya.

"Good morning Kaelynn," at niyakap siya ni Niel saka kinuskos ang pisngi niya sa pisngi nito, nagiging habit niya na iyan sa babaeng iyan.

"Anong kailangan niyo? Saka bakit parang?" Mukha siyang nagtataka.

Pareho kasi kami ng damit ni Niel ngayon, pareho kami ng lahat sa istura namin ngayon 'yung tipong wala kang hint kung sino samin si Niel at kung sino samin si Rious.

"May tanong lang kami sayo pagtapos nun maglalaro tayo," sabi ko sa kaniya ng nakangiti, 'yung ngiti na laging pinapakita ni Niel.

At tinalasan ni Niel ang tingin niya sa kaniya para malito siya kung sino samin ang tunay sa isa't isa.

"Gusto mo bang mag-aral?" Sabi ni Niel sa kaniya ng seryoso at tumawa siya.

"Malamang pangarap ng lahat ng mahihirap iyon no." chill n'yang sagot.

"Oh sige pag-aaralin ka namin." bigla siyang napanganga at mga ilang minuto pa tumawa ulit siya.

"Haha ano pang joke niyo? Dalian niyo mamayang magigising na si Sir Darenn." bigla akong na bored, bakit parang hindi niya sineseryoso ang laro.

Pareho kaming nagkatinginan ni Niel at nakita ko rin ang boring n'yang expression.

"Sige tapos na ang tanong, mapunta tayo sa laro." mukhang hindi niya na ge-gets ang sinasabi ni Niel sa kaniya.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now