Chapter 6.2

 //

" Bitiwan mo nga ako!! " sigaw ko sabay hinatak ko yung kamay ko pero ayaw niya talaga ako bitawan

" Ang ingay *hiik* mo naman Miss " 

Jusko! Tulungan niyo po ako! Baka marape ako. TT^TT 

" Tigilan mo nga ako! " atsaka ako nagpupumiglas pero talagang mahigpit yung pagkakahawak niya. 

Nang biglang..

*boooogsssssh*

 

*POW*

 

* booogggshhhh* 

 

Biglang may lalaking sumuntok dun sa lasing. Sa wakas ay nabitawan ako nung lalaking lasing na yun.

" Sa uulitin, kilalanin mo muna lalandiin mo, GA** ! " sigaw nung lalaking tumulong sa akin.

Tsk. Di ko makita mukha nitong lalaki na toh.

Tapos biglang…

" Alisha! Ano ka ba?! Alam mo namang madilim na tapos naglalakad ka dito. Hindi mo ba ginagamit kokote mo?! Ha?! Kung wala ako dito? Edi narape ka na nung GA**ng yun. " sigaw niya. WAIT! Kilala ko ba toh? Bakit alam niya na Alisha nag pangalan ko?

Kung hindi ako nagakakamali..

Si..

Si..

Si..

Si DANIEL toh!

Hmp. Galit pa din ako sa kanya. Di ko padin nakakalimutan ginawa niya sa akin sa school kanina noh . . 

" Sumama ka na nga sa akin at ihahatid na kita. " sabi ni Daniel pero di ko siya pinapansin at naglakad na lang ulit ako.

" Alisha naman, baka mapahamak ka na naman eh " sabi pa niya.

" Ayako sumama sayo, layuan mo nga ako " sagot ko sa kanya.

Alisha " may tumawag sa pangalan ko at pagtingin ko si Chris lang pala.

" Kanina pa kita hinahanap. Sorry ha. " sabi ni Chris.

" Chris? Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Daniel.

" Hinahanap itong si Alisha. " sagot naman ni Chris. 

" Diba sabi ko wag na wag kang lalapit kay Alisha! "  galit na sabi ni daniel kay Chris.

Tapos susuntukin na sana ni Daniel si Chris kaso pumagitan ako sa kanila.

" Daniel, STOP! Tumigil ka na nga. " seryosong sabi ko.

" Kay Chris ako sasama, Kaya tumigil ka na. " dugtong ko pa.

Atsaka ko nilapitan si Chris.

Nakatingin lang ng masama si Daniel kay Chris. Yung mga kilay niya, konti na lang ay magdidikit na.

Kahit na mahal ko si Daniel, kailangan kong gawin toh eh. Para maramdaman naman niya kung gaano ako kaimportante sa kanya, a iba yung feeling pag wala ako sa tabi niya. Para kahit minsan mapahalagahan naman niya ako.

Naglakad na kami ni Chris papalayo kay Daniel. Iniwan lang naming siya doon.

" Akala ko ba mahal mo si Daniel? " nagtatakang tanong ni Chris sa akin, 

" Please, wag ka na lang maingay ha Chris. Ayoko muna siya pag usapan. " sabi ko .

Kaya tumahimik na siya at hindi na kao kinulit.

Hanggang makarating ako sa bahay. Walang nagsalita sa amin.

" Salamat. ^______^ " sabi ko tapos nginitian lang niya ako at pumasok na ako sa loob ng bahay.

--

vote and comment <3

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!