Part Nine 2: DNA

Magsimula sa umpisa
                                    

                “Hmm…?” Ipinamulsa niya ang kamay sa suot na maong shorts. Gusto niyang itago ang panginginig ng kamay mula rito. She’s so damn nervous…

                “Kami ni Neil… Aherm, we… we’re kinda…” humarap ito bigla sa kanya na ikinagulat niya. Napaatras siya ng ilang hakbang mula sa kinatatayuan. Nakangiting inabot nito ang kamay niya’t marahang hinaplos-haplos ang palad niya. Giving her a soothing sensation.

                “Shh… you don’t have to tell me. I am your mother, like all other mother ay malakas ang pang-amoy ko I am not that oblivious as you think I am…” tumawa ito ng matunog, her usual gay tone. “Ako ang nagdala sayo ng siyam na buwan sa sinapupunan ko and somehow we are link to each other. During our first month here ay binabantayan ko na ang bawat kilos mo without your knowledge. So, sa ating dalawa, ikaw ang clueless,” muli itong tumawa bago nagpatuloy. “Sa haba ng bakasyon mo noon lang kita ulit nakitang masaya… nagkaganyan. If loving Neil makes you happy, I will always be right here to support you. Kung saan ka masaya suportahan taka!”

                Pinahid niya an luha na namumuo sa mga mata. “Si mama naman, eh, ginaya mo lang yung sa commercial,” sumabay siya sa tawa nito.

                “Seriously anak, malaki ka na… Alam mo na ang tama sa mali. Kung sa tingin mo ay tama ang mahalin si Neil, then go for it!”

                “Oo nga, ate!” singit ni Frances na nasa likuran pala nila. Doon na siya napayakap sa ina na sinaluhan ni Frances na umakap sa baywang niya. Natawa nalang siya sa gesture nitong iyon.

                Overwhelmed man sa support ay masaya siya’t medyo gumaan ang pakiramdam niya.

“MAPILIT si Julie, love…” inporma nito sa kanya ng gabing iyon na magkita sila matapos ang trabaho nito. Sa wakas ay hindi na sila tago sa publiko sapagkat alam na ng malalapit sa kanila ang relasyon nila. Si Bagani—Pedro ay disappointed, oo, pero nanaig ang pagiging matapat na kaibigan nito sa kanyang nobyo. He accepted the rejection.

                Ang tanging problema na nga lang ay si Julie na nakipagkita rito ng araw ding iyon. She’s insisting that they should live together again for the sake of the child.

                Masakit iyon sa parte niya dahil naiipit ang bata sa sitwasyong iyon. Marahil kung nakapagsasalita na ito’y siya ang sisihin nito sa mga nangyayari sa kanila ng mga magulang nito. Somehow that’s true, kung di siya pumasok sa eksena, kung di siya minahal ni Neil, hindi mahihirapan si Julie na makipagbalikan dito. Pero marami nang nangyari at selfish mang maituturing pero ayaw niyang pakawalan ang taong nagmulat sa kanya sa maraming bagay.

                “Gusto mo ako na ang kumausap sa kanya?” suhestiyon niya. Baka kung sakaling siya ay masindak ito kahit paano. Alam niya’y matanda ito sa kanya ng kaonti but she doesn’t care… ipaglalaban niya ang ngayon ay pagmamay-ari na niya na tinalikuran lamang nito noon.

                “Huwag na,” anitong tila pagod na pagod na humiga sa kandungan niya. Nasa playground sila noon sa kalapit na subdivision.

                She played with his slightly curled hair, ruffling it gently to give her mind something to be occupied about. Kahit ano pang sabihin nito, pumayag man ito o hindi ay makikipag-usap pa rin siya sa babae. Magtutuos sila ni Julie.

                “Anong iniisip mo?” tanong nitong hinuli ang maliit niyang kamay kumpara sa palad nitong sakop na sakop ang sa kanya. His warmth sipped through her, giving her shivers instead of comfort. Naroon na naman ang mga paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura. Bawat daiti ng balat nito sa kanya’y siyang pagsalakay ng milyon-milyong boltahe ng kuryente sa katawan niya. ‘May sparks!’ ika nga.

                “Nothing!” she lied straight face. Alam niyang tutol ito kaya mabuti ng hindi na nito malaman.

                “Hmm… ‘wag mo ako masyadong isipin ha, magkakaroon ka ng maraming pimples niyan…” he teased while gently caressing her chin.

                “Hindi kaya… hindi kita iniisip, kahit isang sandali man lang,” tanggi niya kahit ng nagdaang gabi lamang ay ito ang bida sa kanyang mga panaginip. Sa katotohanan ay palagi nga, palagi niya itong naiisip.

                “Talaga? Kaya pala ang laki na naman ng eyebags mo. Siguro madalas mo talaga akong pagnasahan,” she gasped.

                “Shut up!” mahina niyang natampal ang kamay nito. How could he? “Hindi kita pinagnanasahan ano! Sino ka ba?” ang tigas ng iling niya sa tinuran nito.

                “Sino ako? Ako lang naman ang pinaka-gwapong boyfriend ng pinaka-swerteng babae sa balat ng lupa!” pagmamayabang nitong umalis sa pagkakahiga sa kandungan niya.

                “Ang kapal mo talaga, mister!” pasalamat na lamang siya’t walang gaanong tao sa parke kaya hindi masyadong nakaka-eskandalo ang isinisigaw nito ng mga sandaling iyon.

                “Dali na kasi… umamin ka ng iniisip mo rin ako gabi-gabi kasi ako nakaka-sampu yatang pitsel ng pampatulog kakaisip sa iyo…” she blushed. Malay ba niyang iniisip rin siya nito gabi-gabi. Napakadali para rito ang magsiwalat ng damdamin. Subalit siya’y nag-aalangan dala ng mga pasts rejection niya  sa mga relasyong napasukan na.

                “Dali na…” muling ungot nitong marahan na sinusundot-sundot ang tagiliran niya kung saan malakas ang kanyang kiliti na malakas niyang ikinatawa.

                “Oo na… oo na!” napilitan siyang umamin ng ‘di na makayanan ang pang-totorture nito sa kanya.

                Sa pagkabigla niya’y bigla na lamang siyang kinabig nito’t siniil ng mapusok na halik. He gently sucked her lower lip giving her a ticklish feeling. Maya maya pa’y umungot ng permiso ang munti nitong dila na makapasok sa kanyang bibig. She moaned giving him permission to enter her territory. Doon ay sinalubong niya ang dila nito like a welcome guest…

                They had never shared a kiss like that. Sa unang pagkakataon ay nalaman niya kung gaano eksperto sa ganoong larangan ang nobyo. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa sila naghahabol ng hininga. Marahan nitong hinagkan ang tungki ng kanyang ilong ng makabawi sa normal na paghinga.

                “I thought I am the only one who’s crazy about you…” anito na ikinamulat ng nakapikit pa rin niyang mga mata.

                “Don’t even think about that… How many times do I have to tell you I love you too before you’re satisfied?” nangunot ang noo niya. Naroon ang disappointment na tila wala itong tiwala sa nararamdaman niya para rito.

                “It’s not that I am not satisfied… baka lang kako, napipilitan ka, you’re not that aggressive before in saying I love you to me, remember?” he pointed. She heave a deep sighed. Sapul siya!

                “I don’t want to say ‘I love you too’ before ‘cause I am afraid to be hurt in the end… again. Pero ngayon ay handa na akong sumugal, ano man ang nakataya,” aniya.

                Nakakaunawang hinaplos nito sa buhok niya saka siya ginawaran ng mabining halik sa noo.

_____________

Vote, Tweet, like, share and comment... Thanks much!

AUTHOR's MOOD: Partly sad and confused

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon