Twenty One

8.2K 281 63
                                    

3days before the bone marrow transplant.

--

"Tomorrow na pala yung flight mo kambal. Sorry ha, hindi ako makakasama pero susunod ako. Promise. Si Kuya Theon din. Alam mo naman na busy yun at sa ngayon siya yung inaasahan nila Papa sa company."

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama samantalang nag-aayos naman ng mga gamit ko si Rhea Zain. Mas lalo kong naramdaman yung panghihina ng katawan ko. Hindi na nga ako halos makatayo. Kapag nilalabas nila ako dito sa kwarto ko para ipasyal sa loob ng hospital kailangan ko pang mag wheel chair. Pakiramdam ko tuloy wala na talagang pag-asa na gumaling ako. Kapag may nakikita akong pasyente na nahihirapan din dahil sa sakit nila, hindi ko maiwasang hilingin na sana hindi ko na maranasan ang paghihirap nila. Na sana tuluyan na akong mamatay para makapagpahinga na ako. Pero sa t'wing naiisip ko naman yung mga taong umaasang gumaling ako at lalo na si Heaven King hindi ko maiwasang hilingin din na sana kayanin ko pa. Na sana tama ang desisyon kong pumayag sa bone marrow transplant.

Kumusta na kaya siya?

Pagkatapos ng gabing may nangyari sa amin sa tabing dagat hindi ko na siya nakita pa. Dahil kinaumagahan nun isinugod na ako sa hospital.

"Namimiss mo na ba siya?" Ang seryosong tanong ni Rhea Zain sa akin na ngayon ay nasa tabi ko na. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Namimiss ka na rin niya. Sa totoo lang lagi ka niyang hinahanap. Lagi niya akong sinusundan sa school. Lagi siyang nasa bahay. Nagwawala at hinahanap ka. Minsan nga pumasok siyang lasing sa school, hinahanap ka na naman niya sa akin. Nung sinabi kong hindi ko alam kung na saan ka bigla na lang siyang nagwala. Kaya hayun pinatawag siya ng Dean." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kambal. Sobrang miss na miss ka na niya. Sobrang miss na miss ka na ng bunsoy mo. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya kung na sa'n ka pero pinigilan ako ni Papa.. Sorry. Sorry kung wala akong magawa para magkita kayo."

"Ano ka ba, tama lang ang ginawa mo. Hindi niya kailangan makita ang sitwasyon ko ngayon. Tingnan mo nga ako, ang pangit ko na. Ang payat ko pa. Ayaw kong kaawaan niya ako."

"Mahal ka niya. Sobrang mahal ka niya. Kapag mahal mo yung isang tao hindi mahalaga ang itsura. Yung physical na katangian, yung ganda ng mukha, ng pangangatawan, ng mga damit na isinusuot ay hindi basihan ng pagmamahal. Tumatanda tayo, pumuputi yung buhok natin, kumukulubot ang ating katawan, mapag-iiwanan tayo sa uso. Sa bawat paglipas ng araw nagbabago ang takbo ng panahon pero yung puso natin ay hindi magbabago. Kahit yung ugali ay hindi rin basihan para mahalin mo yung isang tao. Kasi kung mahal mo talaga, kahit siya pa ang pinakamasamang tao sa mundo mamahalin mo pa rin siya. May nakikita ang puso na hindi nakikita ng mga mata.

Kaya kung iniisip mo na mawawala yung pagmamahal ni Heaven King sa 'yo, hindi yun mangyayari. Dahil alam ko na mula palang pagkabata minahal ka na niya."

Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa mga sinabi ni Rhea. Sobrang namimiss ko na siya. Miss na miss ko na si Heaven.

"Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.." Niyakap ako ni Rhea habang patuloy ako sa pag iyak. "Paano kung hindi maging successful ang operasyon?" Nakaramdam ako ng takot. Paano kung hindi na ako magising? Paano kung tuluyan na pala akong mamatay? Kahit sa huling sandali gusto ko siyang makita. Makapagpaalam man lang ako bago ako mawala. "Rhea, tulungan mo akong makita siya." Tumingin ako sa mga mata ng aking kambal na waring nakikiusap. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

*****

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong may humahaplos sa 'king mukha.

"Heaven King?"

May namumuong luha sa kanyang mga mata. Ngumiti siya sa akin. Isang ngiting may halong lungkot. Ngiting nahihirapan at nasasaktan. Alam kong nasasaktan siyang makita ako sa ganitong sitwasyon.

Twisted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon