LTPB 27

45 2 0
                                    

{A/N: Double Update! Yeah! Enjoy reading!}

Kath's POV

"Baby sis! Andito na si Daniel!" Sigaw ni ate Yeng mula sa baba.

Hmpp. Bahala syang maghintay. Oo, nagtatampo ako sa kanya kasi di pa din ako makarecover sa mga ginawa nya kahapon. Whaa. Yuck, landi. Hahahaha.

Di. Nagiinarte lang talaga ako. Wala, pasuyo mode. Kaartehan ko lang. Hahaha!

"Sis! Baba naaaa!" Sigaw naman ni Ate Kim.

Di pa kasi ako nababa. Tinatamad ako. May pasok kasi ngayon tas susunduin ako ni Daniel.

Bumaba na ako kasi baka iwan ako ng mga tao dito. Mukhang madaling madali sila eh. Hahaha.

Pagdating ko sa baba "Goodmorning ates and lexa!" Bati ko tas tinuro naman nila kung nasan si Dj.

Oo, Dj nalang tawag ko sa kanya or minsan Justice. Wala lang. Hahaha minsan medyo mahaba din yung Justice pero kasi Unique.

Andun sya sa sala, nakikipaglaro kay Lhexine. Cute haha. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at pinicturan sila nang di nila nalalaman.

"Dj tara na!" Sabi ko "Uy. Di ka magb-breakfast?" Tanong nya sakin.

Umiling naman ako "Baby Lhexineee! Goodmorning! Kiss mo ate! " pagkakausap ko kay Lhexine habang buhat sya ni Dj. Naks. Tatay na tatay ang dating. Gwapo. Hahahaha!

Kiniss naman ako ni Lhexine tas pinakuha ko na sya sa yaya nya para makaalis na kami ni Dj.

"Ate! Alis na kami! See you sa school!" Pagpapaalam ko. "Okay! Ingat kayo ah? Babye!" Kumaway naman si Dj sa kanila.

Paglabas ko sinalubong ako ng isang porsche 911 GT3. Naks. Detailed. Hahahaha! Yabang. Djk.

Pinagbuksan nya ako ng pinto "Thanks !" Sumakay din naman sya agad sa drivers seat.

Nakarating naman kami agad sa school.

Pinagtitinginan kami habang naglalakad sa hallway, panong hindi eh dala nya yung bag ko tsaka kumalat agad yung balita na nanliligaw nga tong lalaking to sakin. Kilig much. Echos. Hahaha.

"Ayan na ang nagliligawan! " sigaw ng mga classmates namin pag pasok sa classroom.

"Kayo na ba?" Tanong samin ni Lady. "Huy baliw, hahaha. Hindi pa. Wala pa ngang isang araw na nanliligaw to eh. " sabi ko. Tinuro naman nya yung kamay ni justice na nasa bewang ko. Tumawa nalang ako.

--

"Hi Dj!" Bati nila kay Daniel. Sumisikat na din kasi ang P5 dahil sa mga raket na nagagawa nila. Ang nakakaproud dun ay di pa din yun humahadlang sa mga pagaaral nila.

Believe it or not, matatalino tong mga P5. Tamad nga lang. HAHAHAHA!

"Kath." Si Iver. Realtalk, medyo papansin na sya.

Hinigit ko yung braso ni Dj bago ko sagutin si Iver "Ano yun?" Napatigil naman yung buong kasama ko. Nye, si Dj lang eh. Mga baliw to sila. Hahaha

"A-ahh. Pwede ka bang makausap.." Napatingin naman sya sa mga kasama ko. Pusta, ang sama ng mga tingin ng mga to. " ng magisa?" Dugtong nya at tumingin ulit sakin.

Ano isasagot ko? Oo o hindi? Pwede bang wala? Djk.

"Ahm. Ano kasi...kung may sasabihin ka, ngayon mo na sabihin kasi wala akong oras. " medyo okay na naman ako kay Iver. Pero palusot ko lang yung walang oras kasi ayoko lang sya makasama.

Bumuntong hininga sya "I want you back." Nagpanic naman yung mga nasa paligid ko. "ANONG I WANT YOU BACK?!" hysterical na sabi ng P5.

"Si Kathryn ang kausap ko at hindi kayo" nagulat naman ako kasi ang tapang ng boses nya "Abat nasagot ka pa ah?!" Aambahan na sana ni Seth at Lester si Iver kaso pinigilan sila ni Justice "Hep!"

"Hooray!"

Binatukan naman ni Justice sila Seth at Lester dahil sa ginawang kalokohan.

"Hindi naman kayo yung manliligaw pero kung makareact kayo. " masungit na sabi ni Justice.

"Handa akong makipagtagisan dito sa Padilla na to basta makuha kita ulit." Lintek may girlfriend ka! Pucha!

"Wag kang magalala tsong. Hindi kita uurungan." Maangas na sabi ni Justice.

Jusko naman.

Itutuloy...
------

Thank you sa mga nagv-vote! Ang readers also. Lovekokayo! <3

Follow me on twitter ---> @GlxyPadilla

Thank you~~~

Leaving The Past BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon