Chapter 61 (October 19, 2011)

902K 11.4K 1.2K
                                    

DATE POSTED: October 19, 2011


Chapter 61


Masakit na ang kamay ni Harley dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng kotse niya habang nakaharap pa rin kay Kent na halatang gulat na gulat. Stoned sa kinatatayuan.

"How... H-how did you know about it??! How come you knew??!!" sabi ni Kent ng makabawi ito sa pagkagulat.

"Do I have to answer that?!!!" gustong-gusto nang ibato ni Harley ang susi kay Kent "Mas uunahin mo pala ang pagtatanong na yan kesa sa pagsunod kay Isabelle!?"

Nagtama ang mga paningin nila.

"Bullshit..." mahinang saad ni Kent.

Naiwang nakabukas ang pintuan. Sinundan lang ng tingin ni Harley si Kent na patakbong pumasok sa loob ng bahay. Tska niya lang napansin na nasa may pintuan ang isang matandang babae.

"Eto susi Kent." Salubong ng matanda kay Kent habang ibinibigay ang isang susi. Nagulat pa si Kent. Kinuha nito ang susi, hinagkan ang manang at tumakbo na sa itaas. Ngayon naman ay napatingin na si manang kay Harley.

"Ahm... ah... pumasok ka muna.." lumabas si manang Lourdes. Hindi alam ni Harley kung naulinigan ng manang ang sigawan nila ni Kent, pero ang hula niya'y narinig nito.

"Magandang hapon po." Pinilit ni Harley na ngumiti sa harap ng matanda. "Hindi na po... It's okay. Paalis na rin po ako eh. Salamat po."

Naiilang na tumango tango na lamang si Manang Lourdes kay Harley.

Inabot na lang ng tanaw ni manang Lourdes si Harley, na palabas na ng gate at pabalik na ng sasakyan nito. Pumasok na rin si manang Lourdes sa loob.

Isasara na sana ni manang Lourdes ang pinto nang marinig nang hindi siya makatiis, nilabas niya ulit ito. Tamang tamang hindi pa ito nakakasakay ng sasakyan.

"Ahhhh Hijo?!!" habol ni manang

"Po??" nagtatakang tanong ni Harley

"Yung... yung sinabi mo... yung sinabi mo kay Kent kanina?? Yung tungkol kay Phoebe--"

"Opo."

Tumango si Harley.

Tinutop ni manang ang dibdib niya.

"Paano mo nalaman??" Lumabas na lang sa bibig ni manang Lourdes. Itinanong din niya ang kaninang nais malaman ni Kent.

 "Kayo na lang po siguro ang magtanong sa kanya... sa kanila. Nagkataon lang po kasi na nalaman ko... Gusto ko nga po sana, na si Isabelle na mismo ang magsabi kay Kent, wala naman akong balak pangunahan si Isabelle... pero kasi... hindi ko na po napigilan kanina."

"Naiintidihan ko naman... Harley" sagot ni manang.

"I'll go ahead na po... Salamat po."

"Salamat din... Mag-iingat ka magdrive. Salamat hijo. Ha?? Pasensya ka na rin... Salamat talaga."

Tumango si Harley at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Sinundan na lang ng tingin ni manang ang papaliit na imahe ng sasakyan na palabas na ng village.

"Oh Diyos ko. Sana po maging maayos ang lahat. Hwag niyo pong hayaang may masaktan pa ng tuluyan..." dalangin ni manang habang papasok ng bahay.

*

Pagkaakyat pa lang ni Phoebe, naiiyak na talaga siya. Hindi niya alam na sa ganoong pagsalubong pa ang aabutin niya kay Kent.

Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang hagkan. Miss na miss ko na siya sobrah. Nadapa dapa na nga ako matakbo ko lang ang bahay para makita siya. Bakit ba lagi siyang ganun? Nakasigaw at hindi marunong makinig?

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon