Chapter 57

 

Masakit na ang kamay ni Harley dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng kotse niya habang nakaharap pa rin kay Kent na halatang gulat na gulat. Stoned sa kinatatayuan.

“How… H-how did you know about it??! How come you knew??!!” sabi ni Kent ng makabawi ito sa pagkagulat.

“Do I have to answer that?!!!” gustong-gusto nang ibato ni Harley ang susi kay Kent “Mas uunahin mo pala ang pagtatanong na yan kesa sa pagsunod kay Isabelle!?”

Nagtama ang mga paningin nila.

“Bullshit…” mahinang saad ni Kent.

Naiwang nakabukas ang pintuan. Sinundan lang ng tingin ni Harley si Kent na patakbong pumasok sa loob ng bahay. Tska niya lang napansin na nasa may pintuan ang isang matandang babae.

“Eto susi Kent.” Salubong ng matanda kay Kent habang ibinibigay ang isang susi. Nagulat pa si Kent. Kinuha nito ang susi, hinagkan ang manang at tumakbo na sa itaas. Ngayon naman ay napatingin na si manang kay Harley.

“Ahm… ah… pumasok ka muna..” lumabas si manang Lourdes. Hindi alam ni Harley kung naulinigan ng manang ang sigawan nila ni Kent, pero ang hula niya’y narinig nito.

“Magandang hapon po.” Pinilit ni Harley na ngumiti sa harap ng matanda. “Hindi na po… It’s okay. Paalis na rin po ako eh. Salamat po.”

Naiilang na tumango tango na lamang si Manang Lourdes kay Harley.

Inabot na lang ng tanaw ni manang Lourdes si Harley, na palabas na ng gate at pabalik na ng sasakyan nito. Pumasok na rin si manang Lourdes sa loob.

Isasara na sana ni manang Lourdes ang pinto nang marinig nang hindi siya makatiis, nilabas niya ulit ito. Tamang tamang hindi pa ito nakakasakay ng sasakyan.

“Ahhhh Hijo?!!” habol ni manang

“Po??” nagtatakang tanong ni Harley

“Yung… yung sinabi mo… yung sinabi mo kay Kent kanina?? Yung tungkol kay Phoebe--”

“Opo.”

Tumango si Harley.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!