“Ian…”

“Huh?” pamilyar ang boses na yun sa kanya.

Bigla na lang tumulo ang kanyang mga luha.

“A-Ate…” nang muli siyang humarap ay nakita niya si Helen sa maayos nitong itsura, “…ate… huhuhuhuhu… patawarin mo ko.”

“Matagal na kitang pinatawad, Ian. Matagal na rin kitang gustong makita at makausap.”

“Sinong gumawa sa’yo nito?! Sabihin mo sa akin, ate!”

“Hindi ko kilala, Ian… Pero may sinabi siya sa akin bago niya ako patayin. Paghihiganti. Yun ang nais niyang mangyari kaya siya pumapatay… Ian, wag kang matulad sa kanya. Wag mong ipaghiganti ang pagkamatay ko… Mabuhay ka ng mapayapa kasama ang pamilya mo…”

Hindi na nakapagsalita si Ian bagkus, puro iyak na lang ang nagawa niya.

Naramdaman niya pa ang huling pagpahid ng mga kamay ni Helen sa pisngi niya bago ito tuluyang nawala.

----------

#TOK! TOK! TOK!

“ALEC CHIU!!!! AKO TO, SI KATLEEN!!!!” ang sigaw ni Nina doon sa labas ng kwarto.

“Nina…? Anong ginagawa mo?” ang pag-aalala ni Lindsey.

Bumukas ng dahan-dahan ang pintuan. Nasilayan nilang dalawa ang kalagayan ni Mico. Nakasabit na siya sa taas ng kisame habang pinipilit makawala. May mga dugo nang dumadaloy mula sa kanyang leeg.

“M-Mico…” ang mangiyak-ngiyak na bulong ni Lindsey sa sarili.

Sa gilid ni Mico ay doon nakatayo ang mala-demonyong pigura ni Alec na nakangiti.

“Tulungan mo si Mico, akong bahala kay Alec…” ang utos ni Nina kay Lindsey.

“Mag-iingat ka.”

Lumapit si Alec kay Nina at pinahid nito ang kamay niya sa pisngi ni Nina, “Mahal na mahal kita, Katleen… Alam mo namang gagawin ko ang lahat para lang hindi tayo magkahiwalay.”

“May gusto sana akong sabihin sa’yo, Alec…” ang matapang na responde ni Nina, “… hindi na kita mahal!”

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan matapos sabihin yun ni Nina kay Alec.

“ANONG SABI MOOOOO???????!!!!!!!!!!!! AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!”

Nagwala bigla si Alec. Nagtaasan ang mga gamit sa paligid at lumakas ang hangin.

“PAPATAYIN KITA PATI ANG LALAKI MOOOO!!!!”

“ALEC!”

Nagulat si Alec nang may biglang yumakap sa kanya sa likod, “…tama na.” ang kaluluwa ni Katleen, “…diba gusto mo kaming mamatay ni Paolo? Hindi na kailangan. Matagal na kaming patay… Pati ikaw, Alec… Matagal ka na ring patay… Hindi na natin to mundo… Matagal na dapat itong natapos…”

Wala nang nagawa si Alec. Dumaloy na lang bigla ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

----------

“Maraming salamat, Nina.”

“Huh?” nakita ni Nina si Katleen. Napakaganda niya kumpara sa kanina.

“Salamat sa ginawa mo.”

“Pa-Pasensiya ka na. Akala namin si Paolo ang naghahadlang sa inyong relasyon. Akala namin si Paolo ang siyang killer, hindi pala.”

“Hindi rin si Alec ang pumatay sa amin.”

“Anong sabi mo?” ang laking gulat ni Nina.

“Iisa ang pumatay sa akin, kay Paolo, kay Alec, at sa mga kasamahan ko dito sa dormitory. Pero hindi ko kilala kung sino siya dahil may suot siyang maskara…. Hindi na ako magtatagal, Nina. Paalam.”

“Sandali! Sandali!”

“Nina! Nina…?! Nina! Gumising ka!”

“Huh?!!!”

Laking pagtataka ni Nina nang makita niya ang kanyang sarili sa loob ng ospital.

“Thank God, gumising ka na… Nina…” ang nasabi ni Lindsey.

“Si-Si Mico? Nasaan si Mico?”

“Nandito ako, ate…” nilingon agad ni Nina ang boses na yun at nakita niya si Mico na may mga bandages sa leeg, “…Mico!” at mahigpit niyang niyakap ito nang makalapit si Mico sa kama niya.

Pumasok naman sa loob ng kwarto ang mag-asawang Bella at Ian.

“Oh… Nina! Anak!” mabilis na lumapit si Bella kay Nina at mahigpit din itong niyakap, “…salamat sa Diyos at gising ka na.” Ngumiti lang si Nina dahil sa galak na nararamdaman.

Sa pagpasok ng mag-asawa sa loob ng kwarto ni Nina ay may mga kasama sila, mga kaibigan, sina Zac at Ruby.

“Hi, Nina!” ang pagbati ni Zac at Ruby sa dalaga.

May iniabot na basket na may mga lamang prutas si Ruby kay Bella, “Mga prutas yan para kay Nina. Magpagaling ka ha…” sabay ngiti niya.

“Sa-Salamat.” Ang tugon ni Nina.

Maya-maya’y may pumasok na mga pulis sa loob ng kwarto, tatlong pulis kasama si PO1 Danny Montero.

“Magandang araw, Mr. and Mrs. Alvarez…” ang pagbati ni Danny sa mag-asawa.

“Uhh… A-Anong kailangan niyo?” ang nangangambang tanong ni Bella habang hinihimas ni Ian ang balikat niya.

“Gusto ko sanang makausap si Nina tungkol sa pagkamatay ng binatang si Lance Aguirre na naganap sa loob ng dormitory na ngayon ay pamamahay na niyo mga Alvarez. Ayun sa statement mo, si Paolo Castillo ang gumawa ng krimen… Matagal nang nawawala si Castillo nung maganap ang massacre sa loob ng dormitory… Ang pinagtataka ko lang…”

“Nagkamali po kami.” Biglang singit ni Nina sa sasabihin ng pulis, “…hindi si Paolo ang pumatay kay Lance… Si Alec. Siya ang pumatay sa kanya.”

“Sandali…? Alec..? Alec Chiu?” at tumango lang ng ulo si Nina bilang sagot sa tanong ni Danny, “…hmm.” At napangiti lang ang pulis, “… si Alec Chiu… Nina, ang sinasabi mong pumatay kay Lance ay matagal na ring patay! Hindi pwedeng si Alec Chiu ang gumawa ng krimen dahil kasama siyang namatay sa nangyaring TresMarias’ massacre dalawang linggo na ang nakakalipas.”

“Pero totoo ang sinasabi ko…” ang mangiyak na sinabi ni Nina.

“Totoo ang sinasabi ni ate.” Ang pagsang-ayon ni Mico, “…nakikita mo tong nasa leeg ko? Si Alec ang may gawa nito.”

“Totoo ho, chief. Nakita po ng mga mata ko ang nangyari.” Ang sabi naman ni Lindsey.

“Kayong mga bata… Hindi kaya nagdu-drugs kayo?!” ang sabi ni Danny na ikinagalit naman ni Ian, “Anong sabi mo?!” Lumapit si Ian sa pintuan at binuksan ito, “…kung hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ng mga anak ko… Pwede lumabas ka na lang?”

Napilitang lumabas si Danny kasama ang dalawa pang pulis.

“Kung wala kaming makuhang ibang ebidensya., mapipilitan kaming akusahan si Nina sa pagpatay kay Aguirre. Magandang araw ulit, Mr. Alvarez.” At tuluyan nang umalis si Danny at ang mga pulis.

Lumapit naman si Zack ay Nina na ngayon ay nakakubli sa mga kamay ni Bella, “Ako… Makikinig ako sa kwento mo, Nina.”

----------

<<ZAC’s POV>>

Matapos ikwento sa akin ni Nina ang lahat-lahat ng nangyari mula sa paglipat nila sa loob ng dormitoryo hanggang sa nangyari sa kanila kagabi, ako ay napaisip sa kung ano ang pwede kong makuha sa kwento ni Nina, gayundin sa mga kwento ni Ian sa akin. Malinaw na hindi si Paolo o si Alec ang killer sa likod ng massacre. Maging sila ay biktima rin ng pagpatay. Pero sino?

“Sandali… Hindi ba sikreto lang ang pag-iibigan nila Paolo at Katleen? Pero bakit pati si Paolo ay nasama sa pinatay sa loob ng dormitory? Hindi kaya alam ng killer ang tungkol sa relasyon nila?” ang tanong ko kay Nina.

“Iisa lang ang alam kong nakakaalam sa pag-iibigan nilang dalawa." ang sagot ni Nina sa akin, "...ang kasamahan din nila sa loob ng dormitoryo, ang babae sa kabilang kwarto. Si Miranda.”

KILLER.COMWhere stories live. Discover now