Napaluha siya sa kanyang nakita.
Papalapit sa kanya si Katleen sa nakakatakot nitong itsura.
Napaupo si Lindsey sa sahig habang umiiyak, “Waag… Waag…”
“AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!” bigla-bigla’y tumakbo ng mabilis si Katleen at sinunggaban si Lindsey, “…..AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!”
“Wag! Wag! Wag! Umalis ka! AAAHHHHH!”
“Lindsey! Lindsey! Lindsey!”
Nagwawala si Lindsey na may kasamang pagsisipa at pagkakaway ng kanyang mga kamay habang si Nina ay pilit na hinahawakan ang kanyang mga kamay, “…Lindsey! Lindsey, ako to…”
“Huh?”
Huminto na rin sa wakas si Lindsey sa kanyang ginagawa at napatitig kay Nina, “N-Nina…? Nina!!! Huhuhuhu…” at matinding pagyakap niya ang nagawa niya kay Nina.
----------
“Nahanap mo na ba?” ang muling tanong ni Bella sa asawa niya.
“Saglit… Saglit… Dito ko lang yun nilagay eh… Ayun! Nahanap ko na!” ang masayang sigaw ni Ian nang makita niya na ang flashlight na kanina niya pa hinahanap sa loob ng compartment ng kanyang sasakyan.
Wala pa ilang minuto ay nakarating na sila sa kanilang tahanan galing sa ospital matapos ang tawag na ginawa ni Nina para kay Mico kung saan si Lindsey ang nakasagot at humihingi ng tulong.
“Nasaan na si Nina?” ang tanong ni Ian.
“Huh? Nandito lang siya sa likod ko kanina aah… Ian, baka umakyat na siya doon kina Mico. Ang mga bata… Bilisan natin!”
“Tara!” at pumasok na ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.
----------
“Nagkamali tayo ng hinala, Lindsey… Hindi si Paolo ang kalaban natin… Kundi si Alec…”
“AAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!” hindi pa tapos sa pagsasalita si Nina ay narinig nila ang sigaw ni Mico mula sa loob ng kwarto, “…na-na..nasasakal ako.. h-hindi ako makahinga…”
“HUH?!!”
Naalala ni Nina ang mga nangyari kay Lance… Ang mga panahong akita niya na lang ang katawan ng binata na nakasabit sa taas ng kisame, wala nang malay… Maaaring ito rin ang mangyayari sa kanyang kapatid kung wala silang gagawin…
“Naalala ko na…” ang sabi ni Lindsey, “…nabasa ko sa isang pahayagan na namatay si Alec dahil binigti siya sa taas ng kisame nung gabing mangyari ang massacre. Ginagamit niya yung method na yun sa pagpatay. Nina, anong gagawin natin?”
----------
Nakarating na ang mag-asawa sa loob ng bahay at kita nila ang mga kalat na naiwan dahil sa nangyaring party sa loob. Inilihis ni Ian ang dala niyang flashlight at mula sa malayo ay may napansin si Ian. Tinutukan niya ito ng ilaw ng flashlight at may nakita siyang tao. Bigla itong nawala!
“Sinong nandiyan?!”
Matindi naman ang pagkapit na ginagawa ni Bella sa damit ni Ian.
Biglang may tumakbo na naaninagan ni Ian, “..huh?!”
“IAAAAAAANNN!!!!!!!!!” ang sigaw ni Bella dahil may nakita siya sa harapan ni Ian, “…..AAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!”
“Bella?! Bella?” hinimatay si Bella.
Pagkaharap ni Ian ay nakita niya ang kaninang nakikita ni Bella, isang nakakatakot na itsura ng babae, “AAAAAAAAHHHHHH!!!!! LAYUAN MO KAMI!” ang sigaw ni Ian habang yakap-yakap sa mga kamay niya si Bella.
YOU ARE READING
KILLER.COM
HorrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
CHAPTER VIII
Start from the beginning
