Chapter 48: Goodbye?

10.2K 266 7
                                    

Blake's POV

"Blake saan ka pupunta!?" Rinig kong tanong ni Liam sa 'kin ng bigla akong tumayo..

"Cemetery.." Walang gana kong sagot. Ako lagi ang iniistorbo ng tatlo, dahil sa wala ang mga girlfriend nila, dahil nasa korea at nagbabakasyon..

Halos tatlong buwan narin ang nakalipas.. At ang hirap tanggapin. Hindi ko kaya. Hindi ko na rin alam kung saan ako magsisimula.

Pagkarating ko sa sementeryo na hindi ko namamalayan, agad akong lumabas sa kotse ko at wala sa sariling naglalakad papunta sa kanyang himlayan..

Napaupo na lang ako at tiningnan ang nakasulat sa lapida. Hanggang sa tumutulo na naman pala ang mga luha ko. Wala paring pagbabago, masakit parin. Bakit ganito? Saglit pa lang naman kami magkakilala pero, bakit sobra ko siyang minahal!?

Natasha Saffire Kaithelyn Samonte Smith

Died: December 31 20**

Born: April 16 20**

I can't accept this.. Ang hirap, sobra..

Sinisisi ko ang sarili ko, kung alam ko lang na ang pinsan ko pala ang may pakana, sana hindi siya nawala.. Sana kasama ko parin siya. Sana, masaya kami ngayon.. This is my fucking fault. Sana nung una pa lang napansin ko na agad.

Pagtingin ko sa katabi ng himlayan ni Kaithelyn-- ang himlayan ni gangster king. Namatay din siya kaya naman ako na ngayon ang gangster king.

"K-Kaithelyn? Bakit? Bakit mo a-ako iniwan!? Gusto pa kitang maging girlfriend.. H-hindi ko pa naririnig na m-mahal mo rin ako. G-gusto kong marinig, o m-mahal mo rin ba ako!? Kung hindi, papaibigin kita.." Naluluhang sabi ko. Kakayanin ko pa ba 'to?

"B-Blake!?" Napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko, paglingon ko laking gulat ko na lang.

"Zander?" Kunot-noong tugon ko.. "-what the hell are you doing here!?" Dugtong ko pang tanong. Kung makatawag ng pangalan ko, akala mo close kami.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya.." Sabi nito sabay upo sa medyo malapit sa 'kin.. "-Hindi ko alam na, siniraan lang siya sa 'kin ni Cela, ang tanga ko dahil naniwala ako kay Cela, at hindi ko pinaniwalaan ang girlfri--"

"Let me correct, ex-girlfriend.." Pagtatama ko. Fuck him. Too late apologized.

"Alam mo bang siya yung tipo ng girlfriend na, sobrang kulit, laging nakangiti, pag nagtatampo ang mahal niya hindi siya titigil hangga't hindi mo siya papansinin. Siya rin yung babaeng matakaw, wala siyang pakielam basta kapag gutom siya, gutom talaga.. Yun ang nakaka-inlove sa kanya. Napaka totoo niya sa sarili niya." Wala sa sarili nitong sabi habang nakatingin sa lapida ni Kaithelyn.

Masayahin? Matakaw? Makulit? Siguro nga ganon si Kaithelyn, pero ang unang kilala ko sa kanya, cold, walang emosyon at palaban..

"I can't deny it.. I still love her." Sabi pa nito. Napakamao na lang ako. Lolokohin niya si Kaithelyn tapos, gaganto siya!? Ng tanga niya! Napakalaki niyang TANGA! "-nasa huli ang pagsisisi.." Dugtong pa niya.

"Hindi ka na niya mahal.." Pigil na galit na sabi ko.

Sa dami ng masasakit na salitang binitawan niya kay Kaithelyn na halos isumpa niya, nasasabi pa talaga niya sa akin ngayon yan, na mahal pa niya? He's idiot.

"Alam ko! Kasi ikaw na yung mahal niya. Hindi naman siguro niya ibubuwis ang buhay niya kung hindi ka niya mahal." Sabi nito at tumayo.. "-aalis na ako." Sabi pa nito at umalis na.

"Totoo kaya yun Kaithelyn!? Mahal mo din ba ako? Sana toto, sana masabi mo sa 'kin ng harapan yan. Kaithelyn please! Come back to me.." Naiiyak na sabi ko. "-miss na miss na kita."

Wala sa sariling bumalik ako sa headquater at napakunot-noo ako ng ang sasayan nila. Andito din ang mga kaibigan ni Kaithelyn, tiningnan ko ang paligid dahil nagba-baka sakali na nandito siya, kahit na imposible. Damn it! Pinapaasa ko lang ang sarili ko.

"Blake! Come, join with us." Tuwang-tuwang sabi sa 'kin ni Brent. Kayo na masaya, ako na nagluluksa..

"Masaya na kayo!? Hindi niyo ba naisip si Kaithelyn? Ang saya niyo ha!" Sarkastikong sabi ko, at naglakad pabalik sa kwarto ko pero narinig ko oa ang sinabi ni Flyne.

"Blake, akala mo ikaw lang ang nasaktan!? Kami din Blake, nawalan ako ng matalik na kaibigan, nawalan kami ng kaibigan, alam kong alam mong hindi matutuwa si Saffire kung ikukulong natin sa kalungkutan ang mga sarili natin. Let's move on, pero hindi ibig sabihin 'non, kalimutan natin si Saffire, kailangan lang tanggapin na wala na siya.." Naiiyak na sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa kwarto.

Napasandal na lang ako sa pinto at napadaus-dos.. Yumuko ako at niyakap ko ang mga binti ko.. Ang sakit!

"Ka-Kaithelyn, why!? Why did you left me? Ang sakit, please come back.. Please!"


Flyne's POV

"Mahal niya talaga si Saffire.." Wala sa sariling sabi ni Stacey habang nakatingin sa pinto ng kwarto ni Blake.

"Oo nga pero, 'tong si Flyne ang best actress of the year, galing eh.." Tuwang-tuwang sabi ni Channel.

"Syempre, ako pa!" Pagmamalaki ko.

"Ano!? Tuloy plano!?" Tanong ni Brent.

"Yep. Bukas birthday ni Blake diba?" Nakangiting tanong ko.

"Yes, dapat mapasaya natin siya.." Tugon maman ni Liam.

"Wala ng atrasan, kaya natin yan.." Sabi ng boyfriend ko sabay akbay sa 'kin. "-diba bhie? Okay na yung tatlong buwan siyang nagluksa.."

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon