Chapter 6.1

Habang naglalakad ako palayo, nilingon ko sila. 

Hindi ba sila nahihiya? Nag-aaway sila sa gitna ng mall. Tapos yung Christopher na 'yan, siya may kasalanan kung bakit hindi na virgin lips ko. TT^TT Oo. Siya ang first kiss ko. Tsk. Tsk. Nakareserved pa man din ito para kay Daniel. Tapos hahalikan niya ako and the worst part is trip lang niya ako halikan. 

**

Ayun nakalayo na ako sa kanila. Hay! Mga di talaga nahihiya. Pinagtitinginan nga sila nung iba. Mga ayaw pa tumigil. Pero hayaan na nga. Hindi ko naman sila pakielaman pa. Problema na nila yun.

Kumapa ako sa bulsa ko at tinignan kung magkano na lang yung pera na dala ko. Pag tingin ko, dalawampung piso na lang. Baka magkulang ito. Pero hayaan na. Uuwi na lang ako. kahit kailangan ko pa maglakad gagawin ko. Makaalis lang dito sa lugar na ito.

*tu tu tut*

" Paging, Ms.Alisha Garcia. Totoo lahat ng sinabi ko sayo, kung nariring mo ako ngayon. Please wag ka munang umalis. Magkita tayo sa may KFC. Please.  "

si- si- si Chris ba iyon?

" Another thing. " wow may pahabol.

 " Ms. ALisha Garcia. Gusto kita. Gustong Gustong Gusto kita "

Ako ba talaga yung pinepaging? 

Naririnig ko yung mga nasa paligid ko. 

" Wow, ang sweet naman nun. "

" Sana ako din may mang ganun sakin. " 

" Sosyal naman yung babaeng yun. "

" Sweet. Napakaespesyal siguro nung babaeng yun. "

Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako dun. Sigurado namang pinagtritripan lang ako nung loko lokong yun eh. Tss >___< Yung gwapong nilalang na yun? Magugustuhan ang isang babaeng katulad ko?

**

Naglakad na lang ulit ako. Diredietso lang kaso bigla akong napadaan sa KFC.

" Oh! Alisha. ^___^ " tawag ni Chris.

Napatigil ako pero hindi ko siya nililingon.

" Sorry kanina ha. " sabi pa niya habang papalapit ng papalapit sa akin.

" Yun ba? Ayus lang yun. Sige uuwi na ako ha. " paalam ko sa kanya pero pinigilan niya ako.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!