For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride


Chapter 4: Hell's gate.
-

Pakiramdam ko ay isa akong kriminal dahil sa pasulyap sulyap na tingin sa akin ng mga kaklase ko. Okay! Nag sisisi na ako sa ginawa ko kanina kaya pwede bang tigilan niyo na ang katitingin sakin?! Gusto kong isigaw iyon sa mga oras na 'to dahil hindi na ako makapagfocus sa klase. Nakakaasar!

"Kung sa tingin mong nakaligtas ka, pwes nagkakamali ka." Sabi ni Thunder at hindi ko na iyon pinansin pa, kunwari na lang ay wala akong narinig. Kunwari wala siya sa tabi ko.

"Masiyado mo naman yatang tinatakot si Cutiepie," sabi nung lalaking nasa harapan ko nang lumingon siya kay Thunder. Eh cutiepie? Ang pangit naman yata mamili ng nickname ang isang ito.

"Hoy Matthew, itikom mo 'yang bibig mo." Sabi nang katabi niya na ang pagkakatanda ko ay Axel ang pangalan. Lumingon siya sa akin at kinindatan pa ako. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong ballpen. Ano ba 'to, napapaligiran ako ng mga baliw.

Yumuko ako at pupulutin na sana yung ballpen ko pero sinipa 'yon ni Thunder. Er! Bwisit. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. May extra pa naman akong ballpen kaya hahayaan ko na lang iyon, masiyado na kasing malayo.

"Okay, you may take your breaktime." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir, sa wakas at makakalabas na ako dito. Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at balak na sanang tumayo subalit may pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko.

"Stay here." Utos ni Thunder na akala mo ay isa akong aso. Bakit naman ako mag i-stay rito? Tumayo na ako pero itinulak niya ang magkabilang balikat ko para bumalik sa pag kakaupo. Tinignan ko siya ng masama at maya-maya lang ay may inalapag siya sa lamesa ko. Cellphone?

"Save your number," Agad akong napatingala sa kanya. Tekaㅡnabingi na yata ako.

"You will be my slave from now on kaya isave mo ang number mo, tatawagan kita pag may iuutos ako." sabi pa niya kaya natawa na lang ako bigla, sino bang niloloko ng lalaking ito?! Nakakatawa siya.

"Sorry pero hindi ako ipinanganak ng nanay ko para maging alila mo lang,"

"Ano?!"

"Ha? May sinabi ba ako? Sabi ko nga is-save ko eh." Kinuha ko ang phone niya at sinave ang number ko. Ugh, bahala na. I swear mukha akong siraulo ngayon, para akong isang tuta na bigla na lang naging maamo pagtapos sigawan.

"Happy?" Tanong ko ng ibalik ko sa kanya ang phone niya. Nagmadali na rin akong tumakbo palabas ng classroom. Tingin niya ba sakin tanga? Ba't naman ako magpapaalila sa kanya? Tch. Bago ako sumakay ng elevator ay narinig ko siyang sumigaw.

8-7000 kasi ang nilagay kong number doon. Try niyang tawagan, tignan ko lang kung ma-contact niya ako.

Natatawa akong mag isa dahil naiimagime ko ang mukha ni Thunder. Sasara na sana yung elevator pero biglang pumasok si Liam kaya natigil ako sa pagtawa at ngumiti sa kanya.

"Balita ko nasa worst section ka raw ah, ayan ba ang epekto sa'yo noon?" Natatawang sabi niya kaya pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. Nakakahiya.

"Siguro, napapalibutan kasi ako nung mga gangster." ngumuso na lang ako at bigla niyang ginulo yung buhok ko.

"Nasa kabilang side lang yung classroom ko. Puntahan mo ako pag kailangan mo ng tulong." sabi niya kaya ngumiti ako. Sana sila na lang ni Ayesha ang naging kaklase ko, sure akong mas magiging tahimik ang buhay ko pag sila ang kasama ko araw-araw.

Tulad kagabi, sabay pa rin kaming kumaing tatlo. Gusto ko sanang magtago na lang pero wala rin namang maitutulong 'yon dahil magkikita at magkikita parin kami ng kupal na si Thunder. And speaking of the devil. Ito na siya at nakatingin sa akin ng masama. Alam kong walang maitutulong pero pilit ko pa rin itinago ang sarili ko sa hawak kong tinapay.

Monstrous Academy 1: Gangster's love.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!