“Your British accent sucks. Big time,” I snorted.

“Well at least, I’m not some grouchy old maid in the morning,” he retorted, smiling playfully.

“Jerk.” I mumbled.

He chuckled. At dahil sa tawang iyon, hindi ko napigilan mahawa sa kanya. Hay naku ka, Karly boy.

After a few minutes, I looked at him. Seryoso siyang nagmamaneho, tila may malalim na iniisip. I already have a hunch.

“How’s it going?” I asked him.

Saglit siyang tumingin sa akin. He looked serious. “Kakausapin nila kami next week on Wednesday.”

“Sino nga pala ang nagiimbestiga ng kaso niyo?” Alam kong nag-aalala siya. Wala naman akong magawa kung hindi ang gayahin siya--maghintay. Pero nalulungkot ako kapag nakikita ko siyang ganyan. Hindi man niya aminin, alam kong problemadong-problemado siya at kinakabahan. Halata naman, e. Pero pinipilit pa rin niyang takpan. KJ talaga.

“OSA daw muna tapos dadaan pa sa kung saan-saan," he answered, looking bored.

I nodded. "Aja." I grinned.

Saglit siyang sumulyap sa akin at ngumiti, "Aja, misis."

--

“Sige, sige. Papasama na lang ako sa inutil kong boyfriend. Sana available siya.” I sighed before pressing the end call button.

Kakatapos lang ng klase ko. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa isa sa mga steps ng Humanities Building.

I texted KJ.

To: The Almighty KJ

‘Di makakasabay sina Philip, e. Wala akong kasabay mag-lunch. Free ka ba? Sabay tayo sa caf?

 

Wala pang isang minuto ay tumunog na agad ang cellphone ko.

From: The Almighty KJ

K

 

Wow lang. Ang haba ng sinabi niya. Sana man lang binuo na niya. O-K-A-Y. Para kahit paano, e, umabot ng four characters. Kaloka.

Hay naku. ‘Yong ang haba-haba ng sinabi mo tapos “K” lang ang reply? Tangina this.

Napasimangot na lang ako at tumayo. Pinagpagan ko ang pwetan ng pantalon ko at sinukbit ang bag ko.

Naglakad na ako papunta sa cafeteria at nang makarating ay nagsimulang maghanap ng mauupuan.

Buti na lang may bakante pa.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon