1 - the damsel in depressed

2.7K 29 5
  • Dedicated kay NamiBata Wattpad
                                    

 A/N: dahil wala naman akong bagong oneshot eto nalang po dedicate ko sayo ang new story ko as i promise hehehe

new post but old story of mine :) naisipan ko lang na sawakas ay ipost

hope you guys like it! Ella's on the side --->

ELLA'S POV

Lovelife na nga siguro ang pinaka komplikadong bagay sa buhay ng isang tao. bakit? kasi kapag problemado ka sa buhay pagibig lahat apektado.. lahat ng bagay at pangyayari sa paligid mo nagiging negatibo ang dating. ang hirap magfocus sa studies, mahirap kumaen, mahirap makitungo sa mga tao sa paligid mo, mahirap makatulog, mahirap magisip..... ultimo nga pati pag hinga mahirap na din!

"over emoting na yan bessie" na-cut off yung pageemote ko sa isip nung biglang bumulong saken si Dannie "alam mo sabay na tayo umuwi after ng rounds.. baka mamaya niya ma-hit and run ka niyan sa kakatulala mo" 

minsan may pag ka o.a din talaga tong bestfriend ko. hit and run agad? tulala lang ako pero di naman bingi no. inismiran ko nga siya "may iniisip lang ako okay?"

"what so ever! hintayin mo nalang ako sa doctors' lounge huh? kukunin ko muna yung ipinapabigay saken ni doc. Llannes" tumango nalang din ako saka sinenyasan siyang umalis na.

i'm Cinderella Reyes, Ella for short. i know. muntik ng mahalata na adik sa disney princess ang nanay ko habang ipinagbubuntis niya ako pero wala na akong magagawa anjan na yan eh. anyway, isa akong medicine student and months after now isa na akong licensed doctor but for now? isa muna akong sawi sa pagibig. nasawi sa inakala kong prince charming ko, na manloloko pala. nasawi kasi iniwan. nasawi kasi ipinagpalit sa iba. nasawi kasi hindi ko maibigay 'tong..... argh! puro self pity na naman ang laman ng isip ko. tama na nga! >.<

slow motion akong lumabas ng office. ewan ko ba.. pag broken hearted ka nga siguro nagiging slow-mo na ang pag galaw mo. bawat moment ay parang music video ng isang emo na kanta sa myx. puro emote, puro spacing out, puro buntong hininga.

sa doctors' lounge ako dapat maghintay pero dito ako napadpad sa information counter. ako lang din naman kasi ang magisang tatambay dun eh almost midnight pa naman din na. takot akong multuhin magisa... ospital kaya 'to!

"doc sakto dating mo! kakanta na siya!" halos maihi na sa kilig 'tong si ate Felly, ang head nurse ng ospital, habang nilalakasan yung radyo niya. yep, radyo lang pero nagkakaganyan na siya. kinahuhumalingan yang radyo na yan dito gabi-gabi. pakikingan kasi nila lagi yung dj na laging kumakanta sa ending part ng programa.

"oh my ghaaaaaaaaaaaad! naririnig ko na yung pagstrum ng gitara ni Jram my labs koooooo!" si Dannie yan nagmamadaling sumugod dito samin. hindi lang kami yung naka kumpol na dito, pati yung ibang mga nurse na nakaduty na walang ginagawa eh nandidito na din sa counter. mga adik! kulang nalang eh iplug in na nila yang radyo sa p.o.s ng ospital at ifull volume.

well, maganda din naman yung boses ng dj na un kaso mostly ng mga kinakanta niya eh puro mga kilig love songs at dahil broken ako wala akong pakealam kahit gaano pa siya kagaling kumanta o kung gano pa kalamig at kagwapo ng buong buo niyang boses. bitter ko eh kaya deal with it. eh kung kayo kaya ang nasa kalagayan ko ngayon?!

kumakanta na yung dj nung kinaladkad ko palabas ng ospital si Dannie "bessie your so not cool! di pa nga tapos mangharana saken si Jram love of my life ko eh"

"ano ba!? sasabayan mo ba akong umuwi o hahaliparot ka lang dun kasama nila ate Felly?"

"eto naman, naghiwalay lang kayo ni---"

"don't you even dare to say that #^!@$%%$@#&'s name"

"whoooo.. chill! kalma lang..sorry wrong move la--- wait i have a phone call" nagmadali siyang sagutin yun and for sure yung boyfriend niya yung tumatawag para sabihing susunduin siya. maya-maya bumaling siya saken with her puppy eyes on "bessi tumawag si hon, sabi niya susunduin niya ako... gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"wag na.. kaya ko na sarili ko" 

"sorry bessi huh"

"okay lang un..i'll see you tomorrow nalang"

nagpaalam na ako sakanya. ano pa nga bang magagawa ko? ayokong sumabay sa kanila dahil baka lalo lang akong ma-depress at maingit pag nakita ko yung sweetness nilang dalawa ng boyfriend niya.

 ----

eto na ako. naglalakad sa kalsada papuntang apartment ko. MAGISA.. 

dati darati hindi ko pansin kung ganu man kalayo sa highway yung tinitirahan ko kasi nuon lagi niya akong hinatatid hangang sa tapat ng door step ko. ngayon......... hays!

bibilisan ko na nga lang ang pagla---

*tok!*

"shet!" na-shoot yung heels ko sa takip ng imburnal! PAKING TAPE NAMAN OH!

at ayaw pang matanggal! nastuck up pa ata.. tsk

wala akong pekalam kahit pa na naka skirt ako, agad akong pumorma para kunin ang nastuck kong sapatos. kahit na nagkakanda hirap-hirap na ako sa paghila sige lang ako. pota ang mahal mahal ng bili ko dito no!

mga nakailang hila na ako pero wala talagang epekto. nakakapagod na kaya naman bumwelo na ako para sa isang napakalakas na pwersa ng pag hila kaso...

BLOG!

napaupo ako sa kalsada. wa epek padin talaga. pagod na nga ako sa rounds sa ospital tas sumasabay pa tong punyetang sapatos na 'to.

napatulala nalang ako sa sapatos ko dahil sa pagka frustrate. bigla kong naisip.... ang pagibig ay katulad ng takip ng imburnal.. mahirap makawala pagnahulog ka.

>.< argh!!! taena!

"BUSET! BUSET TALAGAAAAAAAAAAA!!!" hinubad ko na din yung isa ko pang sapatos at ibinato sa kawalan. nakakadrain out ng pasenya! bahala na. malapit na lang naman yung apartment ko kaya nagmarcha nalang ako ng naka paa pauwi.

------

 

abangan ang kasunod... ^____^v

Twisted Fairytale: Cinderella and her Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon