[9] Meeting De Avance

398 8 1
                                          

Ilang araw ang lumipas matapos ang mga nangyayaring kababalaghan sa King's High School University.Matapos ang pagkamatay ng dalawang estudyante na sina Kyla at Kenneth,naghahanap pa rin ng mga impormasyon o kung ano pa ang mga pulis malaman lang kung sino ang pumatay sa dalawang estudyante na galing Class 150-C.

Matahimik ang univesity nung araw na 'yon.Halos lahat ng mga estudyante ay kabado at nagtataka kung bakit palagi nalang sa Class 150-C ang mga may namamatay na estudyante.

Pati na rin ang buong Class 150-C ay kabado at nagtataka sa mga nangyayari lalo na ang mga bagong estudyante rito.Kabado ang lahat dahil ang mga buhay nila ay nasa panganib ang kanilang mga buhay.

"Ang boring naman.Wala pa rin yung Biology teacher natin."Tinatamad na sabi ni Robb.

"Kwentuhan muna tayo."Sabi ni Chesca.

Ngunit nung magsisimula n silang magkwentuhan,agad pumasok ang Biology Teacher nila na parang wala sa sarili.

"C--class."Pautal-utal niyang sabi na nakakapagtaka naman sa mga estudyante.

"M-may masamang nangyari s-sa a--adviser niyo!"Sabi niya na halos mapaiyak na.Nanlaki naman ang mga mata ng mga estudyante at kinakabahan sa susunod na sasabihin ng teacher.

"N-nabalitaan daw na nakita ang kanyang patay na katawan sa kanyang kwarto.Nakita na wala nang buhay ang kanyang katawan dahil nakabigti siya."Napakalungkot na sabi ng teacher nila.Mag best friend kasi silang dalawa ng adviser ng Class 150-C.Nagulat,nagtaka,nagkagulo lahat ng mga estudyanteng nakikinig sa kanya at napaiyak sila at pati na rin siya.

Pinakalma naman niya silang lahat upang tumigil lahat ang pagiyak na parang mga maliliit na mga bata.Ilang minuto rin ang lumipas ay naglesson na naman sila.

{Fast Forward}

Naguwian na sila.Agad ring umupo sa isang mahaba na upuan sila Elisha na parang nagtataka.

"Guys,parang may kutob ako na may killer dito sa loob ng section natin."Seryoso niyang sabi.

"Kung may killer man,ehh sino 'yon?"Tanong ni Franz.

"Ang sa akin ay parang si Mell at Czarina pero hindi naman nilang kayang pumatay ng tao at nambubully lang naman yang dalawang yan."Sabi ni Elisha.

"May point ka rin ehh.Maaaring silang dalawa rin.Pero malay mo isa,dalawa o mahigit pa ang mga killer dito sa section natin pero kailangan nating maalam kung sino para matigil na 'tong nangyayari."Sabi ni Robb.

"Oo nga.Dapat maalam natin kung sino nga talaga ang pumapatay hangga't may oras pa at hangga't hindi pa nauubos ang nga kaklase natin.Alam ko na nasa panganib ang ating mga buhay at nasa panganib rin tayong sitwasyon."Sabi ni Zander.

Class 150 (Part 2) | C O M P L E T E D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon