Prologue

1.9M 30.9K 3.9K
                                    

Prologue

It's been 6 long years.

Ang tagal din pala ng inilagi ko sa ibang bansa. Kamusta na kaya ang mga tao dito sa Pilipinas? May pagbabago kayang nangyari sa nakaraang anim na taon? O katulad pa rin ng dati?

Siya kaya?

Ipinilig ko ang ulo ko.  Malamang ay masaya na siya sa babaeng mahal niya ngayon. Dapat maging masaya na lang ako para sa kanya.


Matapos kong lumabas sa bansa, wala pang dalawang buwan ay kumalat ang malaking balita.

'The notorious playboy Nero Ferell is now officially dating Cassidy Marian Falcon'

Halos araw araw na akong umiiyak sa balitang ito. Ako ang may kasalanan, ako ang nagtulak sa kanya para maghanap siya ng iba, ako ang nagtaboy sa kanya.  Anong karapatan kong magpakamatay sa pagiyak kung ako mismo ang dahilan kung bakit siya naghanap ng iba?

Ipinarada ko na ng maayos ang sasakyan ko.

Today is my nephew's birthday celebration. Sampung taon na si Trevor at si Tyrone, isinabay na rin sa pagdiriwang na ito ang pagkakapanalo ni Trevor sa isang international go cart racing competition at ang pagkakapanalo rin ni Tyrone sa isang horse jumping competition.

I'm so proud of them. 

Pagkababa ko ng sasakyan ay bigla na lang tumunog ang telepono ko.

"Hi babe, nasa hotel ka na ba?" salubong sa akin ng tumawag sa akin.

"Yes, I'll see you sa function hall. Siguradong marami na ring tao" sagot ko sa kanya.

"Sige, malapit na rin ako" sagot ko. Ibinaba ko na ang telepono.

Zebrous Slaine Hotel ang venue ng event. Isa sa pinakakilalang hotel sa Pilipinas. Pasikat talaga ang mag aamang 'yon.

Nagdiretso na akosa elevator dahil sa ikalabing pitong palapag daw ang function hall ng event. 28th floor pa lang. Maghihintay pa ako.

Habang naghihintay ako, nagulat na lang ako ng may biglang humalik sa pisngi ko.

"I got you, missy" inirapan ko lang ang lalaking humalik sa akin.

"Umayos ka Ashton Elias Martin" sino ang lalaking kasama ko? Walang iba kundi si Ashong. Ang kaklase kong mahilig sa kabayo noon at ngayon. Bakit ko siya kasakasama ngayon? Mahabang kwento.

Inakbayan niya ako habang sabay kaming naghihintay sa pagbaba ng elevator. At nang sandaling bumukas na ito. Halos manlaki ang mga mata ko, naramdaman ko rin ang mariing paghawak ni Ashong sa balikat ko. Kahit natalikod ang lalaking nakikita ko ay kilalang kilala ko siya.

Nero Ferell kissing other girl.

Nakakawit sa kanyang baywang ang mapuputing binting babae habang abala ang mga kamay nito sa paggulo ng buhok niya. Bahagya nang nakataas ang damit ng babae na nagpapakita ng napakakinis niyang balat. Nero's hand is on there.

Pakiramdam ko ay kinakapos na ako ng hininga. I never expected this.

Malakas na tumikhim si Ashong at nakuha ang atensyon nila. Mabilis silang naghiwalay dalawa. Pakinig ko pa ang mahinang paghagikhik ng babaeng kasama ni Nero Ferell.

Pero halos tumigil ang pagtibok ng aking puso nang sandaling nagtama ang aming mga mata.



--

VentreCanard

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon