TAL. 12 -- Me? A mother?

Walang ibang maririnig dito sa loob ng opisina ko kundi ang pagtuktok ng pen na hawak ko dito sa glass table. I should be working now dahil this weekend nga aalis kami ni Daryl papunta sa Isla Cassandra ngunit hindi ko magawang makapag trabaho dahil parang hindi ako mapakali.

Iniikot ko ang swivel chair ko upang mapaharap sa Metro Manila skyline. As usual, busy street na naman. Dapat diba nagpapaka-busy na din ako but my mind isn't functioning! If it's because of excitement dahil sa trip namin ni Daryl or dahil exhausted lang ako.

Paano naman ako mapapagod e wala pa nga akong nasisimulan. Halos dalawang oras na akong nakaupo dito pero wala pa akong natatapos kahit isang trabaho. Sinubukan ko magbasa ng reports kaso naman nagsasayang lang ako ng energy dahil wala akong maintindihan, hindi ko naman basta pwede na pirmahan at iapprove na lang ang mga ito ng hindi ko lubusang naiintindihan dahil baka magkalintik-lintik lang lalo.

Napabuntong hininga ako. Hopeless case. Hindi ako makakapag-trabaho ng ganito ang lagay ko. Maybe I should take this day off and pamper my self. I can go to shopping para makabili na din ako ng ilang dadalhin namin ni Daryl.

Dahil sa naisip ko, bigla akong nakaramdam ng excitement. Shopping galore it is!

Dinampot ko ang bag ko maging ang blazer ko na nakalapag sa isang tabi. "Cancel all my appointments for today." sabi ko sa assistant ko na nagulat pa ng bigla akong lumabas.

"Yes, Ma'am."

"At kung sino man ang maghanap sa akin, just get their names and I'll call them back." dagdag bilin ko. "Kapag tumawag si Daryl tell him I'm out at sa cellphone ko na lang tumawag."

"Noted, Ma'am."

Lumakad na ako papunta sa express elevator. Napatingin ako sa relo na nasa bisig ko at napangiti ng makitang 11 o'clock pa lang. Kinapa ko sa bag ko ang phone ko at idinial ang number ni Chanel ng makasakay na ako sa elevator.

"Sis!" bati ni Chanel mula sa kabilang linya. "Napatawag ka?"

"Let's have some lunch and lots of shopping." pagyayaya ko sa kanya dahil alam kong wala naman syang ginagawa. Most of the time, nasa bahay lang sya. Plano nga nyang mag enroll kahit crash course lang sa pagpipinta. Chanel
is an artist. Well, according to her she is. Mahilig syang mag pinta pala at dream na nga nya noon pa ang magkaroon ng shop kung saan naka display ang kanyang mga gawa. And maybe someday, makakapag exhibit na rin daw sya.

Being her big sis, I am supporting her all the way. Nakipag usap na nga ako sa isang school kung saan nago-offer ng crash course sa pagpipinta. Too bad ongoing na sila ngayon kaya sa next batch na si Chanel.

"Uhmm.." narinig kong tila nag alanganin si Chanel sa pagsagot.

Lumabas na muna ako sa elevator bago nagtanong. "Bakit? May lakad ka ba?" nagtataka kong tanong.

"Yeah."

"Saan? Kahit mag lunch lang tayo?" tanong ko na deretso lang sa paglalakad hindi alintana ang bawat bati ng empleyado na madaanan ko. Yung iba pa nga, ilag sa akin lalo na simula ng kumalat na banned na sa lugar na ito sina Leandro. Duh, as if I care, right?

"Sorry, sis, but I'll be having lunch in Tagaytay."

Lalo akong nagtaka. Napatigil pa nga ako sa paglalakad. "Tagaytay? Ang layo. Who is with you?"

"S-si Kazu." kahit hindi ko sya nakikita, I can sense she's blushing scarlet.

"Japanese si Kazu diba? Hindi Chinese. Bakit ang aga nya yata mangligaw? Tirik pa ang araw oh!" pang aasar ko sa kanya.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!