Chapter 33: The Good Side and the Bad Side

Kisha’s POV

“Patay na si Ellrah” pambungad sakin ni Lolo G pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Van. Kasalukuyan siyang nagpapahinga ngayon. Sinisisi niya ang sarili niya, masyado daw siyang mahina dahil nakuhanan siya ng dugo ni Victoria na baka maging mitsa  ng susunod na Great War. Hindi man nila alam ang tunay na plano nito, nakakasigurado naman silang hindi ito maganda. Kasalukuyan ding nagpapahinga ang mga representatives dahil masyado nilang nagamit ang mga kapangyarihan nila, medyo matagal na daw silang hindi nakikipaglaban ng ganoong katagal at noon lang din ulit sila nagkaroon ng malalakas na kalaban...

Para naman akong nanghina sa sinabi ni Lolo G. Hindi man ako malapit kay Ellrah ay nalulungkot at nasasaktan pa rin ako para kay Van. Alam kong mahal niya ang Ate niya kaya siguradong masasaktan siya kapag nalaman niya...

“K-Kailan pa po?”

“Nung matagpuan ko ang katawan niya ay tuyo na ang dugong nakakalat sa sahig. Malamang ay mga tatlong araw na siyang patay” paliwanag ni Lolo G... “Bibisitahin ko sana siya para kamustahin siya at itanong ang tungkol sa propesiya pero pagdating ko doon ay isa na siyang malamig na bangkay...” malungkot na usal nya...

“May ideya na po ba kayo kung sino ang gumawa nun sa kanya?” natahimik si Lolo G. Pakiramdam ko alam na niya, hindi ko lang alam kung bakit nag-aalangan pa siyang sabihin. Siya si Gallian Walker at kilala siya bilang isang alamat ng mga bampira na alam ang lahat, walang nakakalagpas sa kanyang impormasyon...

“Hindi ko muna pwedeng sabihin. Kailangan ko munang alamin ang tunay na nangyari” magtatanong pa sana ako pero gumalaw si Van sa kanyang higaan kasunod noon ang pagbangon niya...

Nagtutubig ang namumula niyang mata at nakayukom ang kamao niyang nakahawak sa bedsheet...

“T-Totoo ba? Patay na si Ate?” agad ko siyang nilapitan at niyakap. Naramdaman ko naman ang pamamasa ng balikat ko at narinig ang paghikbi niya. Bukod kay Lolo G, si Ellrah na lang ang natitira niyang pamilya kaya alam kong masakit ito para sa kanya... “Papatayin  ko kung sino ang pumatay sa kanya...papatayin ko ang hayop na ‘yun...” nanginginig ang buong katawan niya, malamang ay sa galit. Hinagod ko ang likudan niya para mapakalma siya...

Narinig ko namang bukas ang pinto kaya nahiwalay kami sa isa’t-isa...

“May nalaman ako...” wika ni Jack. Tumango naman si Lolo G para magpatuloy si Jack... “Wala ng bisa ang mga propesiya dahil sa pagkamatay ng Oracle, lahat ng mga mangyayari sa susunod  ay wala ng magdidikta, kung ano ang makahantungan ng lahat ay ‘yun na ‘yun at hindi dahil sa propesiya...”

Natahimik kami sa sinabi niya. Kung ganun, maaaring ‘yun ang dahilan kung bakit pinatay si Ellrah. Pero...sino naman kaya ‘yun? Kaya niya ba pinatay si Ellrah ay dahil sa propesiya? Bakit niya naman gagawin ‘yun? Ang daming katanungan na kailangan ng kasagutan pero sa sitwasyon ngayon, parang mahihirapan kaming hanapin ‘yon...

“Kami na ang bahalang mag-imbestiga sa kasong ‘to. Magpahinga ka na lamang muna at paghandaan ang maaaring gawin ni Victoria” dagdag pa ni Jack…

“Pero---“

“Van, magpahinga ka muna. Please?” magpoprotesta pa sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit talaga.

He huffs... “Fine” at patalikod siyang humiga sa direksyon ko. Lumabas na ng kwarto sina Lolo G at Jack kaya naiwan na lang kaming dalawa. Humiga ako sa tabi niy at niyakap siya mula sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at hinalikan ang pisngi niya.  He stiffens and I smiled to myself knowing that I have this effect on him...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!