Orugis

23.5K 843 132
                                                  

Oguris 

By: peachxvision

Di ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Ay mali, alam ko pala. Ang cute niya eh. Parang ang astig. Ang talino din niya sa math. Pero di ko nga lang alam kung yun nga ba yung nagustuhan ko sa kanya.

Bale, may boyfriend naman na ako. At, masaya ako sa kanya. Isang taon at kalahati na kami. Okay lang naman siguro magkagusto-admire lang naman. Iba naman yung mahal diba? Isa pa, alam naman ni Jaime, yung boyfriend ko, tungkol dun sa recently kong nagugustuhan ngayon. Alam ko din naman kung sino yung gusto niya. Importante yun sa isang relasyon, yung openness. Tama?

At isa pa, alam kong mali.

Habang nakatayo ako sa kwarto, tumingin ako sa kanya para ngumiti. Kaso, may kaearphones siya nun eh. Girlfriend niya ata. Okay lang, ano namang mali?

Gusto lang naman.

Minsan, nag-usap na kami sa facebook. Natatandaan ko yun eh. First sem yun, kakaadd lang niya sa kin. Sobrang saya ko lang nung biglang narinig ko yung beep, at siya pala yun.

"Ang galing mo magsalita."

Kinilig ako ng onti, kasi nacompliment pa ako. Teka, ano ba dapat ang sasabihin ko? Papindot pindot ako, tas backspace, tas type ulit-teka nga! Umayos ka, kamay!

"Eh? Thank you! Iperfect natin yung susunod na exam ah?"

Sabay send ng smiley.

Nagreply pa siya nun, pero di ko na nireplyan. Baka akalain niya may gusto ako sa kanya. Mas okay na yun. At least alam ko na kahit papaano, gusto niya ako makilala.

Ang ganda ng ngiti niya, sa totoo lang. Lalo na yung mga mata niya na parang nakakabasa ng kaluluwa at parang nantutunaw. Honestly, sa tuwing tinitingnan ko siya, para akong natutunaw. Kaya nga hindi ako tumitingin sa kanya eh. Baka matunaw lang ako, nakakahiya naman.

Second sem nung dinelete ko yung facebook at twitter ko. For fun, ang dami ko na pala kasing inaadd na di ko pala kilala. Haha.

Alam ko namang marami ding nagkakagusto sa kanya. Ang cute kaya niya, tapos ang astig. Hearthrob to eh. Birthday ko nun nung paakyat ako. Maaga pa lang, nakita ko na siya na nakapwesto dun sa may xerox machine.

Bumibilis yung kabog ng dibdib ko.

"Happy birthday."

Ngumiti lang ako.

"Thank you!"

Sabay akyat.

TAAAEEE. BINATI NIYA AKO?! BINATI NIYA AKO?! Nanaginip ba ako?! At talagang inabangan ako?! Ano yun, may gusto din siya sa kin?! Hindi nga?! Pero feeling ko hindi-eh malay ko ba naman kung talagang nagpapaxerox siya nun at binati lang niya ako diba.

Pero seryoso...

Ang saya ko.

"Te, binati niya ako, as in nag-abang talaga siya-o di ko alam kung ako lang yun. Pero, aaah. Mali ba na masaya ako?!" 

"Asus te. Keri lang yan. I'm so happy for you."

Nakita ko yung ngiti ni ate Lucy, yung isa sa mga 'fans' namin kuno. Siya lang kasi talaga yung nakakaalam kung anu-ano na ba yung mga nangyayare.

Sinabi ko na rin sa lahat ng tao na lilipat na ako. Sayang kasi yung scholarship. Umiyak pa nga ako nun, ang masaklap...

Wala siya para makita akong umiyak.

Haha, feeler ko naman. Gusto ko talagang makita niya akong umiyak? Kaso alam ko pupunta daw siyang DFA, pero feeling ko, pumunta yun sa dati niyang high school. Siguro makikipag kita dun sa girlfriend niya.

OrugisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon