Siguro

38K 1.2K 187
  • Dedicated kay A.J.R.
                                                  

Siguro 

By: peachxvision

Di ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Ay mali, alam ko pala. Ang simple niya eh. Ang bait. Ang talino. Pero di ko nga lang alam kung yun nga ba yung nagustuhan ko sa kanya.

Bale, may girlfriend naman na ako. At, masaya ako sa kanya. Mag-iisang taon na rin kami. Okay lang naman siguro magkagusto-gusto lang naman. Iba naman yung mahal diba? Isa pa, alam naman ni Sally, yung girlfriend ko, tungkol dito. Alam ko din yung mga nagugustuhan niya. Importante yun sa isang relasyon, yung openness. Tama?

At isa pa, alam kong hindi pwede.

Habang andon kami sa kwarto kasama nung mga kabarkada ko, ngumiti siya ulit sa kin.

Kinalabit ako ni Pete, yung isa sa mga kabarkada ko.

"Ayos ba?"

Ngumiti lang ako.

Minsan, nag-usap na kami sa facebook. Natatandaan ko yun eh. First sem yun ng first year college ko. Di ko mapagilan na kausapin siya. Yun ata yung unang beses na tingin ko may espesyal sa kanya.

"Ang galing mo magsalita." 

"Eh? Thank you! Iperfect natin yung susunod na exam ah?"

Sabay send ng smiley.

Ang alam ko nagreply pa ako nun, pero di siya nagreply sa kin. Eh siguro ganon nga kapag hindi interesado yung tao sayo. Pero okay lang naman eh. Gusto ko lang naman siya makilala.

Ang ganda ng ngiti niya, sa totoo lang. Pati yung mga mata niya na parang nagsasalita din, at yung maliit niyang boses na parang ang saya-saya.

Second sem nung nalaman kong dinelete niya yung facebook at twitter niya. Anak naman ng-eh yun na nga lang yung source na malaman ko yung mga bagay tungkol sa kanya. Pero okay naman din, lagi ko rin naman siya nakikita sa classroom. Halos.

Alam ko namang marami ding nagkakagusto sa kanya. Eh bambait ng babaeng yun. Ang galing pa. Nung birthday niya, pumunta kami ni Pete dun sa may malapit sa canteen. Nakita ko kasi siya na palakad paakyat. Pwumesto na ako dun. Tapos nung dumaan siya...

"Happy birthday."

Ngumiti lang siya.

"Thank you."

Sabay akyat.

Di ko alam kung napansin ba niya yung ginawa ko. Napansin nga kaya niya? Ang lungkot naman na parang dinaanan lang niya ako. Pero okay na rin, at least may effort.

Nung susunod na araw, nabalitaan ko na umiyak daw siya nung mismong araw nung birthday niya. Ang masaklap...

Nalaman kong lilipat na siya.

Bakit ba kailangan dumating tas aalis yung mga taong gusto mong mapalapit o malapit na sayo? Pwede namang hindi diba? Sabagay. Scholarship yun. Sayang... Eh sino ba naman ako para makapigil sa kanya diba?

Matapos ang ilang linggo, nalaman ko na nagkaroon na ulit siya ng facebook at twitter.

"Eh kasi accept lang ako ng accept. At least ngayon, hindi na."

Ngumiti ako dahil may rason ulit ako para tumingin sa profile niya. At ang nakakatawa, nakita niya yun. Tinukso ako bigla ng buong barkada. Eh kapag natutukso pa naman ako, di ko mapigilan ngumiti.

Hinahantay ko yung ngiti niya nung tinutukso kami...

Pero tumalikod lang siya.

Tapos patuloy lang siyang nangusap tungkol sa iba't ibang bagay. Ako, nakatingin lang ako sa kanya. Pinagmamasdan yung bawat galaw niya.

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon