Chapter 13

8.9K 331 5
                                    

"Fck" mura ko ng makaramdam ng matinding pagkirot ng ulo. Halos masiraan naman ako ng bait na nakahawak sa ulo na nagbabakasaling tumigil ang sakit,

"Aaaaaaaaaaahhhhhh!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw sa mas lalong pagkirot nito,

"S-Sam!"

"F-Faye a-ang s-sakit" Napansin ko naman ang pagkataranta ng kaibigan na agad tinawag si Haika,

"HAIKA!" Nagmamadaling pumasok ang dalawa at agad naman akong dinaluhan ni Haika na ipinatong ang mga kamay sa aking kumikirot na ulo,

"S-Stoppp!" Agad namang bumitaw ito at hinila ang dalawa papalayo. Hindi na mawari ang sakit na nararamdaman at gusto na lang magpahinga ngunit habang patagal na patagal mas lalong kumikirot ito, duguan na din ang aking labi dahil sa diin na pagkakakagat ko rito

"T-Tumawag ka ng tulong Sky, ikaw naman Faye puntahan mo si Headmistress" agad namang nagsikilos ang dalawa at siya ang naiwan,

'Let go'

"Fckk! Lubuyan mo ako! Tama na pakiusap!"



Haika Flein's Point of View

Gusto ko na lang mapikit sa nakikitang sinasapit ng kaibigan na hindi magkanda humayaw sa sakit na nararamdaman,

"S-Sam" Hindi ko magawang tulungan siya sa sakit na nararamdaman kahit pa isa akong healer at dahil sa kaisipan na iyon pakiramdam ko napakawalang kwenta ko'ng First Base Lucēre. Kanina ko pa sinusubukan na pagalingan siya ngunit parang may bagay na nakaharang at pinipigilan ang pwersang pinapakawalan ko,

Tatlong minuto naman ang tinagal bago nakabalik ang dalawa kasama ang Headmistress, si Sec. Juluis at ang Head Healer. Agad na lumapit ang Head Healer na si Ms. Aengela at gaya ng ginawa ko kanina pinatong niya ang kamay niya sa ulo ni Sam,

"S-Stopppp! P-Please m-make it s-stop" pagmamakaawa niya. Linapitan naman ito ng Headmistress at walang kahirap hirap na pinatulog,

"What happened to her Ae?" Tanong ng Headmistress,

"W-Wala akong makita sa kalagayan niya Headmistress, may kakaibang pwersang pumimigil sa akin para makita ang kalagayan nito" paliwanag naman ng Head Healer,

"Juluis dalhin mo muna si Sam sa clinic at ng mabantayan ni Aengela ang kalagayan niya kung sakali" Agad namang binuhat ni Mr. Juluis si Sam na nawalan ng malay dahil sa ginawa ni Headmistress. Bahagya namang tumingin ang Headmistress sa amin,

"The three of you follow Juluis" agad naman kaming naglakad palabas para sumunod pero bago pa tuluyang makalabas,

"Ms. Aengela I need you to accompany me in Head's Quarter to report this ucommon incedent"






EDITED

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon