Tossed Coin

137K 1.7K 1.8K
                                              

Tossed Coin 

By peachxvision

Toss. Flip. Choose. Drop.

CHAPTER 1 

[Heads]

Toss. Flip. Drop.

"Heads o tails?" 

"Mmm... Heads!" 

"Sige, pag heads, ililibre kita ng ice cream. Pag tails, ako ang ililibre mo." 

"Sige!"

Pagkaalis niya ng kamay niya, tails yung lumabas.

"WEH!!! Pano yun?! Cinocontrol mo eh!" 

"Magaling lang ako magtoss ng coin." 

"Bakit ba sa tuwing magdedesisyon ka, toss coin ang lagi mong ginagamit?" 

"Maganda kaya to kapag nahihirapan ka magdesisyon sa dalawang bagay." 

"Eh bakit nga?!" 

"Kasi..." 

"Kasi?"

Tapos nagising ako.

Parang ayoko na bumangon. Sa panaginip ko, buhay na buhay yung best friend ko na pinsan ko na kapatid na yung turing ko, si kuya Ian. Gusto ko na lang ulit matulog.

Yung araw na pinaguusapan namin yung tungkol sa pagtotoss ng coin, yun ang huling araw namin na magkasama... Huling araw namin na magkikita. Nasa akin pa yung piso na yun. Remembrance daw. Tinawanan ko pa siya nung araw na yun kasi kung magsabi siya akala mo mamamatay na... Pero yun pala...

"Sabi mo... Di mo ko iiwan."

Sinabi ko yun dun sa kabaong sa harap ko, kung nasaan yung isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Di ko matanggap na wala na siya. Gusto ko patayin yung nakabunggo sa kanya, kahit nakakulong. Pero yung mga magulang nga ni kuya Ian napatawad yung nakabangga... Bakit ako hindi ko matanggap?

"Ang sama mo... Ang sama sama mo."

Iyak ako ng iyak na parang bata. Kahit 12 years old pa lang ako. Di ko akalain na mangyayare yun. 15 years old na yung kuya Ian ko. Sabi niya andun siya sa first prom ko, sa graduation ko, kahit siya pa daw ang maging escort ko sa debut ko...

Di ko matanggap...

Siya lang yung sinusumbungan ko ng lahat ng mga kadramahan ko sa buhay. Masaya kasi magkapit bahay lang kami. At simula bata siya na yung nakakalaro ko. Minsan iniisip ko na sana kapatid ko na lang siya. Pero sabi niya kapag kapatid ko talaga siya, baka maging masama lang siya sa kin. Kaya mas okay kung pinsan na lang na parang kapatid ang turingan namin.

"Ang daya. Ang daya daya mo. Di ka talaga marunong tumupad ng pangako..."

Paulit-ulit lang ako umiiyak sa gilid. Ilang araw na mugto yung mata ko. Sinubukan ako patahanin ng high school friends ko. Freshman pa lang ako, kaya yung mga kakilala ko lang sa section ko yung pumunta. Actually, tapos na ang freshman year ko. Summer na. At ilang buwan na lang, sophomore na ko. Isang sophomore life na wala ang kuya Ian ko.

"Alam mo, kung buhay ka, eh di sana nasusumbungan kita. Kaso hindi... Kaya tingnan mo... Umiiyak ako mag-isa."

Naisip ko na nakakahiya sa mga tao na makita akong humahagulgol kaya pumunta muna ako sa labas. Naisip ko na pumuntang playground kung san lagi kaming nakatambay. Pumunta ako sa swing. Habang naglalakad ako, nakita ko yung isa kong schoolmate na naglalakad din ata papunta sa swing. Pero di ko siya ka-year. Second year high school siya. Siya yung crush ng mga kaibigan ko. Pero ako, wala akong pake.

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon