This is Not a Love Story

132K 2K 2.6K
  • Dedicated kay Geselle B. Reyes
                                                  

This is Not a Love Story 

By peachxvision

You have been warned.

CHAPTER 1 

[Sarcastic]

Ang saya saya mabuhay sa mundo... lalo na kung may boyfriend kang tulad ni Wayne. Hindi ba?

Papunta ako sa meeting place namin ni Wayne, sa malapit sa school. Isang tricycle na lang naman mula sa school. Ang ganda dun lalo na pag sunset, although papaligiran ka ng mga mushy na tao tulad namin.

Excited lang ako na makita siya!

Si Wayne, ang first ever boyfriend ko simula grade n (where n is a positive integer, secret ko na lang dahil hindi ako magandang ihemplo). Pero parang dati hindi pa kami seryoso. As in hatid hatid lang, libre libre... puppy love ba? Pero nagbago yun nung dumating ang high school. Naging mature kami kung mag-isip.

Napapangiti ako kapag naaalala ko yung araw na naglolokohan kami na kami na. Hindi ko naman alam na seseryosohin talaga namin. At oo, masaya ako sa kanya.

Nagkakaroon kami ng selosan at tampuhan, hindi naman maiiwasan yun. Pero kahit ganon, nagkakabati naman kami. Nakakatawa lang na kapag binibigyan niya ako ng teddy bear o manika, sinasabi niya anak daw namin yun. Tapos bigla kaming magpaplano ng future etc.

Nakasakay ako sa jeep, habang nakangiti. Kahit magfou-four years na kami next week, hindi parin ako nagsasawang kiligin kapag kasama ko siya. Yung feeling na safe ka? Yung feeling na parang... Parang pupuntahan mo yung kaluluwa mo as if humiwalay nga to sayo at excited kang makareunion ulit? Ewan. Para na ata akong baliw.

Halos isang linggo pa lang ang nakalilipas nung nagpasukan mula sa isang mahabang Christmas break. Ang saya ko lang dahil nagkatampuhan kami nung isang linggo dahil parang hindi niya ako gaano kinakausap. Siguro, ito na yung pambawi niya sa kin.

Umupo ako sa usual naming upuan, at siyempre, hinintay siyang dumating. Pag dating niya, naglabas ako ng isang ngiti.

"12 minutes late."

Ngumiti ako at hinintay ko siyang akbayan niya ako. Yun kasi yung usual niyang ginagawa...

Pero...

Hindi niya ginawa yun.

"Ui, may problema ba?" 

"Wala naman."

Umupo siya sa tabi ko saka nagkalkal ng bag. Kinuha niya yung cellphone niya tapos tinago ulit. Mukhang nagtext muna siya.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?"

Huminga siya ng malalim.

"Teka, gusto mo maglakad-lakad muna?"

Tumayo kaming dalawa tapos naglakad muna. Nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa, siyempre kinuha ko yung isa para hawakan ko.

"Kalma lang heart, ang laki ng problema mo. Andito naman ako eh."

Hinigpitan ko yung hawak ko pero hindi siya nagrespond. Siguro dahil malaki nga ang problema niya. Naiinis ako dahil ganon, pero kailangan ko siya intindihin. Baka nagkagulo sa bahay nila or something.

Tumamabay kami sa jollibee. Pinaupo niya ako tapos nagorder siya ng dalawang ice cream tapos burger steak meal. Kagulat lang nung binigay niya sa kin yung dalawang ice cream.

"O, bat di ka kakain ng ice cream?" 

"Para sayo talaga yan." 

"Sweet naman ng heart ko."

This is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon