Prologue

68K 1.4K 643
                                              

Magkakatuluyan kami.

Wag kayong mag-alala. Sinasabi ko na sa inyo—magkakatuluyan kami.

Napaka-unusual, ano? Ang ibig kong sabihin, sinong sira-ulong manunulat ang magsasabi ng sarili niyang kuwento? Ako! Ako lang ang gagawa no'n! Haha. E pinilit lang naman niya ako magsulat nito e. Hindi naman ako manunulat . . . arkitekto ako.

Pero dahil do'n siya masaya at gagawin ko lahat para mapaligaya 'tong babaeng 'to . . . sige, sinulat ko na.

E ano naman kung sinabi kong magkakatuluyan kami? Importante ba talaga ang simula at katapusan ng bawat kuwento? Tingin ko kasi . . .

Mas importante ang malaman kung paano umabot sa ganoong ending.

Isa 'tong kuwento kung paano ko magiging asawa ang isa sa pinakawirdong babae sa mundong 'to—ang matalik kong kaibigan at kaaway—si April. Hindi ko nga alam kung bakit April ang ipinangalan sa kanya e April 22 siya ipinanganak. Di ba madalas 'yong may mga ganoong pangalan, pinanganak ng April 1 o April 2? Halos May na nga siya e.

Dapat pala epilogue 'to, ano? Eto kasi 'yong huli kong sinulat e. Pero mas gusto ko siya maging prologue para masaya at kakaiba—kasing kakaiba kung paano kami naging kami.

Sige . . . umpisahan na natin ang unang kabanta.

End of prologue. 

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon