Prologue

513K 7.2K 3.8K
  • Dedicated kay Carlos Velasco
                                                  

Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko. Gusto ko lang talaga ikuwento yung maikli naming istorya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago.

Bakit ko nga ba 'to sinusulat?

Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairy tale ay happy ending? Ano nga palang tawag diyan? Ayon. Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at si lalaki sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kuwento.

Gusto ko ng isang kuwentong walang katapusan.

Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa 'kin. Hawak-hawak ko yung laptop, at heto, nagta-type. Andito pa rin yung isa sa mga himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na nahuhulog yung mga talulot niya. Ang nakapagtataka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung mga talulot niya.

Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga . . . naghihintay pa rin siya.

Walang fairy ang kuwento namin, pero may magic na kung tawagin niya ay himala. Bakit?

Di ko rin alam e.

At dito, nagtatapos ang kuwentonaming dalawa.    

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon