Chapter 5

"Ako ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti na waring didikit na ang labi niya sa kaniyang tenga, "Mahal mo din ba ako?"

Ayaw pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ako makapili ng mga salitang dapat sabihin sa kaniya. "Nakadrugs ka ba?" bulaslas ko.

Tinitigan niya muna ako ng mga ilang segundo bago nagsalita, "Nevermind," sabay itinaas niya ang mga kamay niya na kunwari ay nagbabanat ng mga buto sa braso.

Nang makarating na kami ng mall, bumalik sa alaala ko lahat ng mga nangyari noong araw na magkakilala kami ni Chris at kung paano ko inasam n asana magkita pa kami ulit. Mabuti na lang at binigyan kami ng pagkakataon na magkita muli.

"Chris," tawag ko sa kaniya na dahilan para mapalingon siya, "Saan tayo pupunta?"

"Punta tayo sa boutique na 'yun," sabay turo niya ditto sa may bandang kaliwa naming.

Wala ng pagdadalawang isip ay pumunta na kami sa boutique na itinuro niya. Mga damit at sapatos na pangbabae ang laman ng boutique na ito. Nakakapagtaka lang kung bakit dito ang itinuro niya.

Hindi ko na siya tinanong. Nagsimula na lang din akong mag-ikot ikot at tumingin ng mga damit. Magaganda ang kanilang mga dress at blouse. Iba't ibang kulay katulad ng pink, blue, white, yellow at marami pang iba.

"Alisha," tawag niya sakin kaya naman agad akong napalingon. Hawak niya ang isang dress. Medyo light pink ang kulay na may mga lace and ruffles. Napakaganda nito at paniguradong mamahalin.

"Isukat mo."

Nanlaki ang mga mata ko at kulang na lang ay mapanganga ako sa sinabi niya, "Isusukat ko?" ulit ko pa.

"Hindi. Ako magsusuot." he said sarcastically.

Napatawa naman naman ako sa sinabi niya. He really has a sense of humor unlike Daniel. Seryoso kasi masyado ang taong na iyon. Grades, basketball and family oriented kasi siya Daniel pero atleast he knows how to have fun, sometimes.

"Sino pa bang magsusuot? Syempre, ikaw," sabay abot niya sakin nito. Halata sa kaniya na Masaya siya at kahit ako, napasaya din niya ako dahil sa sarcasm niya.

"Seriously?" sabi ko sa kaniya dahil deep inside hindi padin ako naniniwala tsaka bakit ko naman isusukat? I'm not going to buy anything in the first place.

"Isukat mo na lang," sabay tulak niya sakin sa fitting room. I have no choice but to do what he told me. Sinukat ko nga at syempre napakasaya ko. Ito na ata ang pinakamagandang dress na naisukat ko. Bakit ba kasi hindi ako nahilig na magsuot ng ganitong klaseng damit? Lagi na lang floral at mahahabang damit ang nagugustuhan ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa fitting room at agad na sumalubong ang ngiti ni Chris sakin, "Ang ganda mo Alisha. Bagay na bagay sayo."

I felt butterflies in my stomach. I felt heat in my cheeks. Ngayon na lang ulit ako nakarinig ng nagsabi na maganda ako.

"Try this also," sabay iniangat niya ang takip ng isang kahon, "Stilettos."

Napakaganda din nito, kulay pink at black. Halimbawa ito ng mga nakikita ko sat v at magazine. Ito ang sapatos na isinusuot ng mga modelo at mga nasa beauty pageant.

"Ang taas naman," sabay iling-iling ko pa.

"Please, Alisha" he said with a sweet voice that any women would fall for. And it did capture me.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!