Chapter 13-KAPE

96.5K 2.1K 47
                                    

"In my position." Pagbibigay alam ni Jenna sa mga kasama. She adjusted her night vision lens, nakita niyang may limang bantay. Armado ng matataas na calibre ng baril. Napangisi siya, this is what she's looking for. May thrill, pansamantala niyang binitawan ang baril at pinagkiskis ang mga palad. Hindi pa siya nakontento ay inihipan pa niya ang mga ito. Na-miss din niyang makipaghabulan sa bala.

"Kumilos na kayo, after my cue." Ang tiyuhing si Zion ang nagsisilbing mata at lead nila. "Go, pumasok na si Morales. If possible, iwasan niyo munang makagawa ng ingay para hindi masira ang diskarte natin."

Sa gilid ng mat ani Jenna ay nakita niyang naglalakad ang isa sa mga ito papunta sa medyo madilim na lugar. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Maagaan siyang kumilos papunta sa direksyon ng kalaban. Nang makalapit ang lalake agad niyang sinunggaban ito sa leeg at pinalo ng baril ulo.

Walang kalaban-labang tumumba ang lalake. Jenna smirked. "One down." Hinila niya ang lalaking nakahandusay sa sahig at itinago.

Ikinabit niya ang silencer ng baril na hawak at inuumang sa mga natitirang bantay para malaya silang makapasok. Sunod-sunod na nagsitumbahan ang mga ito.

"Syete, ang galing ko parin talaga kahit walang practice. Wala paring mintis, salamat sa halik ni mayor, na-inspired ako."

"Gate three, cleared." Jenna notified the others. Tumakbo siya papasok, liliko sana siya sa pasilyo ng makasalubong niya ang tatlong armadong lalake.

"Oo emm gee, naloko na, I'm sorry guys." Humingi siya ng paumanhin sa mga kasama.

Agad siyang pinaputukan ng mga ito. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes na agad siyang nakapagtago.

Sunod-sunod na putok ang narinig niya sa kanyang device. Marahil nakita na din ng ibang tauhan ni Ong ang mga kasamahan niya.

Napamura siya sa isip alam na ni Ong na nandito sila. Sumungaw siya mula sa pinagtataguan at ngumiti. "wooh, pakyuuu mga pangeeet!" Sigaw niya at nakipagpalitan ng putok sa mga ito.

Tumagal ng dalawampung minuto ang putukan.

"Men, everything is clear." She heard Zeus voice on her device. She pouted, ni hindi pa nga siya pinagpawisan eh. "Let's give Ong, a dose of his own medicine."

"Copy." Nakangising sagot ni Jenna sa pinsang si Zeus.

A location popped up in her tracker galing sa pinsang si Quen. Mabilis talaga ang pinsan pangdating sa mga bagay na ito. She chuckled at tumulak na sa direksiyon nasa tracking device niya.

Imbes na si Ong ang madatnan niya ay ang naglalampungang si Aphrodite at Dwayne sa sulok ang nakita niya.

Jenna shakes her head. "Pambihira, nasa panganib na nga ang buhay, nakuha pang lumandi ng mga ito."

"Hey, love birds, mamaya na kayo maglambingan at madami pa tayong patutumbahin. Puputulan ko pa si Ong sa ginawa niyang pag-damage sa kagandahan mo, couz." Putol ni Jenna sa paglalambingan ng mga ito.

Ngi lang ang isinagot ng mahadera niyang pinsang si Aphrodite at hinila nito si Dwayne.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jenna ng may biglang humablot kay Aphrodite.

"F*ck you, Morales, ang sabi ko sa iyo, ikaw lang. Dahil matigas ang ulo mo, papasabugin ko ang ulo ng babaeng ito." Nanlilisik ang mga mata ni Ong habang hawak si Aphrodite.

Naghanda na si Jenna sa pagsugod ng mapansing dumating na din ang kuya Thor niya, pinsang si Quen at Zeus sa lokasyon nila kasama ang iba pang mga agents.

Aphrodite signaled them, kaya napatigil silang lahat sa gagawing pagsugod. They got what Aphrodite is saying. Kaya humalukipkip nalang siya sa sulok at may ngisi sa labi habang naghihintay sa susunod na mangyayari.

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon