Harper.

"Pwede bang maupo ka muna, Harper? Kami ang nahihilo sa'yo." Masungit na ani ni Audrey sa akin pero hindi ko na lang siya pinagtuunan pa ng pansin. Wala sila sa katayuan ko! Hindi naman 'yung mga buhay nila ang nanganganib e, sa akin! Sa akin! Walangya!

"Isang ikot pa Harper, babatukan na talaga kita." Banta naman ni Marcus sa akin.

"Sinabi ko bang panoorin ninyo ako? I'm fucking nervous so I'll do everything to f-cking divert my attention. Bahala kayong mahilo diyan! Wala akong pakialam sa mga ulo at pakiramdam ninyo!" Sagot ko. 

Mga walanghiya, hindi ko naman sinabi na panoorin nila 'yung pagikot-ikot ko dito sa sala. Ako pa sinisi dahil nahihilo na raw sila!

Baka hindi nagkasundo sina Caela at si leader. Patay talaga ako! Tangina! Nakakakaba!

"Ang bakla mo, Harps!" Asar ni Zoey, nagtawanan pa silang lahat dahil dito. Ang swerte ko sa kanila. Promise! Malasahan sana niny ang pagkasarkastiko ko.

"HALA KA HARPER! NANDIYAN NA SI LEADER. TANGINA! NAKAKATAKOT ANG AURA NIYA, PARANG PAPATAY NG TAO!" Sigaw naman ni Ian na ikinagulat ko, tumakbo pa siya papasok dito sa loob. Nasa pinto siya kanina dahil nagpresinta na siya daw ang look-out kapag dumating na si leader.

"Hindi nga, Ian? Tangina, wag mo akong niloloko!" Kinakabahan na sagot ko. Potek! Wala naman, talaga akong kasalanan. Bakit kailangan kong maghirap ng ganito?

Kung alam ko lang, sana hindi ko na pinalapit si Caela sa akin. Sana pala doon ako sa kwarto natulog para hindi ako ang napili niyang lapitan! Tangina! O kaya sana, nakigulo na lang ako kina Marcus kanina. F-ck!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan nilang lahat. Mga siraulo! Halos maglupasay na ako sa kaba dito tapos tatawanan lang nila ako? Kapag ba napaihi ako dito sa sahig dahil sa kaba, sila ba ang maglilinis? Mga bwisit!

"'Yung mukha mo Harper, nawalan na ng kulay. Binibiro lang kita bro, huminga ka naman! HAHAHAHAHA!" Tawang-tawang sabi ni Ian. Kinuha ko 'yung throw pillow at pinalunok ko sa kaniya.

Biro lang. Ibinato ko sa kaniya. Bwisit talaga ang kulugo na 'to! Wala akong maaasahan sa kaniya!

"Putangina ka, bro! Tarantado! Sarap mong gilitan ng leeg." Sunod-sunod na mura ko sa kaniya. Nakakagigil! Pero tanging tawa lang ang sagot na nakuha ko.

"Wala ka naman ng dapat pang alalahanin, bro." Mahinahon na sagot ni Ivan. Nagliwanag naman ang mukha ko. Sa wakas may kakampi na ako!

"Dahil kami na ang sasagot sa kabaong mo. Ready na ang lahat! Pati mga pagkain para sa lamay mo. HAHAHAHAHAHA!" Dugtong pa ni Ivan. Tangina! Magpapasalamat na sana ako sa kaniya. Nakalimutan ko, tarantado nga din pala ang isang ito katulad ng kambal niya. 

Inabot ko 'yung isa pang throw pillow at itinakip ko sa mukha niya hanggang sa hindi siya makahinga.

Pero joke ulit, hinampas ko lang naman siya. Mga tatlong beses, pambawi man lang. Humanap kayo ng mga tarantadong kaibigan, marami ako noon baka gusto ninyo?

"Salamat sa inyo, guys. Mahal na mahal ninyo talaga ako!" Sarkastikong sabi ko sa kanila at tumayo na para lumabas sana - pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si leader at si Caela na nasa bukana ng pintuan.

"H...hello leader. N-nice to see y...you. He-he!" Kinakabahang bungad ko habang nakatingin sa seryosong mukha niya. Narinig ko naman ang tawa ng mga ungas na kaibigan ko, sarap nilang bitayin ng patiwarik!

"Anong katangahan 'yan Harper?" Masungit na sagot naman niya bago ako nilampasan, nginitian lang naman ako ni Caela. Doon ko lang din napansin na magkahawak kamay pala sila.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!