"Ganito pala ang feeling noon, Mich. Nag-uumapaw sa saya 'yung puso ko."

"Kita ko nga sa mukha mo, sis. And I'm so happy for both of you. Siguraduhin lang niya na hinding-hindi ka niya lolokohin dahil kahit na siya ang pinakamalakas dito sa Mystique, papatumbahin ko siya!" Sagot ni Michie bago ako niyakap ng mahigpit. Masaya ako dahil sinusuportahan niya ako.

Nagawi naman ang tingin ko kay Sophia na nakatingin lang sa amin. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya.

"Hey, sis. May problema ba?" Bumitaw ako sa yakap kay Mich para lapitan si Sophia.

"Kanina ka pa tahimik. Hindi ka ba masaya para kay Caela?" Tanong ni Michie na lumapit na din sa kinauupuan ni Sophia.

Yayakapin ko na sana siya nang bigla siyang lumayo sa amin.

"Paano ako magiging masaya, kung ang bestfriend ko ang mahal ng nag-iisang lalaking mahal ko? Sagutin ninyo nga ako!" Nagulat ako sa naging sagot niya. 

Hindi ko agad nahanap ang mga salita sa bibig ko. Hilam na rin ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa amin. It's breaking my heart.

"Sophia... a-ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Michie.

"Sophia..." that is the only word, I can say. I'm still shocked on what she said. Lalapit na sanang muli ako sa kaniya pero pinili niyang tumayo at lumayo mula sa kinauupuan niya.

"Tapos para pa akong tangang nagpapanggap na kinikilig sa kasweetan ninyo pero ang totoo, parang pinapatay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Ang galing ko, tangina!" napapailing na ani niya habang pinupunasan ang luha.    

"I don't want to say this but... I hate you, Caela!" I felt the sudden pang in my heart. Naiiyak ako sa isiping magkakasira kami dahil dito. "But I hate myself the most for hating you. Because at the end of the day, you're still my bestfriend, my sister. Ang tanga ko di ba? Ano nga ba naman ang kasalanan mo? Nagmahal ka rin lang naman, pero masakit talaga! I loved him, on the very first day that I laid my eyes on him. Umaasa ako na mapapansin niya rin ako, pero wala! Sino nga ba naman ako para pansinin niya? Alam mo bang inggit na inggit ako sa'yo kasi sa unang pagkikita ninyo pa lang, alam ko nang nahuli mo na agad 'yung puso niya. Ang swerte mo, hindi ka lang maganda't mabait, pagmamay-ari mo pa 'yung lalaking mahal na mahal ko!" She's about to turn her back to us, but I did not let go of her hand.

"Sophia, please 'wag naman ganito. A-ayokong magkasira tayo." Pakiusap ko sa kaniya. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luhang kanina pa walang tigil sa pag-agos. 

"Hindi ko maiipangako na babalik 'yung samahan natin katulad ng dati. Nasasaktan ako Caela, kaya wag mo akong sisisihin kung lalayo ang loob ko sa'yo." Sagot niyang muli, nakatingin lang sa aming dalawa si Michie. Siguro hindi rin niya alam ang sasabihin.

"Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan, Sophia. Oo, mahal na mahal ko si Dashiell pero mahal din kita dahil bestfriend kita at ayokong mawala ka dahil pamilya tayo di ba?" Umiiyak na ding tugon ko.

Ayokong maranasan na mawalan na naman ng isang miyembro ng pamilya. She's like a sister to me and I hate the thought that sooner or later we will just treat each other as strangers.

Isa rin siya sa mga una kong naging kaibigan mula nang mapadpad ako dito. I can't bear to lose her.

"Kapag ba sinabi kong hiwalayan mo si Dashiell, hihiwalayan mo ba siya? Kapag ba sinabi kong akin na lang siya, ibibigay mo ba? You love me, right? You want me to stay? Then do that." lalong kumirot ang puso ko dahil sa naging hamon niya.

"Yes.. I love you so much. B-but not him. Please? Please, Sophie! Mahal ko kayong pareho." halos lumuhod ako sa harapan niya, nagawa lang akong pigilan ni Michie para hindi ko iyon magawa.

"N-no! Don't do that, Caela." umiiyak na aniya sa akin. 

Ayokong mamili sa kanilang dalawa. They're both important in my life. I may sound selfish but, I don't want to lose either one of them. I want to keep them both.

"Hindi ba, mind reader ka? Bakit hindi mo man lang nalaman ang mga iniisip at nararamdaman ko? O alam mo naman talaga pero ipinagsawalang bahala mo lang dahil makasarili ka?" Aniya na lalong nagpasikip sa dibdib ko.

"Sophia, stop! Tumigil ka na!" Saway ni Michie habang inaalalayan ako. It feels like I'll just collapse any minute from now because of the pain I'm feeling right now.

"Pati ba naman ikaw Mich, siya ang kakampihan mo? Tayo ang matagal ng magkakilala pero bakit sa kaniya ka pumapanig?"

"It's not like that, Sophia. Sumusobra ka na kasi. I know you're hurt, but she's hurting too! Pareho lang kayong magkakasakitan kung hindi ka pa titigil. Pag-usapan natin ito, hindi 'yung ganitong masisira tayo dahil lang sa putanginang pagmamahal na 'yan!" Sagot muli ni Mich habang nakapagitan sa aming dalawa.

"Sophie... please? Let's talk. Tama na."

"Hindi ako titigil hanggang hindi ka nasasaktan! Hanggang hindi mo nararamdaman 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon." I'm hurting right now. Ano pa bang sakit ang gusto niyang maramdaman ko?

"Sophia, ano ba? Hindi ka pa ba titigil? Gusto mo ba talagang masira itong pagkakaibigan na ito? Sobra na ang ginagawa mo kay Caela!" ramdam ko ang panghihina sa boses ni Michie. Nasasaktan ako sa maaaring kahantungan nito.

"Ikaw na naman ang dahilan, Caela. I really hate you! Sana nalaman mo agad ang lahat ng ito. Hindi ba magaling ka? Pinupuri ka ng lahat dahil makapangyarihan ka. Inagaw mo na ang lahat sa akin! Inagaw mo si Dashiell!" Tinuro-turo niya ako habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata niya.  

"I'm sorry! Pasensiya na kung hindi ko nalaman agad ang mga mangyayari. Patawad kung mas pinili kong bigyan kayo ng privacy kaya hindi ko pinakialaman kung ano man ang nararamdaman at iniisip ninyo. Sorry kung hindi ko man lang napansin na mahal mo din pala siya. Pero kahit kailan hindi ko ihihingi ng tawad ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Dashiell." Ayokong sabihin ang mga bagay na 'to pero nasasaktan na rin ako.

"Makasarili ka!" 

"Hindi ako makasarili, Sophia. Wala akong hangad kundi ang kasiyahan at kaligtasan ninyo. Sadyang may ibang bagay lang talaga na hindi pwedeng ipamigay."

"Siguro nga hindi talaga tayo nakatadhana bilang magkaibigan. And maybe it's the right time... to say goodbye. Alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin." Malungkot na aniya at tumalikod na palabas.

"Sandali lang, Sophia." Tawag kong muli sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglalakad pero nananatiling nakatalikod sa gawi namin.

"Maaari nga sigurong hindi tayo nakatadhanang maging magkaibigan pero gusto kong tandaan mo na mananatili ka sa puso ko. Kapag dumating 'yung araw na magiging magkalaban tayo, sana timbangin mo pa rin 'yung mga pinagsamahan natin. Even the destiny won't allow us to, you'll still be my best friend forever. I love you and I won't say goodbye. We will still see each other again, maybe not now, nor tomorrow. Pero isa lang ang sigurado ako, na kapag dumating ang araw na magkikita tayong muli, ay iyon ang araw kung saan masusukat muli ang ating pagkakaibigan, ang ating pinagsamahan." Mahabang litanya ko. Narinig ko pa ang pagpipigil niya ng hikbi bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang mga plano niya. Maaaring hindi ko pinapakialaman ang isip niya pero alam ko ang mga nangyayari. Una pa lamang sinabihan na ako ng mga diyos at diyosa pero mas masakit pa rin pala talaga kapag nangyayari na. Nagtiwala ako na baka maaari pang mabago. Naniwala akong mas matimbang ang pagmamahal niya sa amin. At iyon ang malaki kong pagkakamali.

"Caela, wait! Di ba nagtatampo lang naman si Sophia pero bakit nagpapaalam na siya sa atin?" Pulang-pula ang kaniyang mga mata at ilong dahil sa pag-iyak. 

Alam kong hindi niya masyadong naiintindihan ang mga nangyayari dahil wala siyang ideya sa tunay na pagkatao ni Sophia at nasasaktan ako sa maaaring maging reaksyon niya kapag nalaman niya iyon.

"She's saying goodbye because she really not belongs here." Malungkot na tugon ko. 

Alam kong ginawa niya lang dahilan 'yung pangyayari sa pagitan naming tatlo nina Dashiell. Pero alam kong may isa pang mabigat na rason kung bakit mas pinili niyang magpaalam at palabasin na lang na galit siya sa akin dahil ako ang mahal ni Dash.

Masakit sa puso na pakawalan ang isang matalik na kaibigan pero wala akong magagawa kung ito ang nakatadhana sa amin.

It's our destiny to be an enemy. 

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!