Putangina! Yes! Ligtas na ako sa bingit ng kamatayan. Magpapaparty ako!

*****

Peter.

"Magkahawak kamay ba talaga sila o namamalik-mata lang ako?" Dinig kong sabi ni Victoria.

"Totoo ang nakikita mo Vic, hindi 'yan edited picture. It's for real." Bulong naman ni Beatrice.

Magkakatabi kami dito sa sofa habang tinitingnan silang tatlo nina Harper. Nakakatawa talaga si Harper kanina, kulang na lang umihi sa pantalon niya. Sa pagkakaalam ko, ako ang bakla sa aming dalawa? Baklang-bakla ang loko kanina!

Kinikilig talaga ako kay leader at kay pretty Caela. Sabi ko na nga ba't magkaka-aminan na din ang dalawang 'to. And I'm so happy, may lovelife na ang Caela ko.

"OMG! My twinnie, I'm so kinikilig!" Tili ko at sinugod ng yakap si Caela pero di man lang ako nakalapit sa kaniya! Bigla na lang humarang si Leader at tiningnan ako ng masama.

"Dashiell, payakap lang kay Caela saglit. Mga five seconds, no - mga two lang. Hehe." Sabi ko sa kaniya pero ang loko seryosong tiningnan lang ako. "Dashiell naman! Ano ba? Hindi ko naman aagawin si ganda sa'yo, napaka-possessive mo. I'm a girl kaya!" Nagmamaktol na ako dito.

"It's still a NO! Ako lang ang pwedeng yumakap sa kaniya." Tangina! Kung pwede lang sumayad 'yung bibig ko sa lupa sa sobrang laki ng pagkakanganga nito, kanina pa nangyari! Nakita ko ring nakatanga ang mga kaibigan namin habang nakatingin din sa kaniya.

Nakita ko namang pulang-pula na ang mukha ng twinnie ko.

"Let's go, love. Alam kong napagod ka kanina. Baka mapa-ano pa 'yang baby sa tiyan mo." Sagot pang muli ni Dashiell.

"What the f-ck?!" Gulat na sigaw ni Ian.

Si leader ba talaga 'tong nagsasalita? Baka naman napossess na siya?

"Ano bang sinasabi mo, Dash? Para kang sira, nakakahiya!" hiyang-hiyang ani ni Caela.

"Ang bilis mo naman, leader." Sigaw naman ni Marcus. Nagtawanan lang kami dahil doon.

"Mahirap na, baka maunahan!" Dinig naming sagot ni Dashiell bago hinila papasok ng kwarto si Caela.

"Tangina. HAHAHAHA! Malakas ang tama ni Dashiell!" Sabi ni Jackson na sinabayan pa ng malakas na tawa. Ang hot tumawa ni Jackson. Iihh!

"Hindi ko aakalaing, magiging ganiyan si Leader. Kakaiba!" Tugon naman ni Victoria.

Napatango naman kaming lahat dahil sa sinabi niya. This is not the Dashiell we've known for years. Thanks to my pretty Caela, tao na ang leader namin!

"I'll just go outside, guys." Putol ni Zoey at nauna nang lumabas. Hindi man lang hinintay ang sagot namin. Saan kaya pupunta 'yon? Alam ko lumabas din siya kanina, noong lumabas sina Caela. Hmp. Hayaan na nga!

*****

Caela.

Para akong lumulutang sa hangin. Ganito pala ang pakiramdam ng in love. Okay, enough na. Ang corny ko!

"Kayo na ba talaga ni Dashiell, sis? O to the M and to the G." Hindi makapaniwalang tanong ni Michie. 

Nandito ako sa dorm namin ngayon, kinukwento ko sa kanilang dalawa ni Sophia ang tungkol sa amin ni Dashiell. I just want to inform them, baka magtampo na naman. And it doesn't mean that I'll forget them just because I have Dashiell now.

"Yes." Nakangiting sagot ko, may kasama pang pagtango.

"Sabi ko na nga ba at may lihim kayong pagtingin sa isa't-isa. Mga indenial pa kasi noong una. Hahaha!" Natutuwang tugon niya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!