Chapter 25: Love is sacrifice

247K 2.9K 249

CHAPTER 25: Love is Sacrifice

Sairyl’s P.O.V.


In the end… I stayed at the hospital. Di pa rin pala ako makakalabas ng hospital, pero this time hindi ako ang nakaconfined… Well, nung naguusap kami ni Cedric, narinig pala lahat ni Kyla ang pinag-usapan namen and that must’ve cause her to faint.

Di pa rin sya nagigising hanggang ngayon eh… 

Si Cedric… ayun nakaupo sa isang sulok at nakayuko, yung kamay nya nakatakip sa mukha nya. Di mapakaling ewan.

Nilapitan ko sya, tumabi ako sa kanya sa upuan, kinuha ko yung kamay nya at nilagay ko kamay ko sa mukha nya, ”Ano ba, relax ka lang pede?”

”Pero… She knows it already… Ano na mangyayari? Kung kelan pa naman magkakasama na ulit tayo…”

”We’re gonna die together right?”

”Yes… but that soon?”

”Doesn’t matter. Ang mahalaga eh magkasama na ulit tayo.. We’ll explain it to Kyla.. siguro maiintindihan naman nya tayo and who knows, she might save us from death...”

”Well yeah, you’re right. I shouldn’t be worried at all.” I hugged him after. I’m happy… No, happy is not the right term… Let’s say, I’m contented. I finally have him back, all the pain I had before had vanished already. I don’t mind dying right now. Atleast, I’ll die contented and happy. 

*ring ring*

Biglang nag-ring yung phone ni Cedric and he answers it.

After the phone conversation he went to me, ”Babygirl…” He called me that again. How sweet. ”I need to go may dapat pa pala akong tapusin. Babalik ako mamaya, promise.”

”Sure. Take Care.”

”Kaw din. I Love you.” and he kisses me on the cheek.

”I Love you too.” and we had our exchange of I love you’s once again. :)

Isa na lang ang dapat gawin… I-explain lahat kay Kyla pag gising nya at pagkatapos nun, everything would be fine again…


Or would it?


Natatakot pa rin ako… what if hindi matanggap ni Kyla? She’s my bestfriend and I don’t want to lose her…


Pero.. Sana… Sana…


”Hmm..” napatayo ako at lumapit kay Kyla nung marinig ko sya. Nagigising na sya.

”Finally.. gising ka na din..” kinakabahan talaga ako. dug dug dug

”Hmm? Ano ginagawa ko dito? Di bale, buti na lang talaga at panaginip lang pala ang lahat.. It looked so real. Pwew. ”  

”Panaginip?”  

”Hehe. Ang weird kasi.. napanaginipan ko daw na may past daw kayo ni Cedric tapos nakipagbalikan daw sayo si Cedric na he was just forced to love me.. Mga ganun ganun daw… Grabe, ang haba nga ng panaginip na yun eh… Para pang totoo.. Buti talaga at nagising na rin ako… Ang weird ng panaginip ko noh?”

Naiyak na ako… Ansaya saya kasi ng pagkekwento ni Kyla… Yun bang ang akala nya talaga eh panaginip lang ang lahat… pano mo ba naman masasabi ang totoo sa isang taong masayang masaya? Pano mo ba naman magagawang sirain ang ngiti ng isang tao? Feel ko tuloy eh ang sama-sama ko at ang selfish selfish ko kasi nagawa kong lokohin ang sarili kong bestfriend…


”Oh bakit ka naiyak Sai?”  

Di ko namalayan pumatak na pala ang mga luha ko… Di dapat na patagalin ko pa… kung hindi ko sasabihin ‘to ngayon eh kelan pa? Atsaka malalama’t malalaman din naman nya mabuti na yung ngayon na, ”Kasi Kyla, di naman panaginip yun!”

Kita ko ang pagkabigla sa kanya at ayun na… umiiyak na rin sya. 


”Hindi! Panaginip lang yun eh!”

”Hindi nga sabi eh!” wag mo ng ipagpilitan Kyla, mas pinahihirapan mo lang ako eh.

”Kung hindi yun panaginip… kung totoo ang lahat ng yon… bakit mo nagawa sakin yun Sairyl ha? Bestfriend pa naman kita, sana noon pa lang nung pinakilala ko sayo si Cedric eh sana sinabi mo na sa akin yung totoo para nasabihan ko yung sarili ko na wag mainlove sa kanya dahil ex mo sya at mahal mo pa rin pala sya! O kaya naman yang si Cedric, kung napilitan lang pala sya sakin eh sana sinabi nya na lang para di ako umasa, pede ko naman syang tulungang ayawan yung pinipilit sa kanya hindi yung papaasahin nya akong mahal nya rin pala ako! Alam nyo kasi, ansakit sakit maloko eh! Sana sinabi nyo na lang nung gabing yun nung pinakilala ko kayo sa isa’t isa na magex pala kayo at mahal nyo pa rin ang isa’t isa para natulungan ko na lang kayo at hindi yung gantong niloko nyo ako! Boyfriend at bestfriend ko pa man din kayo!”

”Sorry Kyla… di ko naman.. di naman namin inakalang hahantong sa ganto ‘to..”

”Inakalang ano?! Na magkakatuluyan kayo sa huli at ako? Maiiwan akong parang tangang nagmahal at sinaktan?! Sairyl, bakit ngayon pa? Bakit inantay mo pang mainlove ako ng sobra sobra sa ex mo? Ok lang sana sakin kung di ko sya nagawang mahalin eh, okay lang sana.. okay lang talaga sana… pero hindi eh. Mahal na mahal ko na si Cedric, Sairyl! Mahal na mahal!”

”Sorry talaga Kyla… di ko sinasadya.. di ko alam na ganun pala yun… na mahal ko pa rin sya at ganun din pala si Cedric.. Sorry talaga Kyla.”

”Sorry?! Sana lang ganun kadali yun eh… yun bang magsorry ka lang biglang boom, wala na yung sakit… hindi eh Sai.. hindi. Masakit pa rin eh, di tinablan ng sorry mo…”

Niyakap ko sya and she keeps on pushing me away, ”Sorry na talaga Kyla~!”

”Ayoko na sayo! Ayoko! Layuan mo ako! Manloloko ka! Tinuring kitang parang kapatid ko tapos gaganunin mo lang ako! Ayoko ng makita ka pa! kinasusuklaman kita!”

”Kyla.. kung kelangan kong lumuhod sa harapan mo, patawarin mo lang ako eh gagawin ko. Kahit ano gagawin ko Kyla, patawarin mo lang ako… parang awa mo na…”

”Kahit ano?”

”Kahit ano..”

”Layuan mo si Cedric. Akin lang si Cedric. Layuan mo sya at papatawarin kita. Kinuha mo kasi sakin sya! Mag-ex lang kayo kaya di mo sya dapat kinukuha sakin, exes don’t live in the present, exes should just stay in the past!”


I was surprised, ” layuan ko si Cedric? Pero…”

”Si Cedric ang dahilan kaya ka nagka-kasalanan sakin kaya kung talagang sincere ka sa pagso-sorry sakin ay lalayuan mo sya…”

”Pero Kyla.. I really love Cedric.. intindihin mo naman kami… kahit ano wag lang yun…”

”Intindihin mo rin ako, mahal ko din naman si Cedric! At isa pa, I have cancer! My days are numbered already, may sakit ako sa puso Sai! Cancer. It is slowly taking my life away, soon I’ll die… Ipagdadamot mo pa ba sakin si Cedric, Sairyl? Matiis mo ba ako? Yun lang naman hinihiling ko sayo Sai… Si Cedric.. I don’t wanna die without him by my side…”


Upon hearing that revelation… confusion clouded my mind. The thought of Kyla dying haunted me and guilt entered my body…


Yes, I do love Cedric…


And she does too… and well, she’s dying right?



And me too…


Pero uunahin ko pa ba ang sarili ko?


Pagdadamutan ko pa ba ang sarili kong bestfriend?





”Sige… I’m giving up on Cedric… You can have him… Hindi kita kayang pagdamutan, you’re my soul sister after all…”

Natuwa naman sya sa narinig nya and she hugs me,”Thanks Sai. You’re the best. I’ll know mamahalin din ako ni Cedric. ”

”Oo naman.” and that was it. Love is sacrifice right?


And I both love them. Cedric and Kyla.





Dying isn’t about having the happiness before death captures you, it’s about seeing people you love happy. So, I don’t care if I don’t have my happiness atleast my bestfriend could have hers. Madali lang naman magparaya eh, masakit nga lang. :’(




Nagkaayos na kami ni Kyla, kwentuhan na ulet… masaya na sya at ako? Pilit nagpapakasaya. Mga ilang oras dumating na yung mom ni Kyla at ako naman eh nagpaalam na uuwi.


And when I went home, dun ako nagiiyak. Buti na lang solo ko bahay at walang tao.


Haay…


Just when I thought I had the one I lost, it slipped out my hand. How unfortunate. Malas talaga ako. Kahit kelan. Di bale na, mamatay na din naman ako. Atleast mamamatay akong may napasaya akong tao. 


*phone rings*

Ringing tone: Di na Mababawi.

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid



Its Yue calling…


I answered the phone, ”Hel—“ di ko matuloy yung sasabihin ko kasi bigla bigla ay nakramdam ako ng pagsikip ng dibdib.

 
”Hello Sai?”  

Gusto kong sumagot pero di ako makasagot, sobrang sikip na ng dibdib ko tapos pinagpapawisan pa ako... I think I’m having an attack… Sabi ng doctor kelangan ko daw uminom nung pill na binigay nya… Asan ba yun?

”Sai? Sairyl?!”

Ayun yung gamot, nakapatong sa drawer ko…


Sinubukan kong lumakad papunta dun pero napatumba ako… pero sinubukan ko pa ring abutin yun kahit nakalupasay na ako sa sahig… Hirap na hirap akong kumilos kasi di na ako makahinga at maya-maya…





























*blag*


























”Sairyl?! What’s happening? Sairyl?! Sairyl!!” and that was the last thing I heard from my phone and then nothing followed…



End of Chapter 25

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!