Caela.

Anong problema ng lalaking 'yon? Wala namang ginagawa sa kaniya 'yung pinto pero kung ibalibag niya akala mo may ginawang masama laban sa kaniya. 

Mas mainit pa ang ulo sa akin, sa pagkakaalam ko ako ang babae sa aming dalawa at ako ang dinadatnan kada buwan. 

"What happened? Bakit galit na galit si Dashiell? Muntik na akong atakehin sa gulat." Eksaheradang sambit ni Peter habang nakahawak pa sa dibdib niya.

"Anong nangyari? Bakit kumalabog 'yung pinto? May nag-away ba?" Humahangos naman si Victoria, galing pa siyang kusina. Mayroon pa nga siyang dalang sandok.

"Tahimik lang naman na nakaupo 'yon kanina diyan. Pero napansin ko na ang sama ng tingin kay Harper." Tugon naman ni Marcus kaya napatingin kaming lahat kay Harper na kanina pa namumutla.

Isa pa 'to, hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. Hindi siya mapakali simula nang kausapin ko siya. Hindi ko naman siya kakagatin, parang baliw!

"Tangina namang mga tingin 'yan! Wala akong ginagawa." Sagot ni Harper. Tiningnan kasi siya ng Superiors na parang inuusig.

"Lagot ka kay Dashiell. HAHAHA!" Asar ni Beatrice. Ang supportive nila di ba?

"Salamat ah? Nakatulong ka." Sarkastikong sagot nito. 

Nagtawanan lang naman sila dahil doon. Hindi ako makatawa, iniisip ko kasi si Dashiell. Ano ba kasing problema niya?

"Ano ba talagang nangyari?" Ulit na pagtatanong ni Ivan. Nagkibit-balikat lang naman sa kaniya ang ilan.

"Si Caela talaga kasi ang may kasalanan." Nagulat naman ako sa ginawang paninisi sa akin ni Harper. Sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginagawang masama.

Wala naman di ba?

"Huh? B-bakit ako?"

"Bakit naman si Caela ang sinisisi mo?" Tanong din ni Zoey. Wala akong matandaan na ginawa kong masama kay Dashiell. Inirapan ko lang naman siya kanina pero imposible na iyon ang maging dahilan ng pagkabadtrip niya, di ba?

"Eh kasi naman," panimula niya bago nangamot sa batok, "lumapit-lapit ito sa akin tapos bigla na lamang magsasabi ng isang kahindik-hindik na salita." Sabay turo pa sa akin.

Wait, naguguluhan ako! And what's kahindik-hindik?

"Lumapit lang naman ako sa'yo, ano ang masama doon? Hindi naman kita inaway or what?" Tanong ko sa kaniya. 

Minsan talaga ang hirap nilang intindihin. Hindi naman sila alien. Or baka maniwala na akong half-breed silang mga Superiors . Half-royals, half-alien.

"Tinatanong mo pa, eh seloso ang siraulo na 'yon." Oh gosh! Napatakip ako bigla sa bibig ko.

Wag mong sabihing... OMG! Hindi ito pwedeng magyari.

Nanghihinang napatingin ako kay Harper.

"Sorry! Nasira ko pa yata ang relasyon ninyo ni Dash. Sorry talaga, Harper! Hindi ko naman alam." 

Nakakahiya! Pero hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari. May relasyon sila?! Para yatang aatakehin ako sa puso. Hindi naman sa assuming ako, pero ano 'yung mga pinapakita niya sa aking ka-sweetan, 'yung mga pagtawag niya sa akin ng mga letseng endearments na 'yan? Wala lang 'yon? Tapos malalaman ko lang na may relasyon pala sila ni Harper. Pinaasa niya lang ako at ako namang si tanga, asang-asa!

Wow! What a concept.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"POTEK! HAHAHAHAHA!"

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!