[6] Slashed to Death

433 10 2
                                          

Kinakausap ni Chesca si Elisha ngunit tulala pa rin siya.Wala nang magawa si Chesca kundi sampalin si Elisha para magising at hindi na matulala.

"Uy Elisha!Anong nagyayari sayo?"Tanong ni Chesca pagkatapos sampalin si Elisha.

"Ha?Ah-ah may,may nakita akong masamang mangyayari..."Sabi ni Elisha at hinimas ang kanyang pisngi kung saan doon siya sinampal ni Chesca.

"Nawawala ka lang sa sarili mo te!"Sabi ni Chesca.

"Totoo."Sabi naman ni Elisha.

"Hay nako.Umayos ka na diyan.Papunta na si Sr.Karl!Jusko yung teacher na 'yon!Buti nalang wala siya bukas sabi niya raw pupunta siya sa Lopez,Quezon."Sabi ni Chesca.

Ilang minuto rin ang lumipas ay dumating na ang subject teacher nila at nag-lecture na sila.

{Fast Forward}

Uwian nanaman nila kaya nadoon ang lahat ng estudyante sa lobby.

Nakaupo naman sa isang mahabang upuan ang magkakaibigan na sina Elisha.Nagke-kwentuhan sila nang biglang nag-salita si Kyla,ang class nerd ng Class 150-C.

"Hello!Diba Elisha ang pangalan mo?"Tanong niya kay Elisha at tumango naman si Elisha.

"Oo.Ikaw Kyla?Right?"Tanong naman ni Elisha at tumango rin naman si Kyla.

Nagshakehands silang dalawa at nagfriends rin ngunit hindi sinali ni Elisha si Kyla dahil ang nerd niya masyado pero friends sila.

Maya-maya ay may nag-text sa cellphone ni Kyla at kaya naman ay binasa niya ito.

"Nasaan ka na?I'm waiting for you."

Nag text naman siya agad.

"Ayan na.Papunta na ako.Wait mo ako diyan."

Agad rin siyang nagpaalam kay Elisha.

"Uy Elisha bukas ulit ha.It's nice knowing you!"Pagpapaalam niya kay Elisha.

"Sige.Bye!"Sabi rin ni Elisha at sumenyas rin si Kyla ng goodbye habang naglalakad siya papalayo kay Elisha para pumunta sa Art Club Room.

Nakarating na si Kyla papunta sa Art Room na punong-puno ng mga art drawing,paintings at kung ano-ano pa ang mga papel na nakadikit lahat sa wall.May mg kalat-kalat rin sa sahig.

"Nasaan na kaya siya?Sabi niya nandito na siya at hinihintay na niya ako."Sabi ni Kyla sa kanyang sarili.

Umupo siya sa isang upuan at kung saan ang nasa harap niya ay ang isang easel o tinatawag na painting stand.May nakalagay ditong blankong papel.Ni isa ay walang sulat dito.Wala siyang nagawa kaya kinuha niya ang isang color palette na may iba't ibang kulay ng painting.Kinuha niya rin ang painting brush at nagsimula nang mag paint.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumadating ang kanyang hinihintay na kanina pa raw siyang hinihintay nito.

"Nasaan na ba 'yon?!"Naiiritang sabi ni Kyla.

Tapos na siyang mag painting nang nahulog ang isang lalagyan ng color black na poster paint sa sahig.Agad itong kumalat.Tapos na ring magpaint si Kyla at ididisplay niya ito sa wall ngunit nahulog ito sa poster paint na nakakalat.Punong-puno ng poster paint ang kanyang papel.

"For Christ sake!"Galit na sabi ni Kyla.

Napansin ni Kyla na nababoy ang kanyang painting ngunit nagkorte mukha ng isang lalaki ang nakakalat na poster paint sa kanyang papel.Medyo na curious siya rito kaya pinulot niya ang papel at agad nilukot sabay ibinato sa basurahan.

Maya-maya ay may kumatok sa nakasarang pinto ng art room kaya naman binuksan ni Kyla ang pinto at nagaakalang may papasok ngunit wala.May ang-text bigla sa kanyang phone.

"Look at your back."

Pagkabasa niya rito ay agad naman siyang tumingin sa kanyang likod at nakita na may lalaki na sa likod niya.Nakamaskara ito ng pang "Anonymous Mask" at may hawak-hawak na kutsilyo at parang ready na patayin si Kyla.Nanlaki naman ang mga mata ni Kyla sa kanyang nakita at agad tumakbo papalabas ngunit naka-lock ang pinto.Hindi niya talaga ito mabuksan.Sigaw siya ng sigaw para lang may makarinig sa kanya galing sa labas ngunit wala kahit isang tao.

"S-sino ka?!Lumayo ka sa akin!!"Sabi ni Kyla sa lalaki.Nakita niya na inalis ng lalaki ang kanyang maskara at nakita na siya ang hinihintay na kasama ni Kyla.

"I-ikaw?!"Tanong ni Kyla.

"I'm not waiting for you,I'm waiting for you to be killed by me."Napakamysteryosong sabi ng killer.

"What a liar!!!"Sigaw ni Kyla sa killer at agad sinampal sa mukha ang lalaki na ikinagalit naman nito.

Hinampas ng killer si Kyla gamit ang kutsilyo na nagsanhi ng malaking sugat sa mukha ni Kyla.Agad namang natumba si Kyla at gumapang papa-alis sa killer.Humarap si Kyla sa killer at bigla nalamang hiniwa ng killer ang leeg ni Kyla kaya nagsiritan naman ang dugo ni Kyla galing sa kanyang leeg.Hawak-hawak niya ang kanyang leeg at pilit pinapatigil ang pagdugo nito ngunit pinaulit-ulit pa rin hiwain ng killer ang leeg ni Kyla hanggang sa mamatay si Kyla na puro dugo ang damit.Agad ring umalis ang killer papalabas ng art room iniwan lamang basta ang patay na katawan ni Kyla.

Nagsi-talsikan ang mga dugo ni Kyla sa mga drawing at mga painting na nakadisplay sa pader.

∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑∽◑
A/N:RIP Kyla......

HOPE YOU LIKED THIS CHAPTER!!!PLZ. VOTE AND COMMENT!!!

SORRY FOR SOME TYPOGRAPHICAL ERRORS!!

Class 150 (Part 2) | C O M P L E T E D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon