The Conjuring (LABIstori)

67.7K 2.4K 1.3K

The Conjuring, a LABIstori
Istorya kung saan 4 out of 10 people ang paniguradong hindi makakagets ng ending. 

Popcorn. Check.

Unan. Check.

Kumot. Check.

Boses. Check.

The Conjuring movie copy with 720p DVDrip High Definition na hiningi ‘ko mula sa certified pirata ‘kong blockmate. Check!

Bakit nga ulit ako manonood ng nakakatakot na palabas na ‘to eh ako nga ‘tong ayaw na ayaw manood ng kahit anong horror films? Ahhh. Oo nga pala. Nakipagpustahan ako sa siraulo kong bestfriend. Yung gago kasing yun, kantyawan daw ba akong iiyak kung mapapanood ko yung The Conjuring? Syempre, papayag ba ako ng minamaliit nalang ako ng ganon? Hindi naman pwede yata yon. Ayaw ko sa lahat, nasisira ang pinagkakaingatan ‘kong dangal at dignidad.

Papatunayan ko sakanya na hindi ako iiyak pagkatapos nung The Conjuring na yon. If I know, hindi naman talaga siya nakakatakot. Sadyang O.A lang talaga yung mga tao ngayon. Nakikiuso lang, masabing natatakot lang sila para in sila. Sarap bangasan ng mga mukha.

Ano bang nakakatakot dun? Pati yung manika, inirereklamo nila eh hindi naman mukhang nakakatakot! Ang cute nga nung itsura niya sa trailer eh!

Biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. “Ay kalabaw!” napahawak ako sa dibdib ko at parang biglang lumabas ang init sa katawan ko dahil sa sobrang gulat.

Pero hindi talaga ako takot! Nagulat lang ako!

“Hoy. Dap-ne! Buksan mo yung pinto!” sigaw nung nasa labas with matching kalampag ng pinto. Ayan na ang spawn of the devil.

Tumayo ako sa sofa at lumakad papalapit sa nagigibang pinto. Binuksan ko ito ng padabog at sinalubong ng suntok sa dibdib yung Gago.

“Ayos ka ah! Makakalampag parang kanya yung pinto!”

“Ang tagal mo mag bukas! Wag mo sabihing nagno-nobena ka kanina?”

“Tigilan mo ko Juding.” imbis na mapikon sa pag tawag ko sa tunay na pangalan niya, tinawanan lang ako nito sabay pisil sa ilong ko. 

“Bilis mapikon ng best pren ko ah. Kabado?” tinapik ko yung kamay niya, napalakas ata yung tapik kasi napaaray ang loko.

“Eh kung sapakin ko kaya yung mukha mo Jude? Nang makita natin kung sino kabado sa ating dalawa?” ginulo naman niya ngayon ang buhok ko. 

“Ano ba!” inaalis ko yung kamay niya pero patuloy parin siya sa pag gulo dito.

“Eto naman si Dap, masyado kang hot. Chill ka lang. O eto ice cream, buhos mo sa ulo mo para lumamig.” idinukdok naman ni loko yung gallon ng rocky road ice cream sa mukha ko. Imbis na mainis, napangiti pa ako. Syempre! Ice cream yan o! Ni-request ko kasi sakanya na mag dala siya, sabi niya hindi siya magdadala pero ayan. Hindi naman kasi ako natitiis ni Jude. 

The Conjuring (LABIstori)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!