Jenna is currently sorting some papers nang biglang umilaw ng pula ang tracker ng phone niya. It only means one thing, galing ito sa pamilya niya. Umiilaw lang ito ng pula kapag may emergency. Bigla siyang kinabahan.
Mabilis niya itong sinagot. It's her cousin Quen "Hello kuya, anong problema?"
"Storm, Aphrodite was kidnapped." mariing saad nito.
Napamura si Jenna sa isip. "What? By whom?" Nag-aalalang tanong niya sa pinsan.
"The person behind Sid Dwayne Morales death threats."
"Sid Dwayne Morales? The mission she took over from kuya Zeus?" Nakakunot noong tanong niya ulit kay Quen.
"Yeah, Tito Zion ordered me to alert all the agents, have to hang up, I'll Inform Thor too." Paalam nito at pinutol na ang linya.
Aphrodite is her my cousin. She iss Tito Zion's daughter. She took over her brother's mission from her cousin Zeus, Ap's brother dahil kasalukuyan itong nasa honeymoon. Her mission is to protect one of the well-known businessman in Asia Sid Dwayne Morales.
Hindi siya mapakali, nag-aalala siya sa kaligtasan ng pinsan. Hindi dapat sila makialam dahil kasalukuyang may hawak siyang misyon. Ngunit kapag pamilya nila ang pinag-uusapan ay nakahanda silang baliin ang protocol.
Bumuo siya ng pasya, kailangan niyang tumulong para mailigtas si Aphrodite. Napahawak siya sa kanyang noo.
"Jenna kailangan mong mag isip ng palusot."
"Is there any problem?"
Napakislot siya ng marinig ang boses nito. Sa kabila ng problemang kinakaharap ng pamilya ay hindi parin niya maiwasang mamula kapag naalala na ninakawan niya ng halik ang alkalde habang tulog ito. Na naudlot ang kanilang kissing scene moment dahil wrong timing si manong Randy.
"Sir, puwede po bang mag paalam? Masama po kasi ang pakiramdam ko." Hindi niya kayang salubungin ang titig nito.
"Syemay Mayor buy my palusot!" Taiimting niyang panalangin.
"Okay, fix your things you can go home."
Nanigas si Jenna ng maramdaman niya ang paghaplos ni Caleb sa kanyang psingi.
Hinawakan nito ang kanyang baba at dahan-dahang nitong iniangat ang kanyang mukha para magpantay ang kanilang mga pangingin. "Akon a ang bahala dito, ipapahatid kita kay Kuya Randy." malambing nitong saad. Yumuko ito at hinalikan siya sa noo
"Ano bey Mayor, huwag kang pa-fall." Napakurap ng tatlong beses si Jenna. Kailangan niyang hamigin ang sarili.
"No!" mariing tutol niya, hindi siya puwedeng magpahatid. "Ahmm kaya ko na, nakakahiya baka kung ano pang sabihin ng mga tao dito sir. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa."
"You sure?" Nag-aalangang paniniguro nito.
Tumango si Jenna at kinagat ang pangibabang labi.
"F*uck!" mariing mura ni Caleb, lumingon ito sa paligid pagkatapos ay tinawid nito ang pagitan ng kanilang mga labi.
Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kisame Jenna. Para lang muling mapapikit ng magsimulang gumalaw ang mga labi ni Caleb at teasing her lips.
D*mn it is so sweet, parang masarap na pagkaing dahan-dahan nitong tinikman ang kanyang mga labi.
Halos mawala siya sa sarili sa sensasyong naramdaman.
Gusto pa ni Jenna na magpakasasa sa mga labi ni Caleb ngunit kailangang niyang tumigil. Kahit labag sa loob ay pinilit niyang lumayo dito. "Enough," humihingal na bulong ni Jenna.
Hinawakan niya ang mga labi ni Caleb at maramang dinama ng mga daliri niya ang mga labi nito.
Humihingal na pinatong naman ni Caleb ang noo sa noo ni Jenna. "I'm not sorry for kissing you. It was long overdue." Sumilay ang ngiti sa labi ni Caleb habang malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya. "Yours, is the sweetest lips I've ever tasted."
Pakiramdam ni Jenna nagkaroon ng riot sa dibdib niya. Sobrang bilis ng pintig nito dahil sa mga sinabi ng binata. Ikinulong niya sa dalawang palad ang mukha ni Caleb "I couldn't compare you to others, because you are the first man I've ever kissed" Hinalikan niya si Caleb ng mabilis. "I have to go."
Dinampot ni Jenna ang bag sa kanyang mesa. "Bukas papasok na ko sir, salamat sa kisspirin." Pilya siyang ngumisi kay Caleb bago tuluyang umalis.
***
Si Jenna ang unang dumating sa mansiyon ng mga Sarmiento. Sumunod sa kanya ang kapatid na si Thor at pinsang si Zeus.
After an hour they already have Ap's location. Tumawag ang mga ito kay Dwayne. Bumuo ng plano si Tito Zion, Kaming magpipinsan kasama ang sampung magagaling na agents ng Olympus ang magliligtas kay Ap. We will back up Dwayne dahil ito ang mga kailangan ng kumuha kay Ap.
The Sarmiento's and the agents wore over all black suits.
"Okay let's rock guys!" Sigaw ni Jenna habang inaayos ang kanyang 9mm pistol.
"No one mess up with a Sarmiento!" mabalasik na saad ni Thor
"Puro kayo yabang, kapag hindi niyo nailigtas ang baby girl ko ay kayo ang pagbabarilin ko."
Imbes na matakot ay natawa pa silang magpipinsan sa sinabi ng tito Zion niya.
"Pa, kanino ba kami nagmana?" natatawang saad ni Zeus habang inaayos ang maliit na device sa tainga na magsisilbing communication nila. "Pa, huwag ka ng mainis na hindi ka makakasama. Baka hagisan pa kami ng c4 ni Mama kapag nasugatan ka." Muli nitong panga-asar sa amang si Zion.
Nagtawanan naman silang magpipinsan "Zeus right tito, leave it to us." maiikling sabad ng kanyang kapatid na si Thor.
"Kapag Ikaw bumalik na may basag sa mukha, outside the kulambo ka." Nagbabantang singit ni Harmony sa asawang si Zeus.
"Hon, huwag kang mag-alala, iingatan ko ang mukha ko para sayo." Niyakap ni Zeus ang misis. "Ingat kayo ni baby ha? Matutuwa si Ap, kapag nalaman niyang sharp shooter ang kuya niya." pagyayabang nito.
Nakatanggap ito ng hampas galing kay Harmony "Mag-iingat kayo hon."
Jenna rolled her eyes "Mga pabebe, let's go!"
Lumapit naman ang kapatid na si Thor at inakbayan siya. "Naiinggit ka na naman sis, hindi ka pa ba sinasagot ni Mayor Venganzo?"
Siniko niya ang kapatid "Eh ikaw kuya? Hanggang ngayon nato-orpe ka pa kay Myrtle." Ganting asar niya dito.
"Enough guys," awat ni Quen "Baka maihi na si Morales sa salawal alas siyete na."
"Kj!" bulong ni Jenna ngunit dinig naman ng lahat kaya nagtawanan sila
"Mag-iingat kayo mga anak." ani Althea at isa-isa silang niyakap
"Yes, tita!" Yes, ma!"
"Tama ang tita niyo, alalahanin niyo magkakalat pa kayo ng mga magagandang lahi natin." biro ni Tito Zion. But they knew deep inside nag-aalala ito para sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Hottie Mayor
RomanceJenna Storm Sarmiento thought her mission will be boring. Bantayan ang isang super hot na mayor Ng hindi nito nalalaman. With his looks and power, madaming nagtatangkang pumikot sa alkalde ng Sta. Monica. Kaya nagdesisyon ang ina nitong lumapit sa...